DIYAMANTENG KWINTAS

1188 Words
Dahan-dahang naglakad ang kanilang kabayo papasok sa tarangkahan ng Palasyo Albanya.. Dumiretso si Queen Kiana sa kanyang kwarto.. Habang nilalagyan ng kanyang mga tagapaglingkod ng mga kolorete ang kanyang mukha ay nakatitig lamang siya sa kanyang sarili sa harapan ng salamin.. “Kamahalan, pwede na po kayong tumayo at ng kayo'y makapagpahinga na sa inyong higaan..”, mahinang wika ni Matilda na nakatayo sa gilid ni Queen Kiana. Dahan-dahang tumayo si Queen Kiana, subalit nasagi niya ang isang portrait na nakalagay sa gilid ng kanyang makeup table.. Pinulot ito ni Matilda at nilapag ulit sa lamesa.. Habang nililinis ng kanyang mga tagapaglingkod ang mga bubog na galing sa portrait ay tinitigan niya ang larawan.. Ito ay ang araw ng kanilang kasal ni King Derek.. Nakangiti silang dalawa sa larawan.. Tinitigan niya ang mukha ni Prinsipe Derek.. Masaya ito at Kumikislap ang mga mata.. Wari mo’y mahal na mahal siya nito at natutuwa sa kasalang iyon.. Magaling magpanggap! Marahil pinakasalan lang siya nito dahil iyon ang gusto ng ama nito! Last month ago.. Masaya ang araw ng kasalang iyon.. Ang mga magulang nila ay labis ang kasiyahan.. Sapagkat ang kanilang ama ay matalik na magkaibigan noong ito'y mga binata pa.. “Mabuhay ang bagong kasal! Mabuhay si Prinsipe Derek! Mabuhay si Prinsesa Kiana! Mabuhay ang Albanya!”, sigaw ng mga tao ng Albanya at Irania sa labas ng Palasyo.. Sa lakas nito ay dinig na dinig niya ito sa terrace ng palasyo kung saan nakatayo silang dalawa ni Prinsipe Derek kasama ang mga magulang nila.. Ang araw na iyon ay hindi lamang ipinagdiriwang ang kanilang kasal kundi ipinagdiriwang din ang pagiisa ng dalawang kaharian.. Na sa bawat unos na darating ay dapat na magkasamang haharapin ng Kaharian ng Albanya at Irania ang lahat.. Malakas ang sandatahang lakas ng Albanya dahil nasa kanila ang pagawaan ng mga armas katulad ng baril, espada at ano pa mang armas na yari sa metal.. Ang Albanya kasi ay mas mayaman sa mga ore's at minerals kaya't sagana sila sa mga armas.. Habang ang Irania naman ay biniyayaan ng maykapal ng napakagandang lupa na nagbibigay ng masaganang ani.. At mga matatalino at masisipag na Prinsipe at Prinsesa kaya't kilalang mayaman ang kaharian ng Irania.. Kaya't maganda talagang magkaisa ang dalawang kaharian.. Si Haring Benigno, hari ng Irania ay mabait kaya't mababait rin ang kanyang mga nasasakupan.. Masisipag din magtanim ang kanyang nasasakupan kung kaya't labis labis ang kanilang mga ani.. Si Prinsipe Kristoff kapatid ni Prinsesa Kiana ang namumuno sa mechanical operations ng Kaharian. Bata pa lamang ay nilinang na niya ang kanyang kaalaman sa paggawa ng mga makina upang ang kanilang mga ani ay tumagal at magamit sa panahon ng kalamidad.. Kaya't maraming mga magsasaka ang nagpapasalamat kay Prinsipe Kristoff dahil sa galing nito at katalinuhan ay nagiging mabilis ang kanilang pagtatanim at pagani.. Higit sa lahat ay hindi nasasayang ang mga sobrang ani nila dahil may mga factory sila na siyang nagpapatagal ng buhay ng kanilang mga produkto.. Dahil dito ay mas lalo pang umunlad ang kanilang kaharian.. Habang si Prinsipe Gerald , panganay na anak na lalaki ni Haring Benigno at siyang kinikilalang papalit sa ama ay mas pinalakas ang sandatahang lakas ng Kaharian.. Batid niyang mahina sila sa depensa kaya't kumuha siya sa ilang mga pamilya na may maraming lalaki upang magsanay.. Ngunit nahirapan silang makakuha ng marami sapagkat ang iba rito ay mga nagtatanim at ayaw iwan ang kanilang bukid.. Kaya't napilitan siyang kumuha rin ng mga babae upang magkaroon ng dagdag na lakas ang kanilang kaharian.. Kaya't si Prinsesa Kiana at Prinsesa Aliyah, kapatid sa ama ni Prinsesa Kiana ay nagsanay rin upang matulungan ang kapatid sa pagsasanay sa mga kababaihang mandirigma.. Subalit kung ikukumpara ang lakas ng kanilang kaharian sa Albanya ay ni kalahati ay di nila ito mararating.. Dahil sa kaisipang ito kaya't pumayag si Prinsesa Kiana na magpakasal kay Prinsipe Derek.. “Anak..”, naiiyak na wika ni Haring Benigno kay Prinsesa Kiana.. “Alam kong nabigla ka sa mga pangyayari, ngunit intindihin mong hindi ako basta nagdedesisyon ng hindi ko pinagiisipan..”, Lumuluhang wika nito habang patuloy sila sa pagsayaw sa gitna ng pagdiriwang ng kanyang kasal. “Naintindihan ko ama, kayo'y wag ng umiyak at lalo akong nalulungkot.. ”, tugon ni Prinsesa Kiana habang pinupunasan ang luha ng ama. Huminto ang ama sa pagsayaw at may kinuha sa bulsa nito.. Nilabas nito ang kwintas na gawa sa diyamante.. Kumikinang ito.. “Anak, para ito sa iyo.. ”, sabay abot sa kamay ni Prinsesa Kiana.. “Subalit ama, iyan ay sobrang napakamahal.. Hindi ko po iyan matatanggap.. ”, tugon niya rito sabay balik ng kwintas sa ama.. “Anak, ito talaga ay para sa iyo.. Hindi ito galing sa akin.. Pagkalipas ng isang linggo, ika'y dumalaw sa ating kaharian at may sasabihin ako sa iyo, tungkol diyan, anak..”, wika nito sabay suot sa leeg ng anak.. Matapos isuot ay itinago ang kwintas sa ilalalim ng kanyang suot na damit.. Nagtataka man ay hinayaan na lamang niya ang ama.. “Hay, naku ang aking ama talaga.. Ako'y ikinasal na, eh, inispoil niyo pa rin ako.. ”, nakangiti niyang wika rito.. Niyakap siya ni Haring Benigno ng sobrang higpit.. “Anak ko! Tandaan mong mahal na mahal kita anak.. Magiingat ka anak.. ”, Lumuluha paring wika nito.. Naguguluhan man ay hinayaan na lamang niya ang kanyang amang lumuha.. Marahil ay mamimis lamang siya nito.. Present Day.. Dahil sa alaalang iyon ay naisipan niyang hanapin uli ang kwintas.. Pinalabas na muna niya ang kanyang mga tagapaglingkod.. Nakita niya ito sa lagayan ng kanyang mga damit at kinuha niya ito.. Maigi niya itong pinagmasdan.. Ngumiti siya.. napakakinang talaga nito.. Naalala niya ang kanyang ama.. kaya't siya'y napaluha.. Dahil rito'y napatakan ng kanyang luha ang kwintas.. Nagulat siya dahil bigla itong lumiwanag.. Sa takot ay nilagay niya ito sa lamesa.. Pagkatapos ay bigla ring nawala ang liwanag na nagmumula rito.. Muli niya itong kinuha.. Nagitla siya sa nakita sa kwintas.. Ang dating kumikinang na diyamante ngayon ay kumorteng kidlat..! Nagkaroon din ito ng pendant na hugis puso na yari parin sa diyamante.. Sa gitna nito'y makikita ang hugis hangin! Nabitiwan niya muli ang kwintas! Naalala niya ang sinabi ng ama.. “Anak, ito talaga ay para sa iyo.. Hindi ito galing sa akin.. Pagkalipas ng isang linggo, ika'y dumalaw sa ating kaharian at may sasabihin ako sa iyo, tungkol diyan, anak”.. Bakit ngayon niya lamang naisip ang lahat.. Ibig sabihin ay alam ng kanyang ama ang lahat! Kaya ba laging espesyal ang turing sa kanya nito? Biglang sumagi muli sa kanya si Draga.. “Ama, hindi naman po ako marunong mangabayo.. bakit niyo po ako binigyan nito..? ”, wika niya sa ama.. “Anak, iyan ay hindi ako ang nagbigay.. At alam kong kailangan mo talagang matutunang sumakay riyan.. kaya mo yan anak..”, nakangiti nitong turan at umalis na pagkatapos.. Napatitig siya sa kabayo na ngayo'y nakatingin rin sa kanya.. Pagkaisip nito'y mabilis siyang lumabas ng kwarto dala ang kwintas at tumakbo papuntang kwadra.. Habang sa likod niya'y nakasunod ang kanyang mga tagapaglingkod..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD