DRAGA

1224 Words
Narating niya ang kwadra kung saan naroroon si Draga.. “Walang susunod sa akin.. ”, mariing wika niya sa mga tagasunod niya.. Naguguluhan man ay sinunod siya ng mga ito.. Pumasok siya sa loob ng kwadra at hinanap si Draga.. Nang marating niya ang kinalalagyan nito siya ay nagitla sa nakita.. Si Draga ay may pakpak! Sa sobrang pagkagulat ay nabitiwan niya ang kwintas.. Biglang nawala ang pakpak ni Draga.. Namalikmata lang ata ako! Hinanap niya ang kwintas.. Makinang ito kaya't madali niya lamang nahanap.. Muli niyang tiningnan si Draga.. Meron na muli itong pakpak! Napatitig siya sa kwintas! “Ano itong nangyayari?”, napawika niyang tanong sa sarili.. Muli siyang tumitig kay Draga.. Nakikita niyang may pakpak parin ito.. “Ako po ba ang tinatanong mo, Kamahalan?.. ”, tugon ni Draga sa kanya.. Nagitla siya sa narinig.. “Ba.. ba.. bakit ka.. nagsasalita? ”, wikang tanong ni Queen Kiana.. “Dahil sinisigurado ko po kung ako ang tinatanong niyo.. Sabagay, wala namang iba pang hayop na pwedeng makipag-usap sayo rito.. ”, patuloy na pagsasalita nito.. Napaupo na lamang sa gilid si Queen Kiana.. Nagulat na nga siya sa pakpak may mas malala pa pala doon.. “Kamahalan? Kamahalan? okay lang ba kayo..? ”, pagaalalang tanong nito sa kanya.. lumabas ito ng kwadra niya at nilapitan siya.. “Paano.. ka nakakapagsalita?.. ”, nanghihinang wika ni Queen Kiana dala ng mga rebelasyong nalalaman niya.. “Dahil ginagamit ko ang aking dila at bibig? Hindi niyo po ba alam yun kamahalan? Pambihira! Akala ko pa naman ay matalino kayo! ”, wika nito sa kanya.. “Hay, naku! Siguradong pupulaan ako nito ni Mondragon.. Aba'y iyon pa naman ang pinagmamalaki ko sa kanya.. ”, pagpapatuloy pa rin nitong wika. Matapos mahimasmasan ay muli niyang kinausap si Draga.. “Winika mo kanina si Mondragon.. Sino iyon?.. ”, tanong niya kay Draga.. “Si Mondragon ay hari ng Kaharian ng Animalia kung saan ako galing.. ”, sagot nito.. “Kaharian ng Animalia??? saan iyon? ngayon ko lamang iyon narinig?”, nagtatakang tanong ni Queen Kiana. “Hindi mo talaga alam iyon kasi hindi ka pa naman nakakarating roon.. Tanging taga Kindom Brizania lamang ang nakakarating roon sapagkat sila ay may mga kapangyarihan..”, sagot nito sa kanya “Kingdom Brizania? Saan iyon?!”, naguguluhang tanong ulit ni Queen Kiana. “Ang Kingdom Brizania ay nakatayo sa tuktok ng bundok ng Lanang..”, muling tugon ni Draga kay Queen Kiana. “Bundok ng Lanang! sigurado ka? Ni wala pa ngang nakakarating sa tuktok nun.. Huli ngang sumubok na akyatin yun ay muntik ng mamatay dahil hindi makahinga sa taas.. Isipin mo ha, sabi niya sa taas ng narating niya di niya pa matanaw yung tuktok.. Tapos sasabihin mo doon nakatayo ung Kindom Brizania na sinasabi mo! ”, galit ng wika ni Queen Kiana. “Kasi nga walang mortal na makaaakyat doon.. Tanging taga Kingdom Brizania lamang ang pwedeng bumaba at umakyat roon.. kahit nga kami ay hindi pwedeng pumaroon kung hindi kami pinili ng amo namin na isama roon..”, mahabang paliwanag ni Draga. “Hay! hindi ko na alam kung paniniwalaan pa kita..!”, naiinis nang wika ni Queen Kiana. “Kamahalan! okay lang po ba kayo riyan?.. ”, narinig niyang tanong ni Matilda.. “Oo.. diyan lang kayo.. huwag kayo papasok!”, malakas na wika niya sa mga ito.. “Pero, bakit nga pala nandito ka.. Diba dapat nasa kaharian ka ng Animalia ba iyon?..”, tanong niya muli kay Draga. “Dahil pinadala ho ako rito ni Mondragon upang protektahan ka..”, tugon nito sa tanong niya. “Ano? bakit? bakit kailangan mo akong protektahan.. hindi ko naman kilala si Mondragon..”, nagtataka niya muli ritong wika. “Iyon nga rin ang pinagtataka ko noong una.. isipin mo ha.. ako pa ang pinadala.. Ako na siyang pinakamagaling liban sa kanya at kanang kamay niya ang ipinadala upang protektahan ka..”, pagmamalaking wika nito na siyang ikinataas ng kilay ni Queen Kiana. Ngayon ko lang nalaman na may mayabang rin palang kabayo na may pakpak! “Pero ngayong hawak mo iyang kwintas, alam ko na kung bakit..”, wika muli nito at biglang sumeryoso ang pananalita. “Bakit nga ba? ”, tanong niya rito. “May mga bagay na mas maiging hindi mo na malaman nang sa ganon ay hindi ka masasaktan, kamahalan.. Mas maiging huwag mo nang alamin ang nangyari sa iyong pamilya, para iyon sa ikabubuti mo at kabutihan rin ng lahat.. ”, seryosong tugon nito. Dahan-dahan siyang lumapit dito at nagwika.., “Anong ibig mong sabihin?”. “Alam ng iyong ama na iyon ang araw na pwede siyang mamatay subalit wala man lamang siyang ginawa upang labanan iyon.. Marahil inisip niyang iyon ang makakabuti sa lahat..”, tugon nito. “Makakabuti?? nakakabuti ba ngayon iyon? Ni hindi ko alam kung nasaan ang aking buong pamilya! Ni hindi ko alam kung sila'y buhay pa o patay na!”, galit na wika niya kay Draga. “Minsan, hindi natin nakikita ang kabutihan ng mga pangyayari sapagkat nakatuon lamang tayo sa mga emosyong nararamdaman natin.. ”, muling tugon niya kay Queen Kiana. Ngayong alam na niya kung sino talaga si Queen Kiana ay kailangan niya na itong ilayo sa paparating na kapahamakan.. “Mukhang marami ka palang nalalaman! Ako ang iyong amo ngayon.. Magsalita ka Draga! Sabihin mo sa akin ang lahat..”, galit na galit ng wika ni Queen Kiana. “Ikinalulungkot ko kamahalan, Wala po akong karapatan na magsalita tungkol sa mga bagay na iyan.. Pinadala ako rito upang ika'y protektahan hindi para dumaldal..”, wika nito sabay pasok sa loob ng kanyang kwadra . “Anong sabi mo! Draga! Draga! ”, sigaw ni Queen Kiana.. “Nakikiusap ako.. kailangan ako ng pamilya ko.. ako lang ang pwedeng makatulong sa kanila..”, nakaluhod na wika niya.. Kamahalan, Oh! Kamahalan! para ito sa iyong kabutihan! Ikaw ang higit na kailangang protektahan! kaysa sa mga inaalala mong mortal! Mondragon! bakit ako ang pinadala mo rito! dapat ay ikaw ang naririto!! Dahil sa sigaw ni Queen Kian ay napilitan ng pumasok ang magkakapatid na Calderon at si Matilda. Agad nilang tiningnan ang paligid.. Nakita nila si Queen Kiana na umiiyak habang nakaluhod kay Draga.. “Kamahalan.. ”, wika ni matilda at agad na tinulungang tumayo si Queen Kiana na patuloy pa rin sa pagtangis.. “Halina kayo, Kamahalan.. Ako po'y nagaalala na sa inyo.. hindi ko po kakayanin kung may mangyayari rin po sa inyo.. Kamahalan.. ”, umiiyak na wika ni Matilda.. “Matilda..”, bulong na wika ni Queen Kiana sa kanyang tapat na tagapaglingkod.. “Ano ang gagawin ko? Hindi ko na alam ang gagawin ko.. ”. “Kamahalan, huwag po kayong mawalan ng pagasa.. tanging kayo na lamang ang pagasa namin.. Kayo lamang po ang inaasahan naming makakatulong sa amin upang maibalik sa amin ang mga pamilya naming nawala..”, umiiyak paring wika ni Matilda habang inaalalayang maglakad si Queen Kiana. “Oo nga po Kamahalan! Ang aming asawa.. at anak!.. Sigurado akong buhay pa sila!.. Maging ang iyong pamilya! Umaasa sila Kamahalan! ”, wika ni Marvel habang naglalakad at umaalalay rin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD