Kaarawan ni Haring Benigno

1495 Words
Matapos siyang linisan muli at ayusan ng kanyang mga tagapaglingkod ay humiga na siya sa kanyang higaan.. Hinawakan niya ang pendant ng kanyang kwintas na ngayon ay suot na niya.. Ama.. napaluha siyang muli.. Bakit! bakit di ka lumaban! para sa akin? dahil ba alam mong may kapangyarihan ako? Napaupo siya sa kanyang higaan habang umiiyak.. “Ano ang gagawin ko ama! Anong kwenta ng kapangyarihang ito kung wala man lang akong nagawa upang iligtas ka! upang iligtas ang aking mga kapatid! ”, mahinang wika niya habang umiiyak at nagagalit sa sarili.. Naalala niya ang kaarawan ng kanyang ama.. Masayang-masaya ito noong araw na iyon.. Yun pala ay huli na nitong ipagdiriwang ang kaarawan nito.. Last two months ago.. “Makikiraan po! Makikiraan!..”, pasigaw na wika ni matilda habang tumatakbo dala-dala ang biniling damit para kay Prinsesa Kiana “Magdahan- dahan ka naman!”, galit na wika ng isang lalaking nabangga ni matilda.. “Aray!’, saad din ng isa pang babaeng natamaan ng dala ni matilda. “Paumanhin po, nagmamadali lang po! Pasensya na po!..”, pasigaw na wika ni matilda habang yumuyuko at ipinagpatuloy na ang kanyang pagtakbo. “Hay naku.., palagi nalang nagmamadali itong si matilda..”, saad ng babaeng nagtitinda ng gulay. “Malamang may mali na namang nabili iyan..”, wika ng isa pang babae na nagtitinda sa pamilihan. “Naku! bilisan mo! lagot ka kay Prinsesa Kiana! ”, sigaw ng lalaking nagtitinda ng prutas. “Prinsesa Kiana..”, mahinang tawag ni matilda habang habol-habol ang paghinga dala ng malayo nitong pagtakbo upang makuha ang tamang damit na pinabili nito. “Pumasok ka na matilda!, at mahuhuli na ako! Pihadong kagagalitan na naman ako ng aking ina! Magmadali ka na!.. ”, pasigaw na tugon ni Prinsesa Kiana kay matilda.. “Paumanhin po aking mahal na prinsesa sa aking kapabayaan.. Hinding-hindi na po talaga ito mauulit..”, nakayukong turan ni matilda habang tinutulungang magbihis si Prinsesa Kiana. “Makailang ulit mo na ba yang sinabi matilda? Ha? Abay, kung bibilangin ko'y, pagsamahin ko man ang bilang ng lahat ng daliri ng nakatira rito'y mas marami pa ang iyong pagkakamali kaysa sa tama mong nagawa..”, galit na wika ni Prinsesa Kiana. “Paano na lamang kung ilipat ka ng aking ina sa ibang tungkulin, aba'y pihadong matatanggal ka agad..”, dagdag na wika ni Prinsesa Kiana habang nagmamadali sa paglalakad patungo sa kaniyang kabayo.. “Mahal na Prinsesa, ako po'y nagpapasalamat sa inyong malawak na pangunawa sa akin.. Sana po'y huwag kayong magsawa sa akin.. ”, pakiusap na wika ni matilda habang nakayuko kay Prinsesa Kiana.. “Sige na.., tumayo ka na diyan at nang tayo'y makaalis na..”, galit paring wika ni Prinsesa Kiana. “Maraming salamat po, mahal na Prinsesa...”, nakangiting saad ni matilda.. Ngayon nga ay kaarawan ni Haring Benigno, ang ama nina Prinsesa Kiana at Prinsesa Aliyah.. Ang kanilang ama ay mayroong tatlong asawa. Una na rito ay si Reyna Isabel. Siya ay galing sa kaharian ng Olibya. Siya ay mayroong isang anak. Ito ay si Prinsipe Gerald. Pangalawa ay si Consort Melanie galing sa kaharian ng Shinaya. Siya ay mayroong tatlong anak. Kabilang na rito si Prinsesa Kiana, ang kanyang panganay at nagiisang anak na babae at unang anak na babae rin ng hari. At ang kanyang dalawang anak naman na lalaki na sina Prinsipe Kristoff at Prinsipe Keil.. At ang panghuli ay si Consort Siara na galing sa kaharian ng Hermanya. Siya ay mayroong dalawang anak. Ito ay sina Prinsesa Aliyah at si Prinsipe Anton na siyang pinakabunso sa lahat ng anak ng hari. Pagpasok ni Prinsesa Kiana sa palasyo ng hari ay nakasalubong niya ang kanyang ama na patungo na rin sa pagdarausan ng kaarawan nito. “Aking mahal na amang hari..", pagbati ni Prinsesa Kiana habang nakayuko bilang paggalang sa ama.. “Ang aking pinakamamahal na Prinsesa..", tugon ng mahal na hari sabay abot sa kamay ng anak upang ito'y tulungang tumayo. “Ngayon mo lamang ako binisita anak ko.. Mabuti pa si Prinsesa Aliyah ay madalas akong dalawin.. Ikaw ay ngayon na nga lamang ay mukhang nahuli ka pa.. Mukha yatang nakaligtaan mo na ngayon ang aking kaarawan, aking mahal na prinsesa..", may pagdadamdam na wika ng hari. “Naku, nagtatampo ang aking pinakamamahal na ama..", wika ni Prinsesa Kiana sabay yakap rito. “Kayo'y wag nang magtampo.. Alam niyo namang ako'y busy sa pageensayo.. Para rin ito sa ating kaharian, ama.. Isa pa'y hindi ko naman nakalimutan ang kaarawan niyo...” wika ng Prinsesa habang nakangiti sa ama. “Kung ganon, ay bakit ikaw ngayo’y nahuli? ”, panunudyong wika ng hari. “Nahuli lamang ako sapagkat itong si matilda ay iba ang nadalang damit kahapon.. kanina ko lamang nakita kaya't pinapalitan ko pa sa kanya.. Ang gusto ko kasi'y makita niyong pinaghandaan ko ang inyong kaarawan, Kamahalan..", wika ni Prinsesa Kiana na parang nagmamalaki sa ama.. “Tingnan niyo ang aking damit mahal na ama.. hindi ba't maganda at kaiga-igaya..", turan ulit niya sabay ikot sa harap ng kanyang ama. “Oo nga, mahal kong anak.. Ang ganda ng iyong suot..", nakangiting wika ng hari. “Si matilda na naman pala ang may kasalanan.. Bakit hindi mo pa siya palitan.. Marami akong pwedeng ipalit sa kanya na talagang magaling at sanay na sa mga gawain..”, pangungumbinsing wika ng hari. “Hayaan niyo na siya sa akin, ama.. Kahit naman siya'y ganyan, sigurado akong siya'y aking mapagkakatiwalaan.. Isa pa'y sanay na akong kasama siya mula ng ako'y maliit pa.. ”, nakangiting tanggi ni Prinsesa Kiana. “Hala, sige kayo'y lumakad na at pihadong hinahanap ka na ng iyong ina..”, pagpapatiunang wika ng hari sa anak habang nakangiti. Hindi na nakipagtalo pa sa anak si Haring Benigno. Alam naman niyang hindi ito basta tumatanggap ng tagapaglingkod base sa galing kundi ay kung kayang ibigay ang buong nitong katapatan maging sarili nitong buhay. Muling yumuko si Prinsesa Kiana sa ama bilang pamamaalam rito, at muling nagwika, “maraming salamat aking mahal na ama sa inyong malawak na pangunawa..”. Mabilis siyang naglakad na may kasamang pagtakbo papasok sa pagdarausan ng kaarawan ng kanyang ama.. Habang ang kanyang ama ay umiiling-iling na may mga ngiti sa mga labi habang siya'y pinagmamasdang palayo.. “Malaki na ang aking anak Joseph! Matanda na kami si Reyna Isabel upang siya'y protektahan.. Kailangan na siya'y magkaroon na ng kabiyak na siyang magtatanggol sa kanya sa oras ng kagipitan.. ”, pagaalalang wika ng hari na ngayo'y nakatanaw na sa kalangitan. “Siguro'y maiging kayo na lamang ang mamili ng kanyang mapapangasawa upang kayo'y di na sa kanya magalala, kamahalan..", nakangiting turan ni Joseph, matapat na tagapaglingkod ni Haring Benigno. “Palagay mo? Makakabuti kaya sa kanya iyon? Kung naririto lamang siya ay pihadong alam niya ang tamang gawin.. itanong mo kay Queen..”, napabuntong hiningang wika ni Haring Benigno. “Kamahalan, pinagkakatiwalaan ng reyna ang inyong mga desisyon.. Ang alam ko'y si Haring Demetrio ng kaharian ng Albanya ay naghahanap ng mapapangasawa ng kanyang anak, kamahalan..”, wika muli ni Joseph kay Haring Benigno. “Ganun ba? Ika'y magpadala ng mensahe sa kanya kaagad. Siya'y aking matalik na kaibigan.. Siya'y aking mapagkakatiwalaan..”, nakangiting saad ng mahal na hari at nagpatuloy na ito sa paglalakad. Nakangiting sumunod sa paglalakad si Joseph sa hari kasama ang iba pang tagapaglingkod. Pagpasok ng hari, ay agad na nagsiyuko ang mga tao.. Habang ang hari ay patuloy lang na lumakad hanggang makarating sa kanyang trono. Masaya ang kanyang kaarawan.. Maraming pagkain ang nakahain sa hapagkainan.. Mayroon ding mga palabas, at sayawan.. Maging ang alak ay sagana daig pa ang ilog sa parang.. Pagsapit ng dilim ay nagpaalam na sina Consort Melanie kasama ang kanyang mga anak.. Na siya namang pinayagan ni Haring Benigno.. Maya-maya'y lumapit si Joseph at mayroong ibinulong sa hari.. Ito'y labis na ikinagalak ng hari kaya't bago pa makaalis sila Prinsesa Kiana ay kanya ito muling tinawag.. “Prinsesa Kiana, aking pinakamamahal na Prinsesa.. halika muna rito sa aking tabi..”, masayang turan nito sa anak na agad namang sinunod ni Prinsesa Kiana habang nakangiti. “Aking mga minamahal na nasasakupan..", malakas na pahayag ng hari na siyang ikinatahimik ng lahat. Maging si Prinsesa Kiana ay kinabahan na sapagkat pihadong ito'y tungkol sa kanya sapagkat siya ang katabi nito. “Aking ipinapaalam sa inyo na ako'y nagagalak ngayong aking kaarawan sapagkat nakipagkasundo si Haring Demetrio ng Kingdom Albanya na ikasal ang kanyang anak sa aking pinakamamahal na anak na si Prinsesa Kiana..”, masayang pahayag na wika ni Haring Benigno.. Napatigalgal si Prinsesa Kiana sa pahayag ng kanyang ama. Habang sa di kalayuan, ay may isang lalaking nakamasid sa kaganapan.. Napatiim bagang din ito sa balita.. subalit unti-unti siyang napangiti.. “Tadhana na ang gumawa ng paraan upang tayo'y muling magkita, mahal na Prinsesa..”, walang emosyong wika ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD