CHILDHOOD MEMORY

1023 Words
Pinagmasdan ni Prinsesa Kiana ang kanyang ama na ngayo'y masayang - masaya gayundin ang reyna at kanyang ina.. Subalit ang kanyang puso ay talagang naghihinagpis at tutol sa kasalang magaganap.. bakit hindi man lang siya tinanong nito kung gusto niya ng magasawa..? Napatingin siya sa lahat ng tao, lahat sila ay tuwang-tuwa sa balita. “Marahil ay nagdiriwang sila sa pagiisa ng dalawang kaharian..”, mahinang wika niya sa sarili. Ako lang ba ang nalulungkot sa balitang ito? di niya napigilang mapaluha.. Unti-unting dumilim and buong paligid, maging ang mga tinig ay unti-unting nawawala ng biglang may lumapit galing sa kanyang likuran at bumulong.. "Aking mahal na prinsesa, para ito sa iyong kabutihan..magtiwala ka sana sa iyong ama.. hindi ka niya ipapahamak..”, pagkatapos ay isang malamig na hangin ang dumampi sa kanyang pisngi.. Nagitla siya at napalingon sa kanyang likuran.., tanging si matilda na nakayuko lamang sa kanya ang kanyang nakita. "May maipaglilingkod po ba ako sa inyo kamahalan? ”, tanong nito sa kanya.. "Halika na, tayo'y humayo na..”, tangi niyang nawika. Saglit niyang pinagmasdan muli ang kasiyahan sa mukha ng kanyang ama pagkatapos ay umalis na. Lumisan siya sa lugar kasama ang kanyang mga tagapaglingkod ng hindi na nagpaalam pa sa hari.. Ayaw niyang masira ang kasiyahang nadarama nito dahil pihadong makikita nitong nalulungkot siya sa balitang hatid nito.. Pinagmamasdang mabuti ni Prinsipe Derek si Prinsesa Kaina habang naglalakad itong paalis sa lugar.. Habang papalapit ito sa kanyang kinatatayuan ay unti-unting bumibilis ang pintig ng kanyang puso.. Nang ito'y makalapit na sa kanya'y mas lalo pa itong bumilis dahil kanyang nasilayan ang tinataglay nitong kagandahan.. Kakaiba talaga ang angkin nitong ganda.. Simple lamang itong manamit at hindi nagdadala ng marangyang kolorete sa katawan.. Subalit dahil sa taglay nitong kagandahan, daig pang nakasuot ng malacrystal na kasuotan, dahil sa siya’y sadyang kumikinang.. Maging ang alindog nitong katawan ay talagang nakakahumaling pagmasdan.. Katulad noong bata pa sila ang ganda talaga nito ay nangingibabaw sa lahat.. “Prinsesa.. ito oh!! bulaklak para sa iyo.. ”, ngiting wika ni Prinsipe Derek sabay abot ng bulaklak habang nakayuko.. “Anong ginagawa mo! Pwede ba! umalis ka nga rito! bawal ka rito! Alis na!”, sigaw ni Prinsesa Kiana sa Prinsipe.. “Ngunit mahal na Prinsesa gusto ko lang iabot itong.. ”, hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Prinsipe Derek.. Nakita niya kasing kinuha ito ni Prinsesa Kiana at itinapon sa lupa.. inapak-apakan pa nito ang bulaklak.. “Hindi ako nagkakagusto sa batang payat at pangit! Alis rito! ”, sigaw ni Prinsesa Kiana habang umiiyak.. Dahil sa labis na pagkapahiya ay umalis ang prinsipe sa harding iyon.. Dahil sa ala-alang iyon ay muling dumilim ang mukha ni Prinsipe Derek.. Pangit at payat pala ha! Yung pangit at payat na ayaw mo ang siyang pakakasalan mo ngayon, Prinsesa Kiana! “Lumisan na tayo.. kailangan ko pang maghanda.. ”, turan ni Prinsipe Derek sa kanyang tagapaglingkod habang nakangisi. "Masusunod po, kamahalan..", tugon ng kanyang mga tagapaglingkod. Napatingala sa langit si Prinsesa Kiana habang nagpapahinga sa veranda ng kanyang tahanan.. Nakikita niyang ito'y nangangalit.. Maya-maya'y bumuhos ang malakas na ulan.. Napangiti siya, at least alam niyang ang kalangitan ay nakikiramay sa kanyang nararamdaman.. Dahan-dahang siyang naglakad palabas ng veranda.. Pagkatapos ay hinayaan niyang mabasa siya ng ulan.. Habang nababasa siya ng ulan ay unti-unti ring bumubuhos ang kanyang mga luha.. dito'y walang makakakita na siya'y umiiyak.. malaya niya itong nagagawa.. Ang dami-daming naglalaro sa kanyang isipan.. “Paano kapag nalaman nila..”, wika niya habang nakatingala sa langit at dinadama ang patak ng ulan.. “Kamahalan, halina kayo sa inyong silid, baka po kayo'y magkasakit..”, nagaalalang wika ni matilda. Napahinto siya at napatitig kay matilda.. Nakita nito ang mga luha sa kanyang mga mata.. 'Kamahalan..', tangi nitong nawika.. “Tawagin niyo ang aking ngalan kapag gusto niyo nang pumasok sa loob.. kamahalan..”, nakayukong wika nito habang tumutulo rin ang luha.. Naawa siya sa prinsesa.. Batid niyang marami pa itong plano para sa kanilang kaharian.. Ngayon ay hindi na ito matutupad sapagkat ito'y ikakasal na at titira sa ibang kaharian.. “Pumasok na kayong lahat sa loob, ipapatawag ko kayo kapag kailangan na kayo ng kamahalan..”, turan ni matilda sa iba pang mga tagapaglingkod. Pagkatapos noon ay nagsipasok na sa loob ang lahat ng tagapaglingkod, maliban kay matilda na naiwan sa veranda. Habang si Prinsesa Kiana ay napaupo sa lupa habang umiiyak.. Ama! paano ko ito itatago..? kapag po ba pinaalam ko ito sa inyo itutuloy niyo pa kaya ang kasal? Hindi niya alam kung ilang oras siyang naroon.. Umalis lamang siya ng tumila na ang ulan.. 'Panahon na upang harapin ang katotohanan..', wika niya sa kanyang sarili na pinilit na ngumiti.. Lingid sa kaalaman ng Prinsesa na nakita ng kanyang ama ang lahat.. Nakatayo lamang ito sa pinto ng kanyang tahanan.. “Pinakamamahal kong anak.. Alam kong ito'y iyong hindi magugustuhan subalit para ito sa iyong kabutihan.. Kailangan mo ng makakasama anak ko.. At alam kong kung naririto siya ay ito rin ang magiging kagustuhan niya.. Ang mapabuti ka anak.. ”, bulong na wika ni Haring Benigno.. “Tayo'y lumisan na..”, wika niya sa kanyang mga tagapaglingkod.. “Kamahalan, kayo'y wag magalala sa Prinsesa.. Nagmana ho siya sa inyo ng lakas ng loob.. Hindi ho siya sa inyo kumontra, ibig sabihin ay kaya niya ito, kamahalan..”, wika ni joseph sa hari. Tumango lamang ang hari sa tinuran ng kanyang tagapaglingkod.. “Kamahalan, natanaw ko po ang inyong ama na papaalis na galing dito sa inyong tahanan..”, wika ni Matilda.. “Ha? Sigurado ka? bakit di mo sakin sinabi..”, tanong ni Prinsesa Kiana.. “Patawarin niyo po ako, kamahalan, huli ko na po nalaman.. ”, nakayukong wika ni Matilda. “Ama! Huwag po kayong magalala sa akin.. kaya ko po ito.. Alam kong may dahilan kayo para sa lahat ng ito.. ”, bulong ni Prinsesa Kiana. “Sige na Matilda, kayo'y magpahinga na.. ”, wika ni Prinsesa Kiana kay Matilda. “Masusunod po kamahalan.. ”, wika ni Matilda sa Prinsesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD