Chapter 2
People's world
Nanghihina akong napaupo sa damuhan. We are no longer in the Magic World. Hindi mawala sa aking isip ang nangyayari sa kaharian. Mabigat ang aking dibdib. Maging paghinga ko ay mabigat. I'm worried about my parents and the kingdom. We are safe here temporarily, pero sila? Paano sila? The evils are dirty to play. Delikado sila at walang awa sa kahit kanino. I don't trust any of them. Sigurado ako na gagawin nila lahat masakop lang ang buong magic world.
"Where do we go now?" nanghihina ang boses na saad ni Crystal. Itinaas ko ang aking mga mata at bumungad sa amin ang mahahabang d**o. Pinahid ko ang luha mula sa aking mga mata pilit na tumayo sa kabila ng panghihina.
"We have to find someone," ani ko, iyon ang bilin sa akin ni ina. She told me to find the woman named Rovielyn who's living in this world to watch out for. Pinadala siya ng ina rito para magbantay. Tuso ang mga kalaban namin. Kung gusto nilang sakupin ang kaharian namin, maaari rin nilang planuhin sakupin ang mundo ng mga tao.
"Calida, hindi biro maghanap ng tao sa mundo ng mga tao, it's bigger than you think," pahayag ni Crystal at tumayo.
"Alam ko iyon," we have to give her a signal that we are already here. Iyon na rin ang magiging senyales niya na nagsimula na ang labanan sa aming mundo. If the wind holder is already here, madali lang namin siyang makikita.
"I'll use water to find her," ani Adrian at pinahid ang mga matang basa pa sa luha, "We have to move, hindi ko sasayangin ang bawat oras, I'm gonna make sure to kill all of them," I can feel how mad he is. He's full of hatred at determinado matalo ang mga kalaban. Lihim kong kinuyom ang aking mga palad. I have to treasure each time. Hindi ko kayang manatili ng matagal sa mundong ito, knowing that my parents are fighting not just for their lives, but for the whole Kingdom.
Just like a bubble, Adrian created one. His eyes are talking to the water, telling it what to do, and who to find. I can find anyone using fire. If I did, I'd end up burning the whole world of people.
"What do we do now?" tanong ni Crystal. Bumalik ako sa pagkakaupo sa damuhan. Tiningala ko ang kalangitan at hindi na masikat ang araw. Sa tingin ko ay palubog na iyon.
"We wait," pagkasabi ko no'n, ay naupo sila sa aking tabi. We didn't talk to each other. Katulad ko ay alam kong malalim din ang kanilang iniisip.
I feel useless. Useless for not fighting there instead of going here. Pero wala akong magawa. This is what my parents want me to do. At nagtitiwala ako sa kanila. Alam kong para sa lahat ang pinapagawa nilang ito. I don't know if I'm scared. Ngunit marami ang naglalaro at bumabagabag sa aking isip. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa pagtira o pananatili namin dito sa mundo ng mga tao. I don't even know what kind of life they have here. Katulad ng sinabi ni Crystal, this world is bigger than ours. I don't know when to start. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin at simulan sa lahat ng misyon namin dito.
I don't even know if we will be able to find the two missing ones. Kung nasaan man sila, I hope they realized that they are not normal at all. Sigurado ako na mapapansin at mapapansin nila iyon sa ilang pangyayari sa buong buhay nila.
Hindi ko alam kung gaano katagal kami naghintay doon at nanatili sa ganoong pwesto. The clouds are already black. Madilim na, ngunut naaaninag ko ang ilaw sa ibang bahagi.
"Is she even coming?" tanong ni Adrian, at binasag ang matagal na katahimikan na bumalot sa amin. I know he's in a lot of pain. Sino ba ang anak ang hindi madudurog kapag nakita ng dalawang mata mo ang pagkamatay ng iyong magulang? I don't want to think of it. I already know the answer. At alam kong hindi ko kakayanin kapang nangyari iyon. I would rather die, than them.
"I'm scared," nilingon ko si Crystal. Yakap nito ang kanyang mga tuhod at puno ng takot ang mga mata.
"You must not," ani Adrian at diretso ang tingin sa kawalan.
"I will protect the both of you," ani ko, at hindi sila tiningnan. I don't want any of them to see fear in my eyes. Adrian is right. We must not fear, I must not fear. For a while, I have to forget about thinking of my parents there, fighting for everyone's lives. Kailangan kong mag focus kung gusto ko pa silang abutan na buhay.
"Calida?" Napunta ang mga mata ko nang nahawi ang mahabang d**o at bumungad sa amin ang isang babae. As she saw me, a deep smile flashed on her lips.
"Are you Rovielyn?" I asked, and stood up. Tiningnan niya si Adrian at Crystal sa aking tabi. Her eyes are in pain, I can see that. Tingin ko ay kaedad lang siya ng aking ina. Her beauty is simple, and I wonder what ability she has. How did she manage to live here?
"Ako nga," aniya, but I don't trust anyone. I can't trust anyone. Bago pa man siya makalapit ay agad nagliyab ang aking kamay. I felt the heat of fire again, pati ang mga mata kong alam kong kulay apoy na ngayon.
"Calida!" saad ni Crystal.
Hindi ko siya nilingon at nanatili ang mga mata sa babae sa aming harapan. Nagulat siya sa ginawa ko, pero sa huli ay bumalandra ang ngisi sa kanyang mga labi nang pagmasdan ang nag-aapoy kong kamay. Adrian didn't stop me. At sa tingin ko ay pareho kami ng iniisip nito.
"I don't trust people easily, lalo na sa mundong ito," malamig kong pahayag sa kanya.
"Totoo nga, you're the strongest," pahayag niya at tila ba ay hindi natinag sa aking apoy. Akma itong lalapit kaya't mas pinagliyab ko ang aking kamay.
"Prove it," madiin kong saad.
"Calida, I don't think she's lying," ani Crystal sa akin.
"You can see the future, Crystal, but you can't read minds," ani ko at mas pinakatitigan ang babae.
She smirked at us, "I can read minds," kung totoo iyon, nababasa niya ang iniisip ko.
"Oo, kanina ko pa naririnig lahat ng iniisip mo, Calida, all of you," aniya at tiningnan si Adrian at Crystal, "You're in pain and thinking of the Kingdom, halos pare-pareho kayo ng iniisip, but you're too easy to trust, Crystal."
Huminga ako ng malalim at ibinaba ang aking kamay.
"Athena thought you well," aniya, sa akin.
"Where do we go?" mabilis kong tanong at hindi na nag paligoy-ligoy pa.
"To my house," tumalikod ito at nagsimulang maglakad paalis.
"Let's go," ani Adrian at agad na sumunod. Sa paglabas namin sa damuhan na iyon, ay bumungad sa akin ang mga ilaw sa bawat gilid ng daan. Tahimik, at tila ba ay walang katao-tao sa lugar na ito. Sinusundan lang namin si Rovielyn habang ang mga mata ko ay nagmamasid sa paligid. Masasabi kong malayong-malayo nga ang itsura ng mundo ng mga tao sa amin.
"Mabuti na lang at mga naka ganyan kayo," aniya, hanggang sa nakarinig kami ng ingay mula sa mga tao. Nakasuot kami ng itim na jacket at pants. This is what we wear when we're practicing, pero kapag hindi, we are all dressed.
"Tatlong isaw lang ate, saka dalawang dugo,"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng batang babae.
"Paano nila ginagamit ang apoy? I'm the only one who can control fire," pahayag ko kay Rovielyn sa katamtaman na lakas ng aking boses. Paano nila napapalabas ang apoy sa mga itim na batong iyon?
"Normal 'yan dito sa mundo ng mga tao, ang hindi normal ay ang taong katulad mo na lumalabas mismo ang apoy sa kanyang katawan," umiling ito at mahinang tumawa sa akin.
"Mababasa ako! Ibaba mo nga iyang hose,"
"That's water, I'm not giving it to that long thing," ani Adrian at nakatingin doon sa mga bata na nilalaro ang mahabang bagay kung saan may lumalabas na tubig. Mas lalo akong naguguluhan sa mundo nila. Bakit ganito? Paano nila ginagamit ang mga kapangyarihan na mayroon kami?
Mahinang tumawa si Rovielyn, "Marami ng mga paraam dito at normal iyan, katulad ng sinabi ko, hindi tayo normal, kusang lumalabas ang tubig sa iyo, at isa pa, you can also control that water coming from the hose, it's your ability."
Akmang itataas ni Adrian ang kanyang kamay kaya't mabilis ko iyon ibinaba.
"Don't do that, we're here in their world," paalala ko sa kanya at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
"Bakit nakahubad ang mga lalaking iyon?" tanong ni Crystal. May hawak na bote ang mga lalaki na nakatipon sa isang tabi at direktang iniinuman ang bote.
"Nakakalasing ang iniinom nila, wala niyan sa mundo natin," mahina muli siyang tumawa.
"Stop wandering," ani ko, at mas pinili na lang na yumuko. There are a lot of questions in my head. Sa tingin ko ay magulo ang mundo ng mga tao. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nilang lahat.
"Teka, ano ang hayop na iyon?" gulat na tanong ni Crystal. Muling kumunot ang noo ko nang makakita ko ng hayop na hindi ko alam kung bakit ganoon ang itsura. Kulay itim ang hayop na iyon. May mga mata rin, at paa.
"Ano ang nilalang na iyan?" tanong ni Adrian.
"Saka ko na ipapaliwanag, dalian niyo na, ayon ang bahay ko," kahit nagtataka kami ay nagmadali na lang kami sa pagsunod sa kanya hanggang sa mahinto kami sa malaking gate.
"Mas malaki ang nasa mundo natin," proud na saad ni Crystal at hinawakan iyon, "Hindi man lang ito ginto," komento niya matapos iyon pasadahan ng kanyang kamay.
"Sorry ha, kasalanan ko bang wala akong ginto?"
"Ano?" nagtataka kong tanong. Ano ang sinasabi niya? Wala bang ginto sa mundo na ito? Umiling siya at binuksan ang gate, sa pagbubukas noon ay bumungad sa amin ang isang tirahan na may kataasan.
"This is my home," ani Rovielyn, "Come in," walang tao sa bahay na ito. Napaka tahimik at mukhang siya lang talagang mag-isa. May ganito rin sa aming mundo, pero iyon ay ang tirahan ng bawat pamilya. Ngunit malayo ang itsura ng mga tirahan na pinagawa para sa lahat ng pamilya sa aming kaharian. Kakaiba ang bahay na ito at hindi ko maiwasan mamangha.
"Mag-isa ka lang dito?" tanong ni Adrian habang hinahawakan ang ibang kagamitan.
"Oo, mahirap na magpapasok ng iba, lalo pa at alam kong darating ang oras na ito kung saan ay dito kayo titira," pahayag niya.
Pinasadahan ko ng aking palad ang upuan. Gumuhit ang maliit na ngiti sa aking mga labi. Ganito rin ang nasa mundo namin.
"Hay, nakikita ko ang sarili ko sa inyo ng bago ako sa mundong ito,"
Matapos ang paglalakbay ng aking mga mata ay naupo ako sa upuan na akala ko ay higaan sa lambot.
"We have to find the two missing ones," seryoso kong saad. Nahinto sila Crystal at Adrian at mabilis na lumapit.
"Is that the first mission?" Crystal asked.
"That's my plan, we can't start all the missions we have to do here without finding those two, our powers aren't enough," pahayag ko kay Rovielyn. I know the evils may be out here. Sigurado ako na pinadala nila ang mga katulad namin na magiging bagong henerasyon ng kanilang kaharian. Malaki ang pagkakataon na buo na ang grupo nila. Hindi maaaring kulang pa rin kami. Dahil sigurado akong darating ang araw na maglalaban-laban kami sa mundong ito.
At ang oras na magtatagpo ang aming mga landas.
Tumango si Rovielyn sa akin, "Mahihirapan tayong mahanap sila sa mundong ito," I nodded. Alam ko iyon. Alam kong hindi magiging madali ang lahat ng gagawin namin. But we can't lose time. Dahil habang lumilipas ang oras, ay siya rin ang mga buhay na nawawala sa aming mundo.
"We can't waste any time, we have to find them as soon as possible,"
clarixass