Chapter 6
Ice and Fire
"Why do we have to wear this thing called a mask?" Nagtataka na tanong ni Adrian habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Nakaupo sa gilid si Crystal at pinaglalaruan sa kanyang mga daliri ang ilang blades. Akala mo ay hindi iyon delikado. I was taught how to use it. Halos lahat naman ng armas ay itinuro sa akin. I only want to learn arrow just like my mother, ngunit wala akong choice kung 'di ang pag-aralan ang lahat bilang susunod na reyna ng aming kaharian. Unlike Adrian and Crystal, they have the freedom to choose what they want to learn. Well, Adrian only chose to learn swords. Habang si Crystal naman ay piniling pag-aralan ang iba't ibang klase ng blades. She really mastered it.
"To hide our identities if they are really there, you idiot." Utas ni Crystal at umiling-iling bago niligpit ang kanyang mga blades.
"Hold my hand," pahayag ko at inabot sa kanya ang aking palad. Natigilan pa ito at nagtataka sa akin hanggang napagtanto niya na pinapatingnan ko sa kanya ang hinaharap na maaaring mangyari mamaya. It's to make sure that they will really arrive and attack Shaheal. Bumuga siya ng hangin at mabilis na hinawakan ang aking palad. Sinasalubong lamang nito ang aking mga habang hawak ang aking palad. Sandali itong kumunot ang noo at hindi ko alam kung ano ang kanyang nakikita sa aking palad.
"Is she seeing what will happen?" Mahinang tanong ni Rovielyn kay Adrian.
"Yeah, she's the eye. Have you forgotten?" Naupo sa aking tabi si Adrian at hinintay ang sasabihin ni Crystal. Maya maya pa ay binitawan niya ang aking palad at nagpatuloy sa pagliligpit ng kanyang mga blades na nakalatag sa lamesa.
"What did you see?" Tanong ni Rovielyn.
"Calida was right. They will attack her at 8:00 pm. Before it happens, we have to be around already," pahayag niya. Bumuga ako ng hangin at sinuot ang mask na tinatawag upang magbigay harang sa aking mukha. Pati ang parang balanggot ng hoodie pala nilang tinatawag na ngayon ay suot namin lahat ay tinakip ko na sa aking ulo. My eyes, it's the only thing they could see.
"Your eyes can't be seen. Mas makilala nila kayo agad kung makikita nila ang mga kulay ng mga niyo," pahayag ni Rovielyn. Marahan akong tumango. Adrian and I have to do something to hide the colors of our eyes.
"What about shades?" Suhestiyon ni Adrian. We have that thing in our world, don't worry. Umiling agad si Rovielyn at hindi sumang-ayon sa suhestiyon nito.
"It will just distract you," ani Rovielyn, "Let's your contact lense," nagkatinginan kaming tatlo at kunot noo siyang hinarap. Bumuga siya nang hangin nang napagtanto niya na hindi namin alam kung ano ang bagay na sinasabi niya, "People use this thing to change the color of their eyes," aniya, "Come on, Calida! I'll put it inside your eyes," hinila ako nito paupo habang ang dalawa ay bukas ang mga labi at manghang-mangha doon. Nakakunot pa rin ang aking noo at hindi alam ang dapat kong gawin.
"Look down," aniya. Kinabit nito ang contact lense na tinatawag at hindi ko naman alam na nakakapagpaluha pala ang bagay na iyon. But our eyes turned brown. Ngunit sana lamang ay hindi ito maglaho at talaga ngang maitago ang kulay ng aming mga mata.
"Remember the plan," pahayag ko sa kanila. I discussed my whole plan to save Shaheal and to also erase the memories of her family. Yeah, it's cutting ties for their safeties. Dahil kahit mailigtas namin sila ngayong gabi, hindi ko maipapangako na sa susunod ay maliligtas pa namin sila. We have to erase their memories in order to protect them from the evils. Aside from that, we have to make Shaheal strong and remove the weakness in her heart.
"Talaga bang sa sasakyan lang ako?" Ani Sky at ngumiwi. He's the driver. Tumango naman ako sa kanya.
"I can't let you fight, you don't know how to control your power yet. And those evils are strong, hindi sila basta basta. If we were trained, ganon din sila. One of them might kill you if you go with us," pahayag ko sa kanya bago hinarap ang tatlo.
"Don't worry, we will use fire and water to protect you if they ever attack you there. Talk to your wind power if they destroy the shield," pahayag naman ni Adrian. Mahinang tumawa si Crystal na tila ba ay isang joke ang nasabi ni Adrian.
"There's no way they can destroy Calida's fire," hindi ako nagsasalita. I know the power that can destroy it and that is the power that has the same strength as my power.
"Rovielyn and Adrian, your job is to save her family and erase their memories," nilingon ko naman si Crystal, "You, you have to protect Shaheal at all cost. I'll be with you dahil sigurado ako na gagawin nila ang lahat para mapatay si Shaheal," pahayag ko at bumuga ng hangin.
"Got it," ani Crystal.
"I'll talk in your minds when we're done," pahayag ni Rovielyn. Kunot noo siyang nilingon nila Adrian, "Oh, I can also talk inside your minds if I want to," aniya at nagkibit balikat. Nasa sala kami at nabalot kami ng katahimikan. Nilalaro pa rin ni Crystal ang nag-iisa blade sa kanyang mga daliri. Adrian tracked Shaheal's location so it's easy to find. Panay ang pagbuga ni Sky ng hangin at tila ba ay kinakabahan. Hindi ko maiwasan ang ngumisi habang naririnig ang sunod sunod niyang pagbuga ng hangin. I know he's nervous. Ito ang unang beses niyang sasama. Paano pa kung talagang labanan na?
"7:00 pm, let's go!" Ani ko at mabilis na tumayo.
"How did you know?" Rovielyn asked at tiningnan ang wrist watch na tinatawag nila tulad ng suot ni Shaheal.
"We memorize the time," ani Crystal at sumunod sa akin.
"Here's the key," hinagis ni Rovielyn ang susi kay Sky. Bumuga muli siya ng hangin bago kami sumakas sa sasakyan.
"Be wise and observe well. Kung may matatandaan kayo sa physical nila, do it so we can know them easily," pahayag ko habang umaandar ang sasakyan at tinatahak na namin ang daan papunta sa lugar kung saan naroon si Shaheal. If she only listens to us, there will be nothing like this.
"Don't make an ocean, Adrian." Bumuga ng hangin si Crystal. Napailing na lang ako. She hates being soaked everytime Adrian makes an ocean, "If you do that Calida would have to turn it into fire again. The last time she did that in our world, my coats turned into ashes," mariin siyang pumikit at ngumiwi habang ako ay tahimik lamang. I'm only doing that when I don't have a choice. Just like what I did to Sky's power.
Kahit paano ay nangangamba ako. I have no idea what powers they hold. Tonight, they will know our powers, and we will know their powers. It's dangerous, but I will not let them kill any life in our group. If I have to kill one of them, I will do that to protect all of us. Hindi ako babalik sa aming mundo ng may isa o kahit ilan pang nalagas sa amin. We will go back there complete, and accomplish everything we have to do.
"You know what, I'm really nervous," komento ni Sky at muli na naman bumuga ng hangin habang pinapaandar ang sasakyan. Alam ko iyon dahil kanina ko pa siya napapansin na ganoon. Hanggang ngayon ay bakas ang pangamba sa kanyang mukha. Akala mo ay siya ang susugod at makikipaglaban doon.
"Tsk, you'll be more nervous when you see us fight later," pahayag ni Adrian at umiling na lamang.
"Sa una lang iyan. The first time we fought as part of our training, I was hit on the side of my lips," sunod naman na saad ni Crystal. Sabay kaming mahinang tumawa ni Adrian. I can clearly remember that day. Crystal was so scared and she didn't know how to move and avoid her opponent's attacks.
"Well, I was almost becomes an ash," ngumiwi si Adrian sa akin.
"What? You're the one who first fought him?" Rovielyn asked and laughed. Marahan lamang akong tumango. The King told me to fight him. Nagdalawang isip pa ako noon dahil alam ko na hindi pa masyadong marunong si Adrian sa pag balanse ng kanyang kapangyarihan.
"I got naked after he turned into ashes the shirt I was wearing that day," mahina siyang tumawa habang nagbabalik tanaw sa nakaraan.
"Ilang taon kayo nang nangyari iyon?" Tanong ni Sky, "Maybe 15? 16?" Bumaling sa akin si Crystal at Adrian na pinipigilan ang kanilang pagtawa sa sinabi ni Sky. He has no idea at all.
"7 years old," pahayag.
"Oh, 7 years old? That's t--" natigilan ito at nanlalaki ang mga mata nang napagtanto nito ang aking sinabi. Malakas na tumawa sila Rovielyn, Crystal at Adrian nang makita ang gulat na gulat nitong reaksyon, "F*ck! That's too young!" Sigaw nito at at nagpatuloy sa pagpapaandar ng sasakyan. Matipid akong ngumisi at napailing lamang sa kanya.
Ilang sandali pa ay nabalot na rin kami ng katahimikan nang malaman namin na malapit na kami sa lokasyon. Sa oras na ito ay 7:30 pm pa lang. All we have to do is to hide until they come to attack.
"We're here," ani Adrian. Pinagmasdan ko ang malaking bahay nila Shaheal. Nakabukas ang mga ilaw sa labas ngunit ang sa loob ay mukhang mga nakapatay na. They must be sleeping already. I can't believe Shaheal can still sleep after I warned her. I guess the family she grew up with is rich. Mas malaki pa ito sa bahay na mayroon dito si Rovielyn.
"Woah, she's also rich," komento ni Sky. Bumuga ako ng hangin at inalis ang seatbelt ko.
"We have to go inside already," pahayag ko sa kanila. Agad naman silang tumango. Our plan is to go in, hindi sa bahay kung hindi sa loob lamang ng mataas nilang gate na ito. Bumuga ng hangin si Crystal bago kami sunod sunod na lumabas ng sasakyan.
"Take care," pahayag ni Sky na nangangamba pa rin hanggang ngayon. Bumuga ako ng hangin. Nilahad ni Adrian ang kanyang palad at tinapat ito sa buong sasakyan kung saan nasa loob si Sky. Kitang-kita ko ang naging mataas na pagbalot ng tubig sa buong sasakyan. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na talaga ngang natabunan ng contact lense ang pag-iiba ng kulay ng mga mata ni Adrian. It's still brown.
After he gave Sky protection, ako naman ang sumunod. Nilahad ko ang aking palad at pinagmasdan ang apoy na lumabas doon.
"Give him a protection that no one can destroy," pahayag ko bago ko ginamit ang isa ko pang kamay upang proteksyunan ng apoy si Sky. The fire built a strong shield that protects Sky inside the car. Kitang-kita ko ang pagbalot nito at ang pakikipag-ugnayan nito sa tubig na binuo ni Adrian.
"Aray," ngumiwi si Rovielyn nang subukan niya iyong hawakan.
"It will not let you enter. Except if you're the one who created it," ani Crystal. Marahan lamang na tumango si Rovielyn.
"Let's go now," ani ko bago kami tahimik na tumakas papasok sa loob.
"Sandali," natigilan kami nang pigilan kami ni Crystal. Nilingon namin ito at bakas ang kaunting pangamba sa kanyang mga mata.
"Don't let any of them touch your hands," pahayag niya.
"Huh? What do you mean?" Adrian asked.
"We don't know their powers yet, and one of them might have the power to know who you are or maybe see your past," pahayag niya sa amin. Marahan akong tumango. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Evils love tricks. Sigurado ako na marumi pa rin ang laban nilang gagawin.
"Let's do that," ani ko bago kami nagpatuloy sa pagpasok.
Third Person's POV
"So, what's the power of that girl we're going to kill tonight?" Ismael asked. Bakas na ang gutom niya sa pagpatay at makakita ng kalansay. That girl will be dead tonight and they will not be able to build their group.
"Healing," malamig kong sagot. Nasa labas ang aking mga mata habang papalapit kami sa lokasyon. The girl's power is healing and it's a big advantage for them. We can easily kill all of them, even the child of their King and Queen if we first kill the healer of their next generation.
"Should I touch her hand?" Crysten asked and laughed like a devil as we are.
"No, touch the others. Lalo na iyong anak ng hari at reyna nila. Make sure to find who among them is the child because that person is the strongest," pahayag ni Bridgette at kumindat kay Crysten bago binalik ang earphone sa kanyang mga tainga. They are all craving to see someone dying in their own hands. We've been staying here in the world of people. The war is not yet beginning in our world. It will only begin when we come back. What's happening there was just a threat to their Kingdom. At alam kong sa oras na ito ay natutuwa sa mga nagaganap ang hari at reyna.
"I'll touch their hands and their dead," sunod na mahinang tumawa si Light.
I remained silent as we went to the location. I told them the whole plan for tonight. And our main goal is to kill the healer and if not, kill one of them.
"Let the killing begin," Ismael stated when we arrived. Mabilis kaming bumaba ng sasakyan at pinagmasdan ang bahay na nasa aming harapan.
"They're not here?" Light asked while observing the place around us. I can't feel them around. Hinubad ni Bridgette ang earphone sa kanyang mga tainga. She got that when her parents crossed this world before just to help her not to hear everything around her. Kahit gaano pa kalayo ay naririnig niya, ano ba naman ang usapan mula sa loob ng bahay na ito? It's an easy task for her.
Marahan siyang umiling matapos ang ilan pang sandali, "I can't hear anything but the girl's family," pahayag niya at iniwan ang earphone sa loob ng sasakyan. Kailangan niyang marinig ang lahat ngayon.
"Let's go," ani ko at nanguna sa paglalakad. Mabilis akong bumuo ng yelo upang hindi na ako mahirapan pa na umakyat sa mataas na gate na ito. Gamit ang yelo ay ginamit ko iyong tuntungan. Nag hiwa-hiwalay kami. I entered the front gate with Light, habang si Ismael naman at si Bridgette ay sa gilid dumaan. Crysten went to the back.
"Let's go kill," ani Light at ngumisi. Naglakad kami papunta sa pinto at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis ko iyong sinira upang mabuksan iyon. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng madilim na paligid. Walang kahit anong ilaw sa loob at balot na balot iyon ng katahimikan.
"Find the girl," I commanded. Light ran and left me quickly. Mabilis itong tumakbo upang hanapin ang babae. Kalmado akong naglakad sa dilim habang ang mga kamay ko ay nasa aking mga bulsa. Kahit paano ay naaninag ko ang lugar. Kalmado lamang akong umakyat sa hagdan at mas pinakiramdaman ang paligid. I hate it when it is silent. The enemies are always around in scenes like this.
"Jaice!" Gumuhit ang tipid na ngiti sa aking mga labi nang magbigay senyales si Light. Kitang-kita ko ang pag-ilaw ng kuryente nitong kapangyarihan at nabalot ang buong paligid ng iba't ibang labanan. I was right. They are here. They will not let us kill that girl easily. Ngumisi ako at inikot ang aking leeg. I did that to avoid the blade coming from me. Pinagmasdan ko ang isang blade na dumaan lamang sa aking mukha na ngayon ay bumagsak sa lapag matapos iyong tumama sa pader.
I smirked as I eyed the blade. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang pag-ulan ng mga iyon papunta sa aking direksyon. Wearing my smirk on my lips, walang kahirap-hirap kong tinapat ang aking palad sa mga iyon at ginawa iyong yelo. As I turned it into ice, ginalaw ko ang aking mga daliri at ibinalik iyon sa direksyon nang may ari ng mga blades. Malamig kong nilingon ang direksyon nito sa ibaba at bumungad sa akin ang isang babae na nakatakip ang kalahati ng mukha.
They're smart. They didn't let us see their faces just like us. Naaninag ko ang mga mata nito na walang takot at sinasalubong ang malamig kong mga mata. It's a girl, and I wonder what's her power.
"Ice huh?" She said with bravery. Nanatili akong tahimik. This girl has the guts to speak so bravely to me. I can kill her in a blink easily if I want to. Marahan akong naglakad pababa at huminto ng may kaunti lamang na distansya mula sa kanya. Pagkahinto ko pa lang ay pinaulanan ako nito ng sunod sunod na blades. Panaya lamang ang pag-iwas ko sa mga iyon. Hanggang kailan tatagal ang bala niya? Because my ice will last forever.
"Planning to get the last blade?" I smirked when I saw Crysten behind her, holding her last blade on her neck. Nanatili ang tapang sa mga mata nito at hinarap pa rin ako ng walang takot. She didn't even eye the blade on her neck. I smirked again. She's brave and doesn't fear at all.
"Where's the healer?" I asked. Napupuno ng sigawan ang buong bahay mula sa mga inosenteng tao na narito.
"They're taking care of her," ani Crysten at mas diniinan pa ang kanyang kamay sa leeg ng babae.
"I caught this girl," sumulpot si hawak ang isang babae. Mas lumawak ang aking ngiti nang makita ko ang isa nilang kasama. Nagtinginan sila ng isang babae na ngayon ay hawak ni Crysten. Ngunit sa mga mata nila ay wala man lamang takot at pangamba.
"Should we kill them?" Light asked excitedly. Ngunit hindi natinag ang dalawang babae.
"Jaice, their car is outside and it's protected." Humahangos na saad ni Bridgette. Kumunot ang aking noo. It only means that one of them is holding a strong power, "It's not only one power, it's a two combination of powers," pahayag ni Bridgette. Malamig kong tiningnan ang dalawang babae nilang hawak.
"Remove their masks," malamig kong utos sa kanila.
"Let's see their faces before kill--f*ck," pinaluputan sila Crysten at Light bago pa nila matanggal ang mga harang sa kanilang mukha. Nanatili akong kalmado at pinanood lamang ang paglaban nila sa tubig na naging tali sa kanilang katawan. I was right. Of course, they knew it would happen.
"Protect her!" Sigaw ng isang lalaki na bumaba sa tubig kasama ang babaeng may kapangyarihang makapag pagaling. Bakas ang takot sa mga mata nito nang mabilis siyang harangan ng dalawang babae mula sa akin. Hinarap ako ng lalaki na tubig ang kapangyarihan. Is he the child of the King and Queen in their Kingdom?
"Kill the family," utos ko kila Light at ginawang yelo ang tubig na nakapalupot sa kanila bago ko iyon dinurog ng walang kahirap-hirap. Hindi na nagulat ang lalaki sa aking harapan nang gawin ko iyon. Sa halip, ngumisi lamang ito sa akin.
"It's killing time," mahinang tumawa si Light at akma nang papatayin ang pamilya na papunta sa amin. Nilingon ko ito nang hindi natuloy ang pagpatay nito. Kumunot ang noo niya ay pilit na pinapatay ito ng kanyang kuryente.
"They erased their memories," ani Crysten at puno ng galit ang mga mata akong nilingon. Kinuyom ko ang aking palad at malamig na tiningnan ang lalaki sa aking harapan.
"We're not idiot," pahayag niya at mahinang tumawa. Naramdaman ko ang paglamig ng aking mga mata at mabilis na naging yelo ang aming tinatapakan. Nilahad ko ang aking palad ay gumawa ng malaking espada na gawa sa yelo doon habang malamig kong tinitingnan ang lalaki.
"Say goodbye," ani ko at ngumisi.
Calida's POV
I erased the memories of Shaheal's family. When their memories get erased, no one from our world would be able to kill or even hurt them as long as they don't know about us again.
"You can only make a person turn into a skeleton?" Pang-iinsulto ko sa lalaki sa aking harapan at mahinang tumawa. His power is the dark smoke, where he can make everyone turn into a skeleton, "I can turn you into ashes," pahayag ko. My whole body is burning inside me. I can feel the fire wanting to burst out and kill him. Ang mga mata ko ay nag-iinit at wala akong ideya kung nakikita niya ang kulay ng apoy sa aking mga mata o nagtagumpay din sa akin ang contact lenses na ibinigay ni Rovielyn.
Sinubukan ako nitong patayin gamit ang itim nitong kapangyarihan, ngunit sapat na ang apoy upang hindi ako tablan nito. Nanlalaki ang mga mata niya habang umiigting ang kanyang panga sa akin. Galit na galit ang mga mata nito sa akin habang tinitingnan ako. In just a blink, mabilis ko siyang hinawakan sa leeg na mas kinagulat nito palabas ng silid ni Shaheal. Mabilis na dumaloy ang apoy sa kanyang damit at mula sa pangalawang taas ng bahay ni Shaheal ay nilaglag ko ito sa ibaba.
"F*CK!" I heard him cursed in pain.
"He's burning!" Sigaw ng isang babae. Binigyan ako ng senyales ni Rovielyn habang nasa likod nito sa Shaheal. Nahagip agad ng aking mga mata ang isang malaking espada na papunta kay Adrian. Mabilis akong tumakbo at ilang sandali pa ay sumulpot ako sa harapan ni Adrian hawak ang espada na gawa sa yelo. Naramdaman ko ang mas matinding pag-iinit ng aking katawan nang maramdaman ko ang lamig nito.
Sinalubong ko ang malalamig na mga mata ng lalaki na nasa aming harapan.
He's the son of the evils' King and Queen. He's my opponent. His power. Iyong ang katapat at lalaban sa kapangyarihan kong apoy.
"Ice, that's your power's opponent, Calida."
I remember what the Queen told me when I was 9 years old. She was right. Ice is the opponent of my power. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata nang makita ang nagliliyab kong kamay pati na rin ang isa nilang kasamahan na patuloy na nagliliyab ang kasuotan.
"Just like the plan," ani Adrian at mahinang tumawa nang dumating ako inaasahan naming plano.
It took me a minute before I melted the ice in my hand. I know he's as strong as I am. I can turn anything into ashes in just a second. Ngayon lamang ako inabot ng minuto. This is what Crystal saw in her vision when she checked my hand. I will be facing the prince of evils.
"KILL HER!" Malakas na sigaw ng lalaking may itim na kapangyarihan.
"It's nice to finally meet you, prince of evils," pahayag ko at ngumisi sa kabila ng harang sa aking mukha. Sa oras na iyon, alam ko na pareho naming binabasa ang mga mata ng isa't isa. Nakita ko ang paggawa niyang yelo sa apoy na dumadaloy sa kanyang kasama. Ngunit nanatili ang aming mga mata sa isa't isa.
Madaling dumaloy ang yelo papunta sa akin at kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang makapunta sa harapan nila Adrian. Bago pa man tumama ang mga matutulis na yelo sa amin ay mabilis akong nakabuo ng proteksyon sa amin at tumalsik lamang ang mga yelo na iyon. Nanatiling kampante ang kanyang mga mata.
"F*ck," the guy with electricity power was about to use his power, ngunit mabilis kong itinapat ang aking kamay sa kanila at agad silang pinalibutan ng malaking apoy.
"She's the princess!" Sigaw ng babae. Hindi natinag ang prinsipe at binabasa ang aking mga mata. I know he already knew that I am the princess and the next queen of our Kingdom. At alam ko na sa oras na ito ay nag-oobserba ang mga mata nito sa aking mga galaw. But I can do more than this.
"Move," ani ko sa kanila sa aking likuran at hindi pinutol ang aking mga mata sa kanilang prinsipe. Maging ang mga mata nito ay malalamig tulad ng kapangyarihan niyang taglay. Patalikod kaming lumabas at naroon na ang aming sasakyan sa labas kung saan nasa loob si Sky.
"Come on, Calida!" Ani Crystal sa akin nang makapasok sila sa loob. Ngunit hindi ko agad inalis ang aking mga mata sa kanya. Nang subukan sumugod ng isa at sirain ang ginawa kong harang ay mabilis akong sumakay sa sasakyan at agad iyon pinatakbo ni Sky.
"You did it!" Sigaw ni Sky habang nagmamaneho at abot tainga ang ngiti sa kanyang mga labi.
"The powers?" I asked.
"Hearing," ani Adrian at bumuga ng hangin.
"Lightning," ani Crystal.
"An eye of the past," ani Rovielyn na nakapag paglingon sa akin sa kanya. Gulat at kunot noo ko siyang tiningnan. That only means that she was able to touch her hand.
"Yeah, she touched my hand but I was able to remove it quickly. Pero alam ko na kahit paano ay may nakita siya sa aking nakaraan, but not that much, I guess?" Aniya at sumandal sa upuan. She looks tired after saving Shaheal from danger.
"Biruin mo, tama ka, Crystal!" Ani Adrian at mahinang tumawa. Nahagip ng mga mata ko si Crystal ngunit nanatili itong tahimik at nakatingin lamang sa kawalan habang malalim ang iniisip. She knows something that we don't. That's what I can assure right now in her eyes.
"That man who has the ice is their prince," ani ko. Muli ko naalala kung gaano ko katagal nalusaw ang yelo mula sa kanya. Mas lalo ko napagtanto na talagang malakas siya at hindi basta bastang kalaban lamang. My mother was right. Ice is really my power's opponent. Hindi pa siya masyadong lumaban kanina, but if he did, magiging madugo ang aming labanan.
"M-may sugat ka," komento ni Shaheal at tinuro ang aking kamay. It's from the dark smoke of that guy. Nang hindi ko pa alam ang kapangyarihan niya ay natamaan ako sa aking kamay. He was right earlier. Mabilis makasugat ang itim na usok na iyon. No wonder that he can make a person turn into a skeleton. Pinagmasdan ko lamang ang dumudugo kong kamay. He gave me a deep wound.
"Tsk, don't worry about her. Wala lang iyan," pahayag ni Adrian.
"What does it mean?" Sky asked while controlling the car.
"Hindi niya nararamdaman ang kahit ano pang sugat. The fire is protecting her, unlike my water. It's not even protecting me from pain," reklamo niya at ngumiwi. Ngunit naalala ko ang yelo na ginawa ng prinsipe nila. I felt the cold of the ice when I shouldn't. The fire can protect me in everything. At iniiwas ako nito na maramdaman ang kahit ano pa mula sa kapangyarihan ng lahat.
But the ice that he made earlier. Naramdaman ko ang lamig nito at iyon ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang epekto ng isang kapangyarihan. Bumukas ang aking mga labi nang napagtanto ko iyon. Kinuyom ko pa ang dumudugo kong kamay na wala naman akong nararamdaman na sakit.
Ice. It's strong, at hindi ko iyon maitatanggi. That's why the evils are so confident. It's because of their alas card. And that is their son who has the ice power.
Ice and fire.
They are enemies.
clarixass