Chapter 7
Powers' limits
"Let me heal your hand," ani Shaheal nang makababa at nakarating kami sa bahay ni Rovielyn. Umiling ako at ipinagpatuloy ang pagpasok sa loob. I don't feel pain from this wound, "Let me heal it, Calida!" Natigilan kaming lahat nang desperado iyong sinigaw ni Shaheal na siyang naging dahilan ng paghinto ko sa akma na pag-akyat ng hagdan. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagiging desperada nitong pagalingin ang sugat ko.
"It's okay, I really don't feel any pain from it," pahayag ko at nagkibit balikat lang sa dumudugo kong kamay.
"I-it's a thank you," aniya at yumuko. I saw embarrassment from her eyes as she bowed her head while playing with her fingers, "You warned me and you told me that you will not save me and the family I grew up with," mapakla siyang ngumiti at nanubig ang gilid ng mga mata nito, "I'm too embarrassed that you still came and saved me and my family," pahayag niya.
"The guy with the dark smoke was about to kill her, mabuti na lang at mas nauna tayong dumating," pahayag ni Rovielyn at naupo sa sofa na tinatawag. Nahagip ng mga mata ko si Crystal na nasa isang sofa rin at nilalaro ang kanyang mga labi. It looks like she's thinking deeply. And I know that something's wrong.
"That's why let me heal you even though you don't feel any pain from that wound at all. Think of this as my first training to be ready in saving our kingdom," pahayag niya at matipid lamang na ngumiti. Nagkatinginan kaming lahat hanggang sa sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi ni Adrian nang napagtanto ang sinabi ni Shaheal.
"Are you accepting the fact now?" Adrian asked and winked at her.
"I guess, yes?" Aniya at matipid lamang na ngumiti, "I'm moving in here," dagdag niya.
"Heal me, then." Ani ko at inilahad ang kamay kong dumudugo sa kanya. Lumapad ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi at masaya nitong hinawakan ang kamay kong dumudugo. Bago pa man ako nito hawakan at nakita ko na agad ang pag-ilaw ng marka nito sa kanyang pulsuhan. As she touched my bleeding hand, ilang segundo lamang ay unti-unting naglaho ang sugat mula doon at maging ang dugo.
Malakas na pumalakpak si Sky at bukas ang mga labi at manghang-mangha sa ginawa ni Shaheal.
"That's amazing!" Komento niya.
"How about my family? Are they safe?" Tanong ni Shaheal sa akin. Matipid ang ngiti sa aking mga labi na marahan akong tumango.
"As long as we erased their memories, no one from our world can ever touch them," pahayag ko sa kanya.
"Except if they know something again that they should not know. Because if they did, we would be able to touch them. Lalo na ang evils," dagdag ni Adrian at bumuga ng hangin.
"You should regain our strengths, we used a lot of our powers," pahayag ko. That's right. We used a lot of powers. The fight earlier wasn't easy at all. It was tough, and no one of them were easy to deceive and defeat. Especially the prince who holds ice. I know he's strong. At hindi ko alam kung pantay ang aming lakas. Ngunit iyon ang kauna-unahang beses sa buong buhay ko na naramdaman ko ang kapangyarihan niya. Even Adrian, I don't feel his power at all. But that guy, I felt the cold of his ice and I know that he can do more than that.
He didn't fight a lot, but he observed and watched me move.
"Can she regain our strengths?" Tanong ni Rovielyn.
"She did it once when we go save Sky's ass," ani ko at umiling kay Sky na nagkakamot lamang ng kanyang ulo.
"Come on, regain my strength now!" Ani Adrian at mabilis na lumapit kay Shaheal na abot tainga ang ngiti. Now, she looks happy and accepts the reality that she's not a normal person who lives in this world. This is not her world. This is not our world at all. Masayang lumapit si Shaheal at hindi pa nito alam kung saan hahawakan si Adrian. She bit her lower lips, at bakas sa kanya ang pagka lito pa rin sa kanyang kapangyarihan.
"Try to hold people in their hand if you're trying to regain their strengths," suhestiyon ko. Natigilan ito at bumuga ng hangin bago nito hinawakan ang palad ni Adrian. Katulad ng paghawak niya sa akin noon, umiilaw din ang kanyang palad ngayon. Siguro ay iyon ang pagsasalin ng lakas kay Adrian. I like how her mark and her palm are gleaming every time she uses her power. We need her in this group. Everyone needs her, lalo na kapag naglaban-laban na kaming lahat.
Ilang segundo pa ay bumitaw siya at tiningnan si Adrian.
"Well, I feel like I'm not tired anymore?" Ani Adrian at tumalon-talon pa.
"You have to explore. You can't just heal anyone by touching them. We have know your power's limits," pahayag ko sa kanya at binalingan na rin si Sky.
"What are your powers' limits?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Sky sa amin.
"I can't see my own future and I can only see the future that is near to come," pahayag ni Crystal habang nilalaro ang kanyang mga daliri. Simula nang lisanin namin ang bahay nila Shaheal ay kapansin-pansin na ang gumugulo sa isip ni Crystal na wala kaming kaalam-alam kung ano ba iyon.
"That's awful," komento ni Sky. Marahan na tumango si Crystal habang suot ang walang gana at blangko nitong ekspresyon.
"How about you, Adrian?" Shaheal asked. Tumaas naman ang kilay ni Adrian at mapaglaro munang ngumiti.
"My power can't make me not feel the pain in my body. I envy Calida because fire is protecting her, that's why she doesn't feel the pain even if she already has a wound. She don't even feel it," pahayag nito at umiling bago ngumiwi. Hindi ko ba alam kung kasalanan ko na pinoprotektahan ako ng apoy at ang tubig ay hindi iyon ginagawa sa kanya.
"How about you?" Rovielyn asked. Ngayon ay napunta ang kanilang mga mata sa akin. Sandali pa akong natigilan. My power doesn't have limits. Natigilan ako nang muling sumagi sa isip ko ang lalaking prinsipe. No, I have my limit. And that is the ice. Not totally a limit, but that is the power that I know that I can't defeat easily.
Tumikhim ako at sinalubong ang kanilang mga mata na nagtatanong sa akin, "There's a power that is strong as mine," pahayag ko. Kumunot ang kanilang mga noo at tila ba ay hindi ako maintindihan. Maging si Adrian ay nagtaka, at si Crystal na malalim ang iniisip ay biglang napunta ang mga mata sa amin.
"Is that a joke? You're the strongest," ani Crystal mahinang tumawa. I used to believe that I was the strongest. Not after meeting that guy who controls ice. Now, I'm not sure if I'm still the strongest.
"No, it's not a joke at all," ani ko sa kanila. Nabaling muli ang mga mata ni Crystal sa akin at maging si Adrian ay natigilan na, "Whatever power I fight, I don't feel their powers at all," komento ko habang ang isip ko ay nagbabalik tanaw sa paghaharap namin ng lalaki na iyon, "But when my power fought that power, I felt its power and my fire had a hard time to fight it," mariin akong pumikit. Hindi ko maiwasan na maalala kung paano ko nilusaw ang yelo na iyon ng isang minuto. I can turn anything into ashes, but not that one. The worst thing is, I felt it. I felt the ice.
"What is that power?" Adrian asked. Seryoso ang mga mata nito at bakas ang pangamba sa kanya. Lahat sila ay tinitigan ako ng ganoon. Mapakla akong ngumiti. Maging ako ay nangangamba para sa sarili ko.
"What will happen if that power defeats you?" Crystal asked, at bakas din ang pangamba sa kanyang mga mata. I know she doesn't want to ask that question at all. Natigilan ako at nilaro ang aking mga daliri. I know what will happen to me when it happens.
"If that power defeats your power, you'll be the one to turn into ashes, Calida."
"I will the one who will become an ash," pahayag ko, suot ang blangko kong ekspresyon. Nanlaki ang mga mata ni Crystal at ganoon din sila. Umiling-iling si Adrian sa akin at mahinang tumawa.
"That's not gonna happen. I will not let you turn into ashes," pahayag niya at tumalikod.
"I will not let that happen too, Calida." Pahayag ni Crystal at umiling-iling sa akin. Nagkibit ako ng balikat at mapakla na ngumiti. It's sad to think of it. But I'm not scared at all.
"I'm not scared," pahayag ko, "I was born to die. So, even if my power betrays me when it gets defeat, I'll be happy to turn into ashes,"
"Calida!" Adrian yelled and looked at me with anger and pain in his eyes. Kitang-kita ko ang galit niya sa aking sinabi, "None of us here will die. At mas lalong wala sa atin ang pagtataksilan ng kapangyarihan niya," dagdag niya at nag martsa paalis doon. We all got left there and silence covered us. Mapakla lamang akong ngumiti. Whatever happens, I will make sure to fight till my last breath.
"Don't worry, I'm not gonna let evil win. Hindi bali ng ako ang mawala, basta't panalo at ligtas ang buong kaharian," paninigurado ko sa kanila bago ako tumayo at bumuga ng hangin. My life is unfair. Being born as the strongest and the hope of our kingdom isn't easy at all. When I saw how normal people live their lives here in their world, I can't deny the fact that I envy them. Dahil sa araw araw, all they have to do is to work and do the things they should. Unlike me, I have to save the whole kingdom and avoid disappointments. Gustuhin ko man na piliin ang gusto ko, hindi iyon maaari. Dahil kapag kagustuhan ko ang sinunod ko, maraming buhay ang mawawala.
"Rest. We will start your training tomorrow," pahayag ko bago ako nag martsa paalis doon at nagpunta sa aking silid. Sa halip na mahiga ay naupo ako sa labas kung saan tanaw ko ang ganda ng mundong ito. The air embraced me and played with my hair as I went there. Pakiramdam ko ay nararamdaman nito ang nararamdaman ko. I can't help but to think of it, what if I was born normal too? Maybe I'm also studying and getting knowledge everyday at hindi puro pakikipaglaban lamang.
But I was born like this. I was born seeing people die. I was born being smart so the enemies can't hurt me and my kingdom. I was born having different wounds, seeing it bleed.
I was born, but I was also born to die when I have to.
If I choose not to die, would I be selfish? Because I was born thinking in my head that I have to save my whole kingdom. What about me? What if I don't want to die? I will be able to save them even if I vanish, but what about me? I can't even save myself.
Mapakla akong ngumiti at sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko ang pagpatak ng mainit na luha mula sa aking mga mata. Pinagmasdan ko ito na bumagsak sa aking palad. I can't believe my chest is aching right now.
After that day, our mission went on. Kinabukasan ay maaga akong gumising tulad ng nakasanayan ko sa araw araw sa aming mundo. Maaga ko rin ginising ang lahat para sa pagsisimula ng training nila Sky at Shaheal. We can't lose time. We have to train them and make them stronger as soon as possible.
"I'm still sleepy," ani Sky at pipikit-pikit pa ang mga mata at bakas pa nga ang antok sa kanyang mukha.
"What should we teach them?" Tanong ni Adrian at nag higab.
"Let's see their powers' limits first," inaantok pa rin na suhestiyon naman ni Crystal.
"Let's start with you," ani ko at bumaling kay Shaheal na tulala pa. Bumukas ang mga labi niya at nagtataka pang tinuro ang kanyang sarili. Pinasadahan ko sila ng tingin at lahat sila ay may kanya-kanyang reaksyon sa antok na nararamdaman.
"Who wants to volunteer and create a wound?" Dumako ang mga mata nila sa akin at para bang nagulat sa aking sinabi. Para itong mfa nagising at biglang natauhan nang sabihin ko iyon. But I need one of them to do that to see how deep Shaheal's power can heal. Binalingan ko ng tingin si Adrian at agad siyang tumingala sa itaas. He obviously don't want to do that. Napailing ako at binalingan si Crystal. Papunta pa lang ang mga mata ko sa kanya ay yumuko ito at nagkunwari na may tinitingnan sa damuhan kahit na ang totoo ay wala naman. How come they grew up fighting and they don't have the bravery to do this?
Bumuga ako ng hangin at binalingan si Rovielyn na nakapangalumbaba pa at tulala. Nang napansin niya na nakatingin ako sa kanya ay agad siyang yumuko tulad ni Crystal at umiwas sa aking mga mata. Bago pa man ako bumaling kay Sky ay nakatingala na rin ito tulad ni Adrian. Mariin akong napapikit sa pag-iwas nila sa akin. Nagkibit balikat si Shaheal at humigab.
"Come on, don't look away at me," komento ko. Bumuga agad ng hangin si Adrian at bumusangot sa aking harapan.
"Calida, that's my power's limit. At isa pa, do you think I don't get hurt when I'm getting wounds in fights? I'm always cursing because it hurts, mukha lang hindi kasi wala naman akong choice," pahayag niya at nagkakamot ng kanyang ulo.
"I'm playing blades, but it doesn't mean I also don't get hurt when I have woun--" hindi ko na pinatapos si Crystal at kinuha ko ang kutsilyo na nilabas ko kanina.
"Calida!" Sigaw ni Shaheal nang wala ng sali-salita kong hiniwa ang aking palad at sinunod ko ang sa malapit sa aking pulsuhan. Dumaloy agad ang maraming dugo mula doon at halos hindi ako tingnan ni Rovielyn mula sa malalim na sugat na iyon. Sinadya kong lalaliman ang paghiwa sa aking sarili upang makita at masubok ang kapangyarihan ni Shaheal. Bumuga ako ng hangin at inabot ang dumudugo kong palad ang aking kamay kay Shaheal na tulala at bukas ang mga labi habang pinagmamasdan iyon.
"F*ck, sana ako rin walang nararamdaman na sakit," ani Crystal at ngumiwi.
"How can you cut yourself easily, I'll die if I did that to myself. It's so deep," pahayag ni Adrian at pinagmasdan pa iyon na akala mo ay iyon ang unang beses niyang makita akong gawin ito.
"Make sure to heal me or I will turn you into ashes," pahayag ko sa kanya suot ang blangko kong ekspresyon.
"Why do you always have to threaten me?" Aniya at ngumiwi. I know she's scared to turn into ashes. But I will not do that.
"Good luck," ani Sky at excited pa na tiningnan si Shaheal. Bumuga ito ng hangin at tumikhim. Nilahad nito ang kanyang palad at itinapat iyob ng dahan dahan sa hiwa kong ginawa sa aking palad hanggang sa idikit niya ang kanyang kamay sa dugo doon. As she did that, unti-unti naglaho ang dugo at akala mo ba ay hinihigop iyon ng kanyang kamay. Umiilaw muli ng kanyang marka at maging ang kanyang palad. Pinagmasdan ko ang mga mata nito habang nakatuon ang buo niyang atensyon sa pagpapagaling sa akim. Her eyes are also gleaming. It's the color green, and there's a smoke effect coming from that gleam of lights in her eyes while healing me.
"Woah, I like your power!" Sigaw ni Rovielyan habang pinapanood ito. Nakahinga ng maluwag si Shaheal nang mapagaling ang mga sugat kong ginawa. Binaba ko ang jacket kong suot sa aking kamay at tiningnan silang muli.
"You did well. Now, what about you cut yourself?" Suhestiyon ko. Bumukas ang mga labi niya habang nanlalaki ang mga mata sa akin. It seems like she's not expecting me to say that to her. Sandali niya pa akong pinagmasdan at tila ba ay sinisigurado na hindi ako nagbibiro sa kanya.
"Calida, is that necessary?" Rovielyn asked. Marahan lamang akong tumango.
"Just do what I told you to," pahayag ko sa kanya. I'm not joking. Pinapagawa ko iyon sa kanya upang malaman namin kung kaya niya bang pagalingin ang kanyang sarili o hindi. Crystal can't see her own future, and that's the limit of her power. Sa tingin ko ay malaki ang posibilidad na tulad ng limitasyon ng kapangyarihan ni Crystal ay maaaring ganoon din ang kanya.
"Why would I do that? Your wounds earlier are so deep it will hurt so much," pahayag niya at ngumiwi sa akin bago umiling-iling.
"In our world, having wounds is normal. Because in every fight, pati sa training, you will get that normally. But it still hurts, hindi lang namin pinapakita na nasasaktan kami at medyo nasanay na," mahabang saad ni Adrian at naupo na sa labas.
"Kahit na, bago pa lang ako. I really can't cut my own s--HOLY SH*T!" Habang patuloy siya sa pagsasalita ay walang pasabi kong hiniwa ang kanyang braso gamit ang kutsilyo na pinanghiwa ko rin sa akin. Nanlalaki ang mga mata ni Sky at Rovielyn nang gawin ko iyon. But Adrian and Crystal are already expecting me to do that. Ngumiwi agad si Shaheal habang pinagmamasdan ang manipis at maliit lamang na sugat kong ginawa. It still bleeds even if it's just a tiny wound.
"I can't believe it hurts kahit na maliit lang," ani Shaheal at ngumingiwi pa rin doon. Bumuga ako ng hangin at nilaglag ang kutsilyo sa damuhan.
"Now, try to heal yourself," ani ko sa kanya. Noong una ay tiningnan niya pa ako na para bang wala siyang kasiguraduhan kung kaya at magagawa nga ba niya iyon. Ngunit hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya at tinanguan lamang siya suot ang blangko kong ekspresyon. Sometimes, looking at them like a blank paper is helpful. Dahil wala silang nakikita na panghuhusga doon. Nag-aalangan man, tinapat niya ang kanyang mga kamay sa maliit na hiwa sa kanyang braso. Lahat kami ay naghintay nang muli na pag-ilaw ng kanyang palad pati na rin ng marka at ng kanyang mga mata.
But it didn't.
Ilang sandali pa nang napagtanto ko na ang limitasyon ng kanyang kapangyarihan. Agad na lumapit si Rovielyn dala ang pang gamot doon at pinahiran ang dugo sa kanyang braso na mukhang napagtanto na rin niya na iyong ang limitasyon ng kapangyarihan ni Shaheal. Just like Crystal who can see everyone's future but can't see her own, Shaheal can heal everyone but not herself.
Bumalandra ang pagka dismayado sa mukha ni Shaheal at tila ba ay hindi niya inaasahan na hindi siya mapapagaling ng sarili niyang kapangyarihan.
"Crystal can see everyone's future but not her own. That's why I told you to give yourself a wound to know if your power's limit is also like her power's limit, and I was right," pahayag ko at bumuga ng hangin.
"Let's go inside," ani ko at nag martsa pabalik sa loob. Nauna ako sa sala at hinintay sila doon na pumunta, "Now, tell me how your power started to burst out of your body?" Ani ko at seryoso na tiningnan si Shaheal at Sky. Agad naman na nagbigay ng senyales si Sky na mauna na si Shaheal. Bumuga siya ng hangin at bumaba ang mga mata sa kanyang mga daliri na nilalaro nito. Kita ko ang pagsisimula niyang mag-isip sa unang beses na lumabas ang kanilang kapangyarihan.
"My friend accidentally cut herself when we were cooking for our one subject. I accidentally touched her finger while bleeding and the wound vanished," kwento nito sa amin. Kunot noo ko siyang tiningnan matapos ang kwento nito.
"She saw that power?" I asked. Mabilis naman siyang umiling sa akin.
"She was busy finding the first aid kit, that's why she didn't see it. Ang akala lang niya ay namamalikmata lamang siya. Pero ako, I saw it. I saw how my hand gleaned when I accidentally touched it. And this mark, iyon ang unang beses na nakita ko ang pag-ilaw nito kahit na mula bata ako ay meron na ako nito," pahayag niya sa amin. Their powers slept for a very long time as they lived with normal people. Akala nila ay wala lamang ang nga marka nila, ngunit ang totoo ay may ibig sabihin iyon sa totoo nilang pagkatao at mundo.
"What else?" Crystal asked. Muli siyang nag-isip ng mga pangyayari na lumabas ang kanyang kapangyarihan.
"My dog, he got into a fight outside and his left leg was really broken. I was alone when I saw him being weak because of that deep wound and that's when I decided to touch it again as I remember how the wound of my friend vanished when I accidentally touched it and yeah, my dog's wound got healed," pahayag niya at malawak na ngumiti, "That's what always happened. After that, I started to search for the truth and when you found me at the library, I was trying to find a book that can answer my questions because it was very weird!" It's very weird if you grew up as a normal person when you're not really one. Ilang sandali pa ay natigilan siya at tila ba ay may naalala pang isang pangyayari, "Wait," aniya at bumaling sa akin, "I remember when I was at the park, may isang aksidente na naganap. I saw the kid get hit by the car, and that boy was bleeding at wala na siyang malay. His parents were crying when they didn't feel or hear any pulse from him and I was watching them away. I pity them, and when I looked at the boy I saw my mark lighted again and in just a moment, I saw how the boy opened his eyes and the blood slowly vanished in his body," bumukas ang aking bibig. That only means that her power can heal by just looking. It only means that she can heal and protect someone by just looking.
"Then you can protect and heal a person when that person is fighting," komento ni Crystal at bakas ang gulat sa kanyang mga mata. I smirked as I realized how she can help us a lot when the war really begins.
"That's what we need to train you to. When the war really begins, you must protect any of us so even if we fight the evils, they will never hurt us," pahayag ni Adrian at masinsinan siyang tinitingnan.
"I will not need it because my power protects me from the pain. But Adrian, Crystal, Sky and Rovielyn at ang lahat pa sa ating mundo na walang kakayahan na tulad ko, you have to protect them. Kahit sino ang makita mo na dapat mong protektahan," pahayag ko sa kanya. Matipid siyang ngumiti at determinado akong tinanguan nito, "Look," ani ko at lahat sila ay sandali pang binalingan, "The evils can't know the limits and what our powers can still do," ani ko, "Dahil sigurado ako na pinag-aaralan nila tayo. And if the day comes again where we have to fight them, don't show them everything you can do just to look strong. In this battle, that's not what matters. What matters here is how we will win at hindi sa pagpapakita lang na malakas ka sa kapangyarihan mong taglay," bumuga ako ng hangin bago ko binalingan si Sky.
"Now, tell me yours," pahayag ko. Natigilan siya at sandali rin na nag-isip.
"I was outside, at napakahina lang ng hangin. I was acting holding the air that I can't even see but I can feel, and suddenly, it just happened na para bang hinihigop ng kamay ko ang hangin at nakakabuo ako ng bilog na gawa sa hangin. One time, I was in my room at nang ilahad ko ang palad ko ay may lumalabas doon na hangin. Doon ko lang nakita mula sa salamin na umiilaw ang marka sa likod ng tainga ko, at pati na ang mga mata ko. Then I explored and found out that I can also lift anything dahil parang may hangin na lumalabas sa aking kamay," bumuga siya ng hangin at bumaling sa akin, "The day you found me, nakaramdam ako ng matinding sakit after having a fight with someone that makes me angry. Bigla ko na bang naramdaman na para bang may napakalakas na hangin sa loob ng katawan ko and it just burst out. Nakikita ko yung mga kamay ko noon na naglalabas ng napakalakas na hangin, but I can't see anything but the wind that's covering my eyes," marahan akong tumango. I remember that day. At talaga naman na napakalakas ng hangin niyang nilalabas noon. I had a hard time turning that tornado into fire as his power created it.
"It's because your power has been wanting to burst out ngunit siguro ay napipigilan ng katawan mo," pahayag ni Rovielyn.
"Your power isn't an easy power, Sky. " Seryoso kong saad sa kanya, "You're controlling one of the strong powers. Katulad ni Adrian at ako, our powers weren't easy to handle. It's either it kills you when you don't learn how to control it, or that power will address you as its master," mahaba kong paliwanag. Mukha namang naintindihan nila iyon at marahan na tumango, "Technically, you're one of the people who got chosen by one of the strongest powers," dagdag ko at matipid na ngumiti.
"That's why you have to be trained. The evils are around and they will never stop moving until they see us dead," pahayag naman ni Adrian.
"Naipapasa ba ang kapangyarihan?" Biglang tanong ni Shaheal sa amin. Nagkatinginan kaming apat bago tumikhim si Rovielyn.
"No," sagot nito, "But it can be inherit when a person bear a child at ang mga magulang niya ay parehong nagtataglay ng kapangyarihan, it can be inherited. Malaki ang posibilidad na magkaroon siya ng kapangyarihan na gaya ng sa kanyang ina o ama. Pero hindi ko alam kung pwede niyang taglayin pareho ang kapangyarihan ng pareho niyang magulang," mahaba niyang paliwanag sa dalawa.
"Pwede," saad ko. My mother told me that it can happen. Iyon nga lang ay madalang iyon at wala pang ganoon na nangyayari kahit sa history ng aming kaharian, "There's a possibility, but it's not in our history. Wala pang nangyayari na ganoon, at kung meron man? Then that child will be the strongest if it holds two powers,"
"Is it not dangerous?" Sky asked, "I mean, having one power that's really strong is dangerous, paano pa ang dalawa lalo na kung parehong delikado ang kapangyarihan na namana?" Puno ng kuryosidad niyang tanong.
"It's dangerous. But just like what I said, it depends on the person. Kailangan niyang ma-kontrol ng maayos iyon kung hindi niya gustong siya ang patayin ng dalawa niyang kapangyarihan," pahayag ko. Bumuga ako ng hangin at tumayo na.
"Now, let's begin your training," utas ko at pinagpag ang aking mga kamay.
clarixass