Chapter 8
Training
Kanina pa nagsimula ang training matapos namin mag-usap sandali sa loob. Sumikat na rin ang araw at ang ilang puno lamang ang nagsisilbing tabing sa amin. Adrian and Crystal are practicing them in fighting without using their powers, lalo na si Sky. In order to win a fight, it's not just depend on what power you have. It also depends on how you fight. Naglatag ako kanina ng iba't ibang armas. They only have to choose one. May blades, sword, and arrows. Iyon ang mga madalas na gamitin na armas sa aming mundo. Sky chose a sword and Shaheal chose arrows.
Adrian is already fighting with Sky using their swords, habang si Shaheal at Crystal ay wala pang gamit na armas. Crystal wants to train her first in fighting using her body. It's necessary, lalo na kapag wala kang armas o nabitawan mo ang armas mo sa labanan. You have to learn how to fight using your body just to be alive. Crystal is expert at that one. Dahil sa aming lahat ay siya ang laging lumalaban gamit ang kanyang katawan kapag naubusan siya ng blades.
"Crystal is strong," ani Rovielyn. Pareho kami nakaupo sa lamesa na may malaking payong. Pinapanood namin ang pagsasanay at labanan na nagaganap. Marahan namana kong tumango sa kanya. Crystal has been so strong ever since. Alam ko na hanggang ngayon ay nasasaktan siya sa pagkawala ng kanyang kapatid. Until now, we don't know if she's dead or not. The Kingdom isn't stopping finding her, ngunit hanggang ngayon ay wala kaming nahahanap.
"I heard about her missing sister," nilingon ko si Rovielyn nang banggitin niya iyon. I don't know if she reads my mind, o sadyang nagkataon lamang na nasabi at naisip niya iyon, "She's in pain until now," dagdag niya at matipid na ngumiti.
"We know," ani ko. Madalas namin siyang napag-uusapan ni Adrian nasa mundo pa lang namin kami. We're always worried about her. The three of us grew up with each other, at parang magkakapatid na ang turing namin sa isa't isa, "When that day happened, Crystal was really miserable and she's not speaking at all," pahayag ko habang ang aking isipan ay nagbabalik tanaw sa nakaraan. I can still remember how she looked. Hindi ko alam kung gaano katagal siyang nalugmok sa kalungkutan, "The next thing happened, she arrived in our training ground holding blades in her hands while it's bleeding. She was so fierce that time and she told us that she's choosing blades to protect her," bumuga ako ng hangin. I know Crystal changed after that day. Ang Crystal na muling humarap sa amin ay alam kong labis na nagbago mula sa dating Crystal naming nakilala. After that, she didn't mention her missing sister anymore. Para bang kinalimutan niya na ito at sa tuwing mababanggit ay umaalis siya agad.
Adrian and I don't know what's running in her head. Ngunit pareho naming alam kung gaano siyang nasasaktan.
"She didn't mention her missing sister anymore. At alam namin na pilit siyang tumatayo sa kabila ng sakit para sa buong kaharian. We know that we can feel pain, but we can't choose ourselves and be selfish. The kingdom needs us," pahayag ko at mapakla na ngumiti. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay para kaming mga alay. At kahit ako ay nararamdaman ko ang sakit sa aking dibdib. But I can't stay with that pain. Hindi ko maaaring hayaang lunurin na lamang ako nito ng tuluyan.
"Where's her sister? Any news?" Tanong niya sa akin. Marahan akong umiling habang pinapanood si Crystal na tinuturan si Shaheal.
"For the past years, we haven't found anything," pahayag ko. But we all know who's behind that, "The evils, they are the only one who will get her. What we don't know is," nilingon ko ito sa oras na iyon, "We don't know if they kill her or not," muli akong bumuga ng hangin, "That's why I was thinking that what if we killed her already after having a lot of fights and encountered with them?" Mapakla akong ngumiti. That will hurt Crystal even more.
Mahina siyang tumawa, "They are brilliant, we don't know what they plan," pahayag niya at dumako ang mga mata kila Adrian. Sunod sunod na ang pagbagsak ng mga pawis sa kanilang mga noo at bakas na rin ang pagod sa pagsasanay. We were trained to do that when we were 9 years old. Mga batang wala pang kaalam-alam mula sa mundong naghihintay sa amin. Mula sa mundo na siyang papatay din sa amin. We were born in a world where we are destined to die like heroes.
"Hold on!" Sigaw ni Sky nang halos kaharap na nito ang dulo ng espadang hawak ni Adrian. Hinahabol nito ang kanyang hininga habang nakaupo na sa damuhan at pawis na pawis. Ibinaba ni Adrian ang espada at inabot ang kanyang kamau kay Sky. Natigilan din sila Crystal at Shaheal nang huminto ang dalawa.
"Can we take a break?" Sky asked and looked at me. Marahan lang akong tumango at agad naman silang nag kanya-kanya ng pwesto. Si Sky ay sumandal na lamang sa may puno at pinikit ang kanyang mga mata.
"I cooked some snacks inside, serve yourselves," pahayag ni Rovielyn sa kanila. Tumango si Adrian at agad na pumasok sa loob kasunod si Shaheal na hinihingal din.
"Hey, you should teach them in arrows," hinihingal na saad ni Crystal bago naupo sa tabi ni Rovielyn at agad na nilagok ang isang baso ng tubig, "You're the one who's expert to that. At isa pa, you know all these things," aniya at tinuro ang mga armas na ang ilan ay nagkalat pa sa damuhan. Napailing na lang ako sa kanya.
"No problem," utas ko at pinikit ang aking mga mata nang dumaan ang malamig na simoy ng hangin. It's refreshing.
"I can see ourselves to them when we were also starting to train in everything," pahayag niya at napailing-iling habang pinagmamasdan si Sky na bakas ang pagod sa mukha. Lumabas si Shaheal na kumakain ng tinapay at agad naman tumabi kay Sky dala rin ang isang tinapay at ibinigay iyon sa kanya.
Ilang sandali pa ay bumalik kami sa pagsasanay kila Shaheal at Sky. Mabuti na lang at medyo nawala ang araw para makabawas sa init ng panahon. Crystal and Adrian already taught them, ay napansin ko naman kanina na nakukuha na nila ang tamang galaw sa pakikipaglaban.
"Come on, we want to watch you do it," ani Sky kay Adrian. Bumaling si Adrian sa akin at mabilis akong nilapitan dala ang isang espada na gamit ni Sky. Tumaas ang kilay niya at mapaglaro pa akong nginitian, "Would you like to fight me?" Aniya at nilaro pa ang espada niyang hawak. Mahina akong tumawa at umiling. Sumipol naman si Sky bago ako tumayo. Mabilis kong kinuha ang espada sa kanyang isang kamay.
"Gumilid kayo, it will be bloody," ani Crystal at pinagilid si Shaheal at Sky.
"Is it a fire and water fight now?" Tanong ni Rovielyn at mahinang tumawa. Marahan akong naglakad papunta sa gitna, ngunit ilang sandali pa ay agad kong naramdaman ang pag atake ni Adrian patalikod sa akin.
"Ang duga mo, tubig!" Sigaw ni Sky matapos iyon gawin ni Adrian. Ngunit mabilis kong naharang iyon ng espada ko habang nakatalikod. Gumuhit ang ngisi sa aking mga labi. I know that he will do that. He always play like that whenever we fight with each other.
"Let me win just for now," aniya at nakikiusap pa ngunit agad akong umiling.
"I don't accept defeat," ani ko bago ko tinulak ang kanyang espada. Agad naman kaming humanda at kalmado lamang akong nakatayo doon habang nakahanda ang aking espada. Mabilis siyang umatake sa akin at sunod sunod ang naging pag atake niya ng espada sa akin at sunod sunod lang din ang pag depensa ko sa aking sarili. I'm not scared to be hurt, kahit masugatan pa ako. Because I don't even feel it.
Hinayaan ko siyang mag sunod sunod ang pag atake sa akin at panay lamang ang harang ko ng espada sa kanyang espada. Dumaan pa ang espada nito sa aking mukha kaya't mabilis kong nag bend upang maiwasan iyon. Pagbawi ko pa lang ay sinundan na niya agad ang pag atake niya, at sa oras na iyon ay inatake niya muli ako sa aking mukha ng mabilis. Nakaiwas ako ngunit nagkaroon ako ng maliit na hiwa sa aking pisngi. I don't even know why he's attacking me on my face right now. Nang nawalan na ako ng pasensya sa sunod sunod niyang pag atake sa akin, sa huli niyang atake sa akin ng espada ay hindi ako kumilos sa aking kinatatayuan. Instead of stopping it using my sword, sinalo ko iyon ng aking kamay. Nanliit ang mga mata ni Adrian nang makita niya ang ginawa kong pagsalo sa matalim na espada.
"D*mn, her hand is bleeding so much," komento ni Sky. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Crystal. Bumaba ang mga mata ko sa espada na nakabaon pa rin sa aking kamay. Tuloy tuloy ang pag-agos ng dugo mula doon. Dumadaloy na rin ang dugo sa espada na hawak ni Adrian. Crystal and Adrian knew that I would do this.
"Madugo nga," komento ni Rovielyn.
"F*ck, Calida. You did it again," aniya at umiling. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang atakihin siya. Gamit ang dumudugo kong kamay ay hinawi ko ang kanyang espada. Nakita ko ang mabilis niyang naging pagkilos ngunit bago pa niya ako muling atakihin ay mabilis akong tumakbo papunta sa kanyang likuran at bago pa siya makaharap sa akin ay mabilis kong ginamit ang likuran niyang tuntungan upang makabalik ako sa kanyang harapan. Pagbaba ko pa lang sa kanyang harapan ay agad ko siyang tinulak sa kanyang matipunong dibdib dahilan ng pagkakatumba niya. Now, with my bleeding hand, tinapat ko sa kanya ang espada.
Ngumisi ako sa kanya. Ngunit ilang sandali pa ay hinawi ng kanyang tubig ang espada kong hawak dahilan ng pagbitaw ko doon. Tumaas ang aking kilay nang gamitin niya iyon upang makatayo.
"Oh, he wants to use power now. Really, Adrian?" Natatawa na pahayag ni Crystal sa kanya.
"His eyes are lighting now," komento ni Sky. Bago pa niya ako atakihin ng tubig ay mabilis kong tinapat ang aking isang kamay sa kanyang kapangyarihan at doon ay naglaban ang aming mga kapangyarihan.
"Holy sh*t, this is fun!" Komento ni Sky. Naramdaman ko ang mas paglakas ng kanyang tubig nang gamitin niya ang magkabila niyang kamay. Ginamit ko din ang isang kamay ko at sa oras na iyon ay naramdaman ko na ang pag-aapoy ng aking kamay paakyat sa aking mga braso. Maging ang mukha ko ay ramdam ko na ang pagguhit ng apoy sa loob. Ngumisi ako at unti-unting ginawang apoy ang tubig na lumalabas sa kanyang mga kamay.
"She turned Sky's tornado into fire, paano pa ang tubig?" Pahayag ni Shaheal nang masaksihan nila ang unti-unting pagkain ng apoy sa tubig.
"D*mn it!" Madiin na mura ni Sky nang matumba siya at tuluyang maging apoy ang tubig. Bumuga ako ng hangin at nagkibit balikat bago ako lumapit kay Shaheal at nilahad ang aking dumudugong palad. Excited siya agad na ngumiti nang lumapit ako sa kanya at tinapat agad ang kanyang palad sa aking kamay. Ilang sandali lang ay naglaho ang dugo at sugat doon.
"When will I win over you?" Aniya at umiling-iling.
"I'm not your enemy, it's not important if you don't win over me as long as you will win to an evil," pahayag ko sa kanya bago bumalik sa aking upuan.
"You got a point," ani Rovielyn.
Matapos ang araw na iyon, ay sunod sunod ang araw na nagsasanay sila Shaheal at Sky. Bawat araw ay nakikita ko ang pag galing nila sa pakikipaglaban at paggamit ng kanilang mga kapangyarihan.
"Please don't hurt me," pakiusap pa ni Sky sa akin. Malakas na tumawa sila Shaheal. Yeah, I'm going to try him. Nagkibit balikat lamang ako sa kanya.
"I can't promise that," ani ko at agad siyang inatake. Mabilis naman niyang hinarang iyon ng kanyang espada. Nang nakakuha siya ng pagkakataon ay agad niya akong inatake ng mabilis. Gumuhit ang ngisi sa aking mga labi nang makita ko kung gaano siya kabilis gumalaw. That's a big advantage to win a sword fight. He's getting better. Ilang sandali pa ay lumipad siya gamit ang kanyang kapangyarihan paitaas at naglaho sa aking paningin. Tumaas ang aking kilay ngunit nanatili akong kalmado. Ilang segundo pa, dumaan ang espada niya sa aking pisngi ngunit hindi ako natinag at mabilis na gumalaw saka ko siya sinipa sa kanyang tiyan dahilan ng pagbagsak niya.
Ngumiwi siya agad ng tumama ang kanyang likuran sa puno. Bumuga ako ng hangin. Napalakas ata ang pagtulak ko sa kanya. Tinapat ko pa rin sa kanya ang espada kong hawak.
"When your enemy pushes you, use your power to lift you and fly to attack," pahayag ko sa kanya. Marahan siyang tumango habang bakas ang pag-inda sa kanyang likuran. Ilang saglit pa ay lumutang ang espada kong hawak. Hindi na ako nagulat doon, but still, I was amazed when I saw his eyes lighting and using his power to lift the sword.
"Nice one, Sky!" Sigaw ni Adrian.
"Daig mo pa si Adrian!" Sunod na sigaw ni Crystal. Gumuhit ang ngisi sa aking mga labi sa ginawa niya. I feel proud of him. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang makatayo habang kontrolado pa rin ang espada. Napagtanto ko na pareho niyang pinalutang ang dalawang espada na akala mo ay nabigyang buhay. Dumiretso ito sa akin at isang kontrol lang ni Sky ay aatake ito papunta sa akin.
But it didn't scare me at all. Ngumisi lamang ako at bumuga ng hangin. Nang gumalaw iyon at lumipad papunta sa akin, ilang segundo lamang ay naging pula iyon hanggang sa naging abo ang mga iyon bago pa tumama sa akin.
"Yeah, you didn't know that she can use her power using her eyes," pahayag ni Crystal.
"That was a nice fight," pahayag ko kay Sky. Tumango-tango naman siya sa akin.
"My back hurts, pero mas gusto ko ito kaysa naman sa su--" hindi ko na siya pinatapos at hiniwa ang kanyang braso gamit ang blade na naroon. Malakas na tumawa si Adrian nang gawin ko iyon, "What the hell, Calida?!" Sigaw niya ay ngumiwi habang hawak ang kanyang braso.
"You can't have fear, Sky. Maliit o malaking sugat, you can't have fear," pahayag ko sa kanya, "Weakness and fear, those are chances to evils to attack you and to win over you," natigilan siya nang maging seryoso akong nakatingin sa kanya. Natahimik din si Shaheal at tila ba ay napaisip din, "Kapag hinayaan mong lumaki ang takot sa iyo, para mo na rin binigyan ng pagkakataon ang kalaban para patayin ka,"
"Calida is right," ani Rovielyn at lumapit na sa amin, "In our world, no one has a weakness or a fear," pahayag niya, "Because in our world, when you fear, you die. And no one wants to die in the hands of evil," dagdag nito.
"I'm scared to die," ani Shaheal at mahinang tumawa.
"Then you should not," pahayag ko, "I'm scared to die when I was young. But after seeing my whole kingdom fighting, I realized that I should not fear anything, kahit kamatayan pa," pahayag ko at naupo. Pinagmasdan ko ang kalangitan at unti-unti ng lumulubog ang araw.
"What will happen to us, then?" Shaheal asked.
"Wala pa akong makita," ani Crystal.
"It will be bloody, very bloody," ani Adrian at bakas ang pag-iisip ng malalim. I agree. It's a war, what do we expect? You kill because you have to. You kill if you don't want to die.
"We will win whatever happens," pahayag ni Adrian, "Hindi ko hahayaan na may mawala pa ulit. My mother died the day we left our kingdom and the day they attacked," pahayag nito. Binalot ng galit at sakit ang mga mata nito. I will never forget how I saw his mother's death.
"What about our parents? I mean, the real ones?" Tanong ni Sky.
"We will find them when we are all ready," pahayag ko. Tumayo ako at bumuga ng hangin, "Let's continue your training tomorrow," ani ko at nag martsa na papasok sa loob ng bahay. Nang gabing iyon ay nagluto si Rovielyn ng gabihan. Lahat kami ay nag ayos at nagtipon sa sala matapos naming mapagod lahat. Lahat kami ay tahimik lamang at may kanya-kanyang iniisip. Alam kong tulad ko ay hindi namin maiwan isipin ang pagdating ng araw kung saan maghaharap-harap kami ng mga kalaban. At mas lalo na hindi ko maiwasang isipin ang mga pwedeng mangyari sa pananatili namin sa mundong ito.
"Hey, we should explore you guys here," suhestiyon ni Shaheal.
"I have a plan," ani Rovielyn, "You can't just stay here. You have to go out in order to find the evils here and act like a normal person," bumuga siya ng hangin. Kunot noo ko siyang tiningnan.
"What do you mean?" I asked.
"You should also transform into a normal person. Change your names and have a surname. Isa pa ay dapat kayong mag-aral. By that, sigurado ako na mas mahahanap natin ang mga kalaban. I'm sure they will also do the same to find you," pahayag niya sa amin. Natahimik kami at napaisip ako sa kanyang sinabi. She's right. Mas babagal ang kilos namin kung mananatili kaming nagtatago. We can't stay in a shell and hide. We also have to go out in our shells. We're not scared to hide.
"It's dangerous," pahayag ni Adrian.
"Remember?" Ani ko at nilingon sila, "This is a hide and seek. How can we find them if we are just hiding and waiting for them to find us?" Natigilan sila sa aking sinabi. Ilang sandali pa ay binasag ni Crystal ang katahimikan at bumuga ng hangin.
"What do we do, then?" She asked.
"First, we have to change your names so they can't know all of you easily. This is a hide and seek game so while finding them, you also have to hide," pahayag ni Rovielyn.
"I don't know anything about what people here are doing in their school," pahayag ni Adrian.
"Don't worry, we're here to teach you," pahayag ni Shaheal at kumindat.
The next morning, the training continued. Mamaya ay pag-uusapan namin ang suhestiyon nila Rovielyn. Kabado pa rin ako kahit paano dahil wala akong ideya kung ano ang ginagawa sa paaralan dito sa mundong ito. I also don't know the people here.
"That won't work," pahayag ko at ginawang abo ang blade ni Crystal na papunta kay Shaheal. Nilingon nila akong lahat. Maayos na sila makipaglaban, but I want to see what else their powers can do, lalo na si Shaheal. Ang buhay ng lahat ay nasa kanya. Bumuga ako ng hangin at kumuha ng mga blades, "Let's fight, Crystal. And you," ani ko at nilingon si Shaheal, "Try to protect me," pahayag ko sa kanya.
"No, I don't agree!" Ani Crystal, "Protect me, not her. She's not getting hurt," ani Crystal at ngumiwi sa akin. Mahinang tumawa sila Adrian. Akala ko naman ay kung ano ang dahilan nito sa kanyang pagtutol.
"Go ahead," ani ko lang.
"Make sure to protect me using your eyes, Shaheal. Mamamatay ako kapag hindi mo ko na protektahan," pahayag nito at binabantaan pa ng mga mata si Shaheal na halata namang kinakabahan.
"Oh please don't hurt her so mu--" hindi ko na siya pinatapos at agad kong binato ang blade na agad naman na dumaan sa gilid ng pisngi ni Crystal. Tumulo agad ang dugo doon, "HOLY SH*T SHE'S BLEEDING!" Malakas na sigaw ni Shaheal at halatang hindi alam ang kanyang gagawin. Mabilis naman na nagpaulan ng blades si Crystal at hindi pinansin ang sugat niya sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ko habang iniiwasan ang mga blades niya.
"I'LL F*CKING KILL YOU, SHAHEAL! JUST FOCUS AND PROTECT ME, D*MN IT! DON'T KILL ME, CALIDA!" Dire-diretsong sigaw ni Crystal ngunit suot ko lamang ang blangko kong reaksyon habang pinapaulanan siya ng mga blades. Nang mas dumami ang blades niya ay sinalat ko lamang ang hangin sa aking harap at agad akong bumuo ng proteksyon kaya't bumabalik lamang ang nga blades ni Crystal sa kanya.
"You're a dead meat, Crystal!" Sigaw ni Adrian at malakas pa na tumawa.
"SHAHEAL, WHAT THE F*CK?!" Malakas niyang mura kay Shaheal.
"OKAY, WAIT! DON'T MAKE ME PANIC!" Singhal niya pabalik at humihinga ng malalim.
"Focus, Shaheal! Look at Crystal properly and feel your power inside you," pahayag ko habang sunod sunod na binabato ng blades si Crystal.
"Oh, thank you, Calida!" Ani Crystal at patuloy na iniiwasan ang mga hinahagis kong blades, "GO ON, SHAHEAL!" Singhal niya kay Shaheal. Nang makita ko na umilaw na ang kanyang mga mata ang ang kanyang marka ay agad kong pinagliyab ang mga blades kong hinahagis kay Crystal, "SH*T, CALIDA! YOU'LL GIVE ME WOUNDS TAPOS AY PINAGLIYAB MO PA?!" Hindi ko siya pinansin at sunod sunod siyang binato ng blades agad na humiwa iyon sa kanyang mga braso at sinadya kong itama iyon sa kanya para masubukan ang kapangyarihan ni Shaheal. Ngumisi ako nang walang sugat o kahit anong dugo ang lumabas doon nang ilang beses na sunod sunod dumaan ang blades sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Sa huling pagkakataon ay hinagis ko ang blades sa kanyang leeg at kitang-kita ko ang pagtama nito doon ngunit walang kahit anong sugat ang naiwan sa leeg ni Crystal.
Bumuga ng hangin si Crystal at kinapa ang kanyang sarili.
"F*ck, I'm f*cking alive," komento niya at namumutla pa. I simply clapped my hands to Shaheal.
"You did it. You protected her," pahayag ko. Huminga ng malalim si Shaheal at pinagmasdan pa ng mabuti si Crystal.
"Next time, do it quickly. You'll f*cking kill me, lalo pa sa kamay ni Calida." Pahayag niya at naupo sa damuhan.
"You're amazing!" Komento ni Adrian.
"Well done," pahayag ni Rovielyn.
"Now, your turn," pahayag ko at nilingon si Sky. Nanlaki ang mga mata niya sa akin, "Try to make Adrian fly, okay?" Pahayag ko sa kanya.
"What? Bakit ako? No way, Cali--" before he could even focus, mabilis hinila si Adrian at kinuha ko ang pana. Nanlaki ang mga mata ni Adrian nang makita nito na kinuha ko ang pana. Agad niya akong inilingan, "Hell, no. Don't f*cking shoot me! You're good at that o--no! You're good at everything!" Sigaw niya ngunit hindi ko siya pinansin at sinipat ko siya habang hawak ang pana.
"Focus, Sky. I'll kill him if you don't make him fly," pahayag ko sa kanya.
"Okay. Hold on, let me focus fi--" hindi ko siya pinatapos at agad kong pinana si Adrian na agad namang pinikit ang kanyang mga mata, "SANDALI, CALIDA! WHY ARE YOU NOT ACCEPTING WA--"
"MAKE ME FLY, YOU IDIOT!" Sigaw ni Adrian nang nailagan niya ang pana. Bumuga ako ng hangin at tiningnan si Shaheal.
"Protect him first," pahayag ko sa kanya. Mabilis na tumayo si Shaheal at tumabi kay Sky.
"Sh*t, my life is in your hands so f*cking focus!" Singhal niya sa dalawa habang hinahanda ko ang sunod na pana.
"Who's the dead meat now, water?!" Sigaw ni Crystal at malakas na tumawa kay Adrian na namumutla na. I can't believe they are still scared. Hinawakan ko ang pana at pinag-apoy iyon.
"CALIDA, PARANG AWA MO NA 'WAG MO NAMAN NG PAG-APUY--"
"Now, Sky!" Malakas kong sigaw bago ko pinakawalan ang pana na iyon. Alam kong tatama iyon sa kanya dahil sentrong-sentro ang ginawa kong pagtira doon. Adrian just closed his eyes as he saw the arrow that's firing coming towards him.
"SH*T, SH*T, SH*T!" Sunod sunod na mura ni Sky. Umilaw ang mga mata at marka ni Shaheal at ilang segundo pa ay umilaw ang mga mata naman ni Sky at ang marka nito sa likod ng kanyang tainga. Ilang sandali pa, bago pa man tumama ang pana na iyon kay Adrian ay umangat siya agad. Nang makita ko na umangat na siya ay agad kong tiningnan ang pana na iyon at ginawa iyong abo.
"I'M ALIVE!" Malakas na sigaw ni Adrian habang nakalutang pa rin sa taas, "Ibaba mo 'ko ng maayos, Sky!" Sigaw niya kay Sky na dahan-dahan naman nga siyang binaba.
Bumuga ako ng hangin.
"Let's talk about how we are going to study on that school,"
clarixass