Chapter 9
University
"Surname?" Crystal asked. Ngayon ay nasa sala kami at nag-uusap para sa plano namin na pag-aaral sa mundo ng mga tao. We don't have to be so focused, because this is just temporary. We're just going to do this thing, act like a normal person to find the evils here.
"Yeah, just like us, we have surnames. I'm Shaheal Lavistre, and Lavistre is my surname." Masayang pahayag ni Shaheal at mukhang natutuwa pa sa pagpapaliwanag sa amin ng lahat.
"I'm Skyler Abrenica, but everyone calls me Sky," pahayag naman ni Sky. Tumango-tango naman ako nang naliwanagan na ako sa kanilang sinasabi sa amin.
"Okay. Paano kami magkakaroon ng mga surnames?" Tanong ni Crystal na mukhang napagtanto na rin ang sinasabi nila sa amin. Nagkatinginan silang tatlo nila Rovielyn. Tutal ay sila lang naman tatlo ang maraming alam sa mundong ito. Rovielyn didn't grow up in this world, but she lived here for so many years and she figured out everything in this world.
"Don't worry, I have a friend who can do documents to make you a normal person. I'll just erase his memories after doing everything to hide us," pahayag ni Sky at tumaas pa ang kilay sa amin. Seeing them like this is making me realize how influential they are in this world.
"How about the University thing?" I asked.
"Well, I'll enroll you guys. Kaka-simula pa lang naman ng pasukan," komento ni Rovielyn.
"What do we do there?" Adrian asked.
"Uhm, study different things in this world?" Ani Sky at nagkibit balikat.
"But you need a guardian in order to study there," pahayag ni Shaheal at tila ba ay napaisip doon.
"Don't worry. The guard there knows that I am their aunt. I guess I'll just continue being their aunt?" Mahina itong tumawa. I can see excitement in their eyes right now.
"We'll go there tomorrow. Tutal ay tatlong araw na kaming absent dahil sa training," pahayag ni Shaheal.
"Hindi na ako nakadalo sa basketball," ani naman ni Sky. Kunot noo ko siyang tiningnan. Nang napansin nito na nakakunot ang aming mga noo ay mahina siyang tumawa at napagtanto na hindi namin alam ang kanyang sinasabi, "It's a game, shooting a ball?" Sinubukan niyang pagpapaliwanag sa amin.
"For now, rest. Bukas ay bibili pa tayo ng mga gamit niyo pati na ng gagamitin niyo sa school," pahayag ni Rovielyn at nag-inat ng kanyang mga braso bago ito tumayo sa kanyang kinauupuan.
"I'm so tired," ani Adrian at ngumiwi.
"Just be thankful that we're alive after fighting Calida," ani Crystal at umiling-iling. Bumuga na lang ako ng hangin at nauna na sa pag martsa. Tomorrow is a long day again. We have a lot of things to do and to prepare. Ngunit hindi ko alam kung handa na ba ako na kumilos na parang isa nga akong normal na tao at walang kahit ano pa man na kapangyarihan. I'm not nervous. Ang tangi ko lamang iniisip ay kung kailan ang magiging pag krus ng aming landas ng lalaki na alam kong malaki kong kalaban. I know what will happen if I lose. Every time I use my power, nagkakaroon ako ng mga bitak sa aking mukha. Mga guhit na kung saan umiilaw ang apoy mula sa loob ng aking katawan. Even my hair is on fire. If I use all my strength to fight him, fire might burn me. If I lose, ako ang magiging abo.
Bumuga ako ng hangin at humiga sa malambot na kama. It's nothing for me. I'm ready to die and vanish.
Always.
Kinabukasan, we did what we had to do. Maaga ulit akong gumising tulad ng nakasanayan ko. I was up at 6:00 am. Maaga akong naligo at nagbihis. I was playing with fire while I'm still waiting for all of them. Simula nang napunta kami dito ay tanghali na kung gumising sila Adrian at Crystal. It seems like they are always tired. Para bang dito sila nagbabawi. Well, I can't deny that. Dahil totoo naman na nakakapagod ang aming mundo. We always wake up early in the morning to get ready for our everyday training. Kahit na sanay na sanay na kami ay hindi kmi tumitigil sa pagsasanay. It's just the three of us. Simula bata kami ay ang kaharian na agad ang nag desisyon sa aming mga buhay. We were not able to speak out about what we want to become. We just woke up in a world where you can't choose and decide for yourself.
It's always for the kingdom.
"Okay, guys!" Sigaw ni Shaheal nang pababa na sila Sky, Crystal at si Adrian sa hagdan. Ilang saglit lamang niyang hinintay makababa ang tatlo, "We have to change your names," ani Shaheal at bumaling sa akin. Mabilis kong pinatay ang apoy sa aking palad, "Calida, we will now call you Cali short for Calida," bumaling siya ngayon kay Adrian na tulala pa. Cali, huh? Not bad to hide my identity, "And you, from now on your name is Ian and not Adrian, okay?" Pagkatapos ay bumaling siya kay Crystal na wala naman pakialam, "As for you, you're Cristel and not Crystal, okay?" Masaya at excited siyang pumalakpak sa amin.
"Your surname is Alvarez. Cali Alvarez, Ian Alvarez, and Crystal Alvarez. The three of you are cousins when someone asks you about it," aniya at tumaas-taas pa ang kilay.
"And of course, I'm your aunt. When people ask where your parents are, just tell them that they are abroad owning a company," sunod na paliwanag ni Rovielyn. Napailing na lamang ako sa kanilang reaksyon. They are having fun and enjoying doing this.
"Now, the documents?" Tanong ni Sky kay Shaheal.
"Don't worry. We'll just tell them that we will compile it online," pahayag ni Shaheal.
"Let's just go. You guys are enjoying this," ani ko at umiling-iling bago ako nauna sa paglabas at agad na akong pumasok ng sasakyan. I can't believe this day will come so fast. We have to communicate with normal people now and act like one. I don't know if this will be hard or not. I'll just go with the flow while we are playing hide and seek with those evils. Sumakay kami sa sasakyan at si Rovielyn ang nagmamaneho.
"Call me Tita from now on, okay?" Aniya habang nasa harap o sa daan ang tingin.
"Why?" Adrian asked.
"People will not believe that she's your aunt if you call her by her name," Shaheal explained. Tahimik lamang ako habang ang mga mata ko ay nasa mga nadadaanan lamang namin sa labas. This world is completely different from the world we grew up to and from the world we belong to. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa gagawin naming ito. I'm thinking of my parents. Ilang araw na akong walang balita sa aming kaharian. I don't know what's happening there already.
"You're thinking of the kingdom, aren't you?" Rovielyn asked. Bumuga ako ng hangin. She reads my mind again.
"I haven't heard anything from them," pahayag ko.
"Queen Athena is a strong woman, they will not be defeated," pahayag niya at matipid na ngumiti. I remained silent. I'm aware of that. I know the evils can't win over them easily. It will be bloody to win over them.
"What's the Queen's power?" Sky asked.
"None, but arrows," sagot ni Crystal.
"What? How can she be a q--"
"Being a queen isn't just about what power you control. It's about bravery and your willingness to save the kingdom till your last breath. Isa pa, don't underestimate my mother. Even if you're holding the wind, she can kill you with her arrows," pahayag ko. Nilingon ko si Sky, "Or I will kill you instead, want that?" Ani ko bago ko binalik ang mga mata ko sa labas. That's a threat at sinasadya ko iyon.
"It gives me chills," komento niya. Napailing na lamang ako. Nang dumating kami sa University o paaralan nilang sinabi kung saan kasalukuyan na nag-aaral sila Sky at Shaheal ay hindi muna kami pinababa agad ni Rovielyn.
"I'll give all of you protection. One of the evils can hear everything and even your minds, so I'm gonna protect your thoughts or whatever you say from that evil," bago pa kami makapagsalita ay umilaw na ang mga mata niya at isa isa kaming tiningnan ng diretso sa aming mga mata. Our eyes lit up when she eyed us directly, "There you go. You're all safe," aniya bago inalis ang seat belt sa kanya. Bumuga ako ng hangin at agad na lumabas.
"Who's that man?" I asked when I saw the man before wearing a white uniform glancing at us. Kita ko sa kanyang mga mata na sinusubukan nitong kilalanin kami at para bang pamilyar kami sa kanya. Of course, he will remember us. We went here to find Shaheal. Sigurado akong magtataka siya kapag sinabi ni Rovielyn na narito kami para mag enrol. We already talked that the last time we went here.
"Oh, he's a guard here. He's kuya Eloy," ani Shaheal at matipid na ngumiti habang tinatahak namin ang daan palapit sa guard daw na iyon.
"Like a kawal?" Adrian asked. Tumango si Shaheal at nagkibit balikat din. Luminga ako sa paligid. May ilang estudyante na pareho ng suot ni Shaheal at Sky ang napapalingon sa amin. I noticed how their eyes were stuck on us. Inalis ko ang mga mata ko sa kanila. What's wrong with them?
"Why are they looking?" Crystal asked, na mukha naman na napansin din iyon. Luminga sila Sky at Shaheal bago mahinang tumawa.
"Probably, because you guys are attractive. Look at the boys and girls," pahayag ni Adrian at napailing na lamang. Bumuga ako ng hangin at umiling. Hindi ko na lamang pinansin ang kanilang mga mata sa amin.
"Papasok na po ba ang mga pamangkin niyo?" Tanong ng lalaki at pasimple pa kaming pinagmamasdan.
"Not yet. Pinababalik po kami," pahayag ni Rovielyn. She's good at acting. Hindi bakas sa kanyang mga mata na nag-iimbento lamang siya.
"Sige po. Tuloy kayo," pahayag niya at matipid kaming nginitian. Pumasok kami sa loob at hindi ko inaasahan na mas marami pa pala ang tao sa loob na mga estudyante rin. They have their own worlds, at talaga naman na halo-halo ang ingay. It's a bit irritating. These people are being noisy. I can't believe these normal people are living their lives like this. Kanya-kanyang tawanan, usapan, at mga ngiti. They don't even seem problematic.
"Don't mind them," pahayag ni Shaheal. Unti-unti kaming napupukaw ng kanilang mga mata. Their eyes are looking at us. At hindi ko maintindihan kung bakit para bang gulat na gulat at manghang-mangha sila sa amin. Do they know that we're not normal people? Napailing na lamang ako, suot ang blangko kong ekspresyon.
"Doon po ang office," ani Adrian at pumantay kay Rovielyn. Pumunta nga kami doon at bumungad sa akin ang ilang mga tao na iba ang suot sa mga estudyante mukhang mga abala sa mga aparato na hindi ko alam ang tawag. Nahagip din ng mga mata ko ang salita na nakasulat sa may pinto.
Registrar.
"Good morning," bati ni Rovielyn.
"Hello, Mam. Good morning, ano po ang kailangan?" Tanong ng isang babae at masaya kaming nginitian. Bumaling siya sa amin sandali bago muling hinarap si Rovielyn.
"I'm here to enroll them. Mga pamangkin ko po sila. Their papers are abroad, naging biglaan lang kasi ang pag-uwi nila rito sa Pinas," pahayag ni Rovielyn. Tumango-tango ang babae.
"Have a seat," aniya at pinaupo kaming lahat. Tumango sa amin sila Sky at Shaheal, "Technically, the documents we need for them to be enrolled will be sent online?" She clarified.
Marahan naman na tumango si Rovielyn, "Yes, if it's okay. We can't fly abroad. Hindi rin po maipapadala ng mga magulang nila dahil sobrang abala sa trabaho."
Bumaling siya sa amin at malapad kaming nginitian nila Crystal at Adrian. Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Crystal sa aking tabi.
"That would be fine po. Magkakapatid ba kayo?" Tanong niya. Natigilan kami at pansin ko rin na natigilan sila.
"No, Ms. Gonzales. They're cousins," pag singit ni Shaheal na bakas pa ang kaba sa kanyang mukha.
"Oh, Shaheal, Sky? Hindi ko kayo napansin. Do you know them?" She asked again.
"Yeah, they're our friends," ani Sky. Nang tumango ang babae ay bumuga siya ng hangin. They both look nervous.
"What are their names nga po?" Tanong niya at kumuha ng papel at panulat.
"Cali Alvarez, Ian Alvarez, and Cristel Alvarez," pahayag ni Rovielyn. Sinulat iyon ng babae at tumango sa amin.
"Anong grade na?" She asked again. I can't believe we have to answer a lot of questions to study here. Hindi ganito sa aming mundo. Nagtataka ako sa tanong niya ngunit hindi ko na iyon pinahalata pa.
"G-Grade 12 po, HUMSS din po," sagot ni Shaheal at awkward na ngumiti. Nagtatanong ang mga mata namin sa kanya ngunit lihim niya lamang kaming nilakihan ng kanyang mga mata.
"That's great. They can start tomorrow. Late enrollees sila. May uniforms kami rito at mga libro," sumenyas siya sa isang babae na may mga kinuha at agad din namang nilapag sa lamesa.
"Here are the uniforms and books for them," pahayag nito. Ilang sandali pa ay lumabas na kami. Nag bayad si Rovielyn ng mga kailangan doon habang naghihintay kami sa labas ng room na iyon. The students are still looking at us.
"Hey, Sky!" Nilingon namin ang tatlong lalaki na papunta kay Sky at malalapad ang ngiti sa kanilang mga labi.
"Hey, Andrew!" Bati niya.
"Ilang araw kang absent, ah?" Aniya. Dumako ang mga mata nito sa amin. Natigilan ako nang huminto ang mga mata niya sa akin at hindi ko alam kung bakit nag iba ang mga mata nito ng makita ako, "What's her name?" Mahina niyang tanong ngunit sapat naman na para marinig ko iyon. Bumaling si Sky sa akin at lihim na ngumiwi. Tila ba ay isang masamang bagay na ako pa ang tinatanong ng Andrew na ito.
"Come on, bro!" Aniya. Bakas sa mukha ni Sky na hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang pangalan ko o hindi. Nang makita ko na palabas na si Rovielyn ay tumayo agad ako at bumuga ng hangin bago ko malamig na binalingan ang lalaki.
"Hi, I'm Andrew," aniya sa akin.
"You better not introduce yourself. You're gonna ki--" pinutol nito si Sky.
"Can I know your name?" Tanong niya at malawak akong binigyan ng ngiti sa kanyang mga labi. Malamig ko lamang siyang tiningnan at ang kamay niya na nakalahad sa akin. He doesn't even know me. All he thinks is that I am a normal person when I'm not.
"No," ani ko kasabay ng paglabas ni Rovielyn na nagtataka pa. Nauna ako sa pagtalikod at pag martsa paalis doon. I heard them chuckled and whistled as I turned my back.
"I like her," dinig kong komento nito. Napailing na lang ako. It seems like I will not enjoy being in this University.
"You got an admirer," komento ni Crystal. Mapaglaro nila akong tiningnan ngunit blangko lamang ang aking ekspresyon.
"Admirers kamo," ani Adrian at mahinang tumawa.
"If they are not normal I will burn them," pahayag ko. Kanina ko pa napapansin ang mga maga nila sa amin, lalo na sa akin. Why are they even looking at me when I also look like a normal person. It's irritating, lalo na ang Andrew na iyon. How dare he ask me that? He's not a good guy, I think. That face is the face of playboys. I know playboys. There are a lot in our world as well. But I am not the type of a girl that he could get.
Matigas pa ako sa bato.
"Cali has admirers, ang haba ng ha--" malamig kong hinarap si Adrian. Batid ko na umilaw ang aking mga mata.
"One more word and I will turn you into ashes," pahayag ko at peke siyang nginitian. Mahinang tumawa si Crystal at Rovielyn. Umiling na lamang ako at dire-diretsong lumabas ng hindi tinitingnan ang mga estudyante na akala mo ay mga nakakita ng anghel.
"Look at her, she's a goddess!"
"Yeah, even that girl with her! She's also beautiful,"
"That guy is handsome,"
Mariin akong pumikit. Mabuti na lamang at wala akong kapangyarihan na marinig ang lahat o pati ang iniisip nila tulad ni Rovielyn. I would rather burn myself than listen to their nonsense conversation.
"Naka en--" hindi ko pinansin ang guard at dire-diretso akong naglakad palabas ng University na ito. Hindi pa man kami pumapasok ay hindi ko na alam kung paano ako tatagal sa loob nito. Kung hindi lamang namin kailangan gawin ito ay hinding-hindi ako papasok sa paaralan na ito.
"She's a bit crude, una na po kami," dinig kong paalam ni Crystal. Sumandal ako sa sasakyan at hinintay sila na makalapit sa akin.
"Are you staying here?" Tanong ko kay Shaheal at kay Sky.
"No, I'll excuse," ani Sky. Tumango ako at pumasoka agad sa loob.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ulit.
"Mall," ani Rovielyn at excited na tumaas ang kilay bago agad na pinaandar ang sasakyan.
"Mall?" Crystal asked. Hindi na ako nagsalita. I don't know what that mall is. It's probably a place but I have no idea what kind of place it is.
"It's a place where you can eat and buy anything you want," paliwanag ni Shaheal. Buong pag biyahe namin ay maingay sila sa likuran. They were laughing the whole time. Pati ako ay iniinis at niloloko nila sa Andrew na iyon. Ngunit nanatili lamang akong tahimik sa buong biyahe namin papunta sa mall nilang tinatawag.
"Why are you always quiet?" Rovielyn asked, habang sila Crystal ay nagtatawanan sa mga kwento nila Sky at Shaheal. Natigilan ako at bumaling ang aking mga mata sa kanya. Why is she suddenly asking me that? Bumuga ako ng hangin at binalik ang mga mata ko sa daan sa harap.
"I have to be like this," pahayag ko at mapakla na ngumiti, "I have to look brave inside and out and I grew up not telling everything because I believe that everyone can betray you," pahayag ko. That's what she taught me, the queen.
"Everyone around you can betray you. Kaibigan mo o hindi, anyone can betray you."
"But it's a choice. Betrayal is a choice, queen. If a person wants to betray you, then they will."
I remember that conversation when I was 9 years old and still learning everything in our world. Sa murang edad ay sinampal na ako ng katotohanan sa aming mundo. Katotohanan na wala kaming ibang pagpipilian kung hindi ang lumabas at manatiling nakatayo ang iyong mga paa habang ang isa ay nakalubog na sa kamatayan. We're powerful, but we're killing each other and having a war. All I want is peace, ngunit kahit ano pa ang gawin kong pag-iisip kung paano namin iyon makakamtan ay talagang napaka imposible nito. Evils are greedy, and they will never want to be with us. Kung gugustuhin man nila, sigurado ako na may kapalit iyon. Sigurado akong hihilingin nilang sila ang mamuno sa aming mundo.
"She really taught you everything," Rovielyn said and chuckled.
"She taught me everything because she doesn't have a choice. We live in a world where we can't have any choice but to fight for your kingdom," pahayag ko at mapakla na ngumiti. Bumuga na lamang ako ng hangin. I grew up wearing a blank expression like a paper. Dahil lumaki ako na hindi basta-bastang nagtitiwala. Lumaki ako sa mundong isang maling galaw mo lang ay maaari kang mamatay. Ang mga mag-aaral dito ay mga libro at panulat ang hawak. Ngunit kami ay lumaking mga armas ang hawak.
"Yeah. When she sent me here, nakita ko kung gaano kaswerte ang mga tao dito and I realized how unfair everything in my life," pahayag niya at pilit na ngumiti. It seems like it's not only me who thinks of that but also her. O baka marami pa nga sa aming mundo.
"That's the mall!" Shaheal said. Bumungad sa akin ang mahaba at mataas na estruktura. Maraming tao ang pumapasok doon at may iba iba rin namang mga sasakyan. Mukhang puntahin nga ang lugar na ito sa mundo ng mga tao.
"What are we gonna buy?" Adrian asked, bago kami bumaba sa sasakyan.
"Some stuff," ani Rovielyn, "Fall in line," aniya sa amin. Kasunod niya ako at tulad ng lalaki sa University ay pareho ng suot ang lalaki sa harap na humaharang sa bawat dumadaan.
"He's also a guard here," bulong ni Shaheal sa aking likuran. Hindi ako kumibo. Pinagmasdan ko kung paano niya hinarang si Rovielyn. Binuksan ni Rovielyn ang dala nitong bag at sandali lang iyong sinilip ng guard na iyon pagkatapos ay pinapasok na rin si Rovielyn sa loob. Huminto ako sa kanyang harapan sa pag-aakala na gagawin niya ang ginawa niya kay Rovielyn kanina.
"Pasok na po, wala naman kayong bag," aniya nang napansin na huminto pa ako. Tumaas ang kilay ko at pumunta kay Rovielyn. Kung ganoon pala ay ang may mga bag lang ang tinitingnan nila.
"They're doing that to check if someone is carrying things that can harm the customers," paliwanag ni Rovielyn. Marahan lamang akong tumayo at hinintay namin silang makapasok isa isa sa loob.
"Let's go to the national bookstore," suhestiyon ni Shaheal at nauna sa paglalakad. Lumilinga-linga kami nila Adrian at Crystal sa loob. Napakalaki ng loob nito at napakarami din namang iba't-ibang tao na may kanya-kanyang mundo. Iba't-ibang ingay, tawanan, at kwentuhan. Hindi ko maiwasan na mamangha sa loob nito. May iba't-ibang pwesto rin na sa tingin ko ay ang mga bilihan kung saan maaari mong bilhin ang maibigan mo. So, this is what they called a mall. It's amazing, at wala kami nito sa aming mundo.
I feel like this world is luxurious. Daig pa ang aming mundo kahit na puno kami ng ginto doon. They are really brilliant at creating these amazing things and places.
"Is this a library?" Crystal asked as we arrived at the story they called, National Bookstore. There are a lot of books, ngunit hindi ito library. It's a*****e where you can buy different books, ngunit mayroon din namang mga ibang bagay tulad ng iba't ibang klase ng mga papel at mga panulat. Bumukas ang aking bibig nang pagmasdan ko ang mga iyon. Nag kanya-kanya kami ng libot sa loob ng store na iyon.
"It's a notebook," ani Sky sa aking tabi. Kinuha ko ang isa na matigas ang takip. Pinasadahan ko ang papel nito ng aking palad. Gumuhit ang matipid na ngiti sa aking mga labi. The texture of the paper is so soft. Pakiramdam ko ay napaka sarap magsulat doon. Even the designs of the notebook that they call are simple but classy and unique. Pakiramdam ko ay nagniningning ang mga mata ko sa iba't ibang uri ng notebook na mga nakalatag doon.
"You should get eight of it," pahayag niya at kumuha nga ng ilan, "In our school, we have eight subjects, you'll need all of this," aniya sa akin, "Choose what you want," pahayag niya. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako, ngunit sa huli ay sinunod ko ang sinabi niya sa akin at namili nga sa mga iyon. Pagkatapos ay sinamahan din ako ni Sky sa mga panulat na tinatawag nilang ballpen. Napakaraming designs at lahat iyon ay magaganda. Nahirapan ako sa pamimili, ngunit kumuha ako ng sampong piraso.
"Keep those properly, lagi kasing nagkakawalaan ang ballpen sa school," pahayag niya at mahinang tumawa. We spend our time buying the things we need for tomorrow. Inikot namin ang national bookstore at binili lahat ng aming kailangan. Hindi lamang iyon, inikot din namin ang buong mall at namili ng mga damit at pati na rin bags at iba pang mga accessories na kailangan namin. Shaheal chose our clothes to wear every day. Kaya't nang mag dapit hapon ay naramdaman ko na rin ang pagod sa halos buong maghapon naming pag-iikot.
"I'm so tired," komento ni Crystal.
"Can we e--" mabilis kong tinaas ang kamay ko sa ere nang makita ko ang pag-ilaw ng aking marka sa aking kamay. Nahagip ng mga mata ko ang itim na usok sa isang sulok. Tiningnan ko agad ang nakasulat doon at may nakasulat doon na restroom.
"What's wrong?" Shaheal asked.
"Enemy," komento ni Crystal.
"Let's go there," akmang tatakbo si Adrian papunta doon ngunit mabilis ko siyang pinigilan.
"Don't," ani ko at umiling, "This is not the right time to catch them," pahayag ko habang nag-oobserba ng palihim sa paligid, "Act normal, like nothing happened," pahayag ko sa kanila bago ako nag martsa na para bang walang napansin. I can feel them. They are here inside the mall as well. Ngunit sa tingin ko ay nagkataon lamang ito.
"Maaaring pain lang iyon," saad ni Rovielyn. I simply nodded.
"Anyone who will notice that, doon nila makukumpirma kung sino ang mga hinahanap nila," pahayag ko at bumuga ng hangin.
Isa iyong patibong tulad ng sabi ni Rovielyn, but we will never bite the bait of evils.
clarixass