Chapter 10

4012 Words
Chapter 10 Transferees Third Person's POV "The plan is make them bite the bait," pahayag ni Crysten habang naglalakad kami sa loob ng mall. Napakaraming tao sa loob, at lahat sila ay may kanya-kanyang mundo. They are all innocent, walang kaalam-alam na may mga nakapasok na sa kanilang mundo na ibang-iba sa kanilang lahat. "If not?" Bridgette asked, "They're not dumb. Especially their leader," dagdag nito. I remained silent. I can feel them inside this mall. Our plan is to make them bite the bait. But I'm not expecting her to bite the bait. She's brilliant, at alam kong mahirap siyang lusutan. The girl, that girl who controls fire, she's strong. No one was able to melt my ice. At kahit kailan, kahit sino pa ang kalaban ko ay hindi ko naramdaman ang lakas ng kanilang kapangyarihan. But her, I felt her power. I felt her bravery. I felt how strong she is from her eyes. "I wish these people are not innocent," ani Ishmael habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid, "I would love to make them a skeleton," he chuckled. "Shut up, you failed, turning that fire girl into a skeleton," Light said and rolled his eyes. "Do you hear them?" I asked Bridgette. Hindi ito agad sumagot at kumunot ang noo habang pinapakinggan ng maigi ang iba't ibang ingay sa buong paligid. She bit her lower lips, and I saw bad news from her eyes as she glanced at me. Huminto ito sa paglakad at ganoon din kami. Malamig ko itong tiningnan habang may pangamba ito sa kanyang mga mata. "This is weird," pahayag niya, "I can't hear them," I clenched my jaw and fist and closed my eyes for a while. Malalim akong bumuga ng hangin. She can hear anything, how can't she hear them here? "Are you sure they are here?" Crysten asked. Marahan akong tumango. I can't be mistaken. My ice is telling me they are here. My power and my body can feel that girl's power. They are here, at ramdam ko na hindi sila nalalayo sa amin. There's something wrong with Bridgette's power, or maybe not. "What's the power of the girl you caught?" Malamig kong tanong kay Light. Those two girls they caught on their necks, we don't know their powers. They were brilliant not to talk so much that night to hide their identities. Umiling ito sa akin at nagkibit balikat. "I don't know, but it's not like the power of that water boy and that fire girl," pahayag nito. I know it isn't. Because if it is, she won't let Light catch her on her neck, she'll fight if her power is strong, same for the girl who threw her blades at me. My plan is not just to make them bite the bait, but to observe her skills and know each of them. We haven't seen their faces, so they are. Mga mata lang namin ang nakita namin sa isa't isa. And their eyes are lighting in different colors as it's reflecting the powers they control. "If you can't hear them, it only means that one of them has the power to protect them from you," pahayag ko. Binulsa ko ang aking mga kamay. Even if she can't hear them, I can feel them. I can feel her walking near to us. They're coming, she's coming. "Let the show begin," pahayag ko. If they bite the bait, we will be able to know them and catch them easily. They will bring themselves to the death they could never imagine. And we will bring victory in our kingdom easily. But I know that girl will not let that happen. I'm expecting her not to fall for this bait as I know that she's brilliant. She will not fall easily. "You can't call yourself the strongest not until you win over that power," my mother said after making our kingdom ice. "What power? What power is stronger than mine?" I asked confusingly. There's no way that a power can win over the I control. I'm the strongest, and no one will be stronger than me. "It's fire, Jaice." Kumunot ang aking noo. Fire? Can't I make it an ice as well? "I can turn it into ice if I want to," mabilis siyang umiling sa akin. "No, Jaice. The fire, it's strong and the heat of its flames can melt your eyes than the water. The heat of its flames would not let you turn it into ice," mula sa mga mata nito na puno ng matinding kadiliman at matinding pagnanasa sa kapangyarihan at mga kaharian sa mundong aming ginagalawan, she eyed me with determination in its darkness. "You will just call yourself the strongest, if you will be able to defeat the fire," she laughed devilishly. Planning and seeing everything in her head. "Who's the person that controls fire, then?" I asked. Natigilan siya at tumalikod sa akin. "Do you see that kingdom?" She points out the kingdom of our enemies. Mula sa aming pwesto ay tanaw na tanaw namin ito. It doesn't have lights for it to gleam, but it's gleaming. To the point that I feel like it's a happy kingdom. Pakiramdam ko ay masaya ang pamumuhay ng mga naroon. They're living a simple life, defending their kingdom from us. Why do we always plan to destroy that kingdom when they are not doing anything wrong to us? That's always the question that's playing in my head in my entire life of training, practicing so hard at the age of 9 just to kill millions of people living in that peaceful kingdom. I nodded. "The person that's controlling the fire is there," pahayag niya sa akin. Making me do bad things that will make her happy, "You have to destroy them or they will destroy us, Jaice. If you want to be called the strongest person in this world, kill the person who controls fire and defeat her, understand?" I wanted to say no. Our kingdom has been planning to destroy them since I was born. Ngunit simula ng ipanganak ako ay wala akong nakitang kilos ng kabilang kaharian. Sa tuwing tatayo ako rito at pagmamasdan ang kanilang kaharian, I always envy them. I don't see darkness but the light of peace. At hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto ng hari at reyna na sirain at sakupin ang kaharian nila. "Yes, queen." "Do it," I commanded. Sumandal ako sa pader at naghintay ng palabas. Let's see if this is the day I will see her or not. Let's see if you will bite the bait, fire. Ishmael went to the restroom as planned. Nagkanya-kanya kami ng pwesto sa paligid at matalas na nag obserba. "Your best seller, please," pahayag ko sa lalaki sa tabi ng aking kinatatayuan. "Ano po ang size, sir?" He asked happily. "Large," pahayag ko habang ang mga mata ko ay nasa mga tao sa loob ng mall. Ilang sandali pa, habang ginagawa nito ang order ko ay napansin ko na ang paglabas ng itim na usok na nagmumula kay Ishmael. Kinalat ko ang mga mata ko sa paligid. Would you show yourself and bite the bait? I simply glanced to Bridgette who's still trying to track them by hearing them. Ngunit binigyan ako nito ng isang matipid na pag-iling and a bad new from her eyes. They are playing this well. She's playing it very well. "Here's your order, sir!" He exclaimed handing me the lemon juice in a large cup. Kinuha ko ang wallet ko at agad akong dumukot ng isang libo ay inabot iyon sa kanya. "Keep the change," I said. Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin nito. I can feel her here, I can feel her. She's around, but it's hard to catch her. It's hard to know her among these people who have their own worlds. Ilang sandali kaming naghintay, ngunit wala pa rin sumusugod at naghahanap kay Ishmael. Tiningnan ko ang oras. I smirked as I sip the drink I bought. I knew it, she would not bite the bait. She will not put themselves along with her kingdom to death they could never imagine. Nag martsa ako palabas at humalo sa iba't ibang mga tao, giving them a sign that I'm aborting the plan. I walked normally, like a normal person. Mabilis ang naging pagkilos ko marahan na sinalo ang babae sa kanyang beywang nang magsiksikan ang mga tao sa paligid. Nagtama ang aming mga mata, at bakas ang gulat sa kanyang mga mata. She breathed slowly as I saw relief in her beautiful eyes while her hand is on my shoulder. Pakiramdam ko ay huminto ang aking mundo. I could not take my eyes off her. "I-I'm sorry," she apologized and stood up. Iniwas nito ang kanyang mga mata sa akin. Lihim akong bumuga ng hangin. "No worries," I said coldly. Calida's POV Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay panandaliang huminto ang aking mundo nang magtama ang aming mga mata at saluhin ako ng kanyang mga kamay. Hindi ko namalayan na hindi ko na kasundo sila Rovielyn sa bilis ng aking paglalakad. I was walking normally, when people started to eat the space. Accidentally, a girl pushes me as the place get crowded for a while. "No worries," he said. Malamig ang boses nito ngunit binigyan niya ako ng matipid lamang na ngiti sa kanyang mga labi. His eyes are so beautiful. Those were charming, and I felt my heart beating weirdly. "Cali!" Naputol ang aking tingin sa lalaki nang marinig ko ang boses ni Shaheal sa gitna ng marami at iba't ibang mga tao. Nilingon ko ang lalaki ngunit tumalikod na ito. Pinanood ko ang malapad nitong likod na unti-unting lumilisan mula sa aking mga mata. I'm being weird. "Is everything okay?" She asked. Marahan lamang akong tumango habang ang mga mata ko ay naiwan sa lalaking unti-unting lumiliit ang bulto at papalayo sa akin. "You're walking so fast," ani Rovielyn at sabay sabay silang sumulpot. "Where do we go?" I asked as we continued walking. This is what we should do to look normal. I know the enemies eyes are around and waiting for us to bite the bait, but I will not bite it. I will not bring myself and my whole kingdom to the death that we are getting rid of. "I would like to bring all of you to my restaurant, but I'm already tired," agad kong narinig ang pag singhap nila Shaheal. Habang kami nila Crystal at Adrian ay walang ideya sa sinasabi niyang restaurant. It's probably a place again. A place that we don't know again. "You have a restaurant?" Shaheal asked surprised of hearing that. Tumango lang si Rovielyn sa kanya at bumuga ng hangin. "Yeah," sagot niya. "That's why you have a nice place and no wonder that you can buy all of these things," ani Sky at mahinang tumawa. "What's a restaurant?" Crystal asked and meddled in their conversation. Natigilan sila nang napagtanto nila na hindi namin alam at wala kaming kahit anong ideya kung ano ang sinasabi nila. "Oh, it's a place where you can eat. It's a kind of business where people come to eat and pay for their meals," paliwanag ni Shaheal sa amin. Nagkibit balikat ako at hinintay na buksan ni Rovielyn ang pinto ng sasakyan matapos naming makalabas. Habang inaantay siya ay pinapanood ko ang iba't ibang mga tao na may kanya-kanyang mga mundo. Natigilan ako nang nahagip ng mga mata ko ang mga mata ng lalaki na sumalo at umalalay sa akin kanina. Lihim akong nagulat nang makita ko siyang nakatingin sa akin. When I looked at him, he's already looking at me and we're both waiting outside the car. Pakiramdam ko ay nagulat din ito nang tumingin ako sa kanya. I gulped. "Cali!" Napapitlag ako nang sumigaw si Rovielyn at nakabukas ang bintana ng upuan sa harap. Doon ko lamang napagtanto na nasa loob na silang lahat ng sasakyan habang ako ay nasa labas pa rin. Kunot noo nila akong tiningnan. "Hold on," ani ko bago ko hawakan ang pinto ng sasakyan. Binalik ko ang mga mata ko sa kanya ngunit pumasok na ito sa sasakyan. Mabilis kong inalis ang mga mata ko sa kanya at agad akong pumasok sa loob. "What's that, Calida?" Tanong ni Crystal. I know what she is talking about. Hindi ako agad tumango habang sinusuot at inaayos ko ang seat belt. Something's wrong with me. I don't know why I felt like we're both catching each other's eyes. It seems like our eyes are locked after what happened earlier. Marahan akong umiling at sinandal ang aking ulo sa bintana. Bumuga lamang ako ng hangin. What's with me? Why am I feeling this unusual feeling? I never stare at a person like that. "Be careful, enemies will keep plotting a bait," pahayag ko sa kanila habang ang mga mata ko ay nasa labas. "Yeah, mabuti na lang at marami rin tao sa mall," ani Adrian. That's a good thing. Tomorrow, our life at that school will start. I don't know what will happen and what's waiting for all of us. But we have to do this for the sake of our kingdom. The next day, tulad ng plano ay maaga kaming gumayak suot ang mga uniporme na binigay ng paaralan. I have three pairs of uniform at ang isa ay hindi palda kung hindi jogging pants at isang t-shirt kung saan nakasulat ang pangalan ng unibersidad. Pinagmamasdan ko lamang ang aking sarili sa salamin sa may malapit sa sala. Bumuga ako ng hangin. I really look like a normal person, studying here in their world. The uniform is gray. May blazer ito ang polo nilang tinatawag sa loob. Meron din necktie na gray at ang palda ay gray din. It's not too short, sakto lang. I'm also wearing the black shoes that we bought yesterday that's paired with white socks. "Wear this," nilingon ko si Shaheal na agad kinuha ang kamay ko at sinuot ang isang relo o wrist watch na tulad ng sa kanya. I chuckled as I looked at it. It's color brown, ang pinaka tali nito at leather at maliit lamang ang bilog ng orasan. "I memorize time. I can tell you what time is it without looking at that," pahayag ko at sinalat iyon. Mahina siyang tumawa sa akin. "I'm aware of that, Calida. But it suits you. A lot of students there are wearing different kinds of accessories," pahayag niya sa akin. "Shaheal," tawag ni Crystal na nakabihis at nakaayos na rin. "I don't know how to put this tie," aniya habang hawak ang tie. Napailing na lamang ako. Nang natapos kami sa lahat at dala na namin ang mga gamit namin, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap ng paaralan kasama sila Shaheal, Sky, Crystal, at Adrian. "Calid--" "Cali," paalala ko kay Adrian. Mariin naman siyang pumikit at tumango. "I forgot," aniya at napailing. Bumuga ako ng hangin at nauna sa paglakad. Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang lakas ng loob ko para mauna pa sa paglalakad kahit wala akong alam sa mundo na ito. Huminto ako ng harangin ako ng guard. "They're transferees!" Napailing ako sa usapan ng iba. They are talking about us. Mula ng bumaba kami sa sasakyan ni Rovielyn ay nasa amin na ang kanilang mga mata. They are all looking at us at manghang-mangha sa amin. "Bag po," aniya. Naalala ko ang ginawa sa may mall. Kumunot saglit ang noo ko, ngunit nang napagtanto ko iyon ay binuksan ko ang bag ko at tama nga ang hinala ko. He's gonna check what's inside it. Tumango siya, senyales na pinapapasok na ako nito. Huminto ako at hinintay sila. Nag thumbs up pa sa akin si Sky at kumindat. "What now?" Adrian asked. "Kapag may tumunog na bell, ang ibig sabihin ay oras na ng pagsisimula ng mga klase. Dapat bago tumunog ang bell ay nasa room niyo na kayo," paliwanag ni Sky. "Ako na ang maghahatid kay Cali at Adrian sa room nila. Si Cristel lang ang nakasama sa section niyo, hindi ba?" Ani Sky kay Shaheal. Yeah, I heard Adrian and Sky are my classmates just what they explained to us last night, before we all slept. "Bye, then! See you later," ani Shaheal at hinila si Crystal. Sinundan lang namin si Sky papunta sa room na sinasabi nila. "People are looking again," komento ni Adrian. Mahinang tumawa si Sky. "They find you guys attractive," aniya at mahinang tumawa. Hindi ko pinapansin ang mga bulungan kahit dinig na dinig naman namin ang mga iyon. "Sky, you're finally he--" natigilan ito at napailing ako nang makita ko ang Andrew kahapon. Natigilan siya at nagningning ang mga mata nang makita ako. Masama kong tiningnan si Adrian nang magpigil siya ng tawa. "Don't tell me he also belongs in this classroom?" Mahina kong saad kay Sky. Ngumiwi siya at tumango sa akin. Iyon na yata ang pinaka masamang balita kong natanggap sa araw na ito. Unang araw pa lang namin ay hindi na agad maganda ang simula. "Hi, it's nice to see you again," sumipol ang ilang lalaki sa loob habang halos lahat sila at nasa amin ang mga mata at pinag-uusapan kami. "Where should we sit?" Tanong ko kay Sky at Adrian at hindi siya pinansin. Ang classroom nila ay para lang din ganoon sa aming mundo. Iyon nga lang ay mas marami ang upuan dito at madalang lang namin gamitin ang rooms doon dahil puro labanan sa pagsasanay ang aming ginagawa. "Uhm, maybe there?" Ani Sky at tinuro ang bakanteng upuan sa likuran. Tumaas ang kilay ko nang pagmasdan ko iyon. That's the perfect seat I want. Tumango ako at nang akma na kaming lalakad ay humarang sa aking daan si Andrew at malawak pa akong nginitian. I want to burn him right now. Why does he keep bothering me? "Andrew, you better not go on her w--" "You can sit here!" Aniya at inalis ang bag niya sa upuan sa pangalawang pwesto. Tiningnan ko ang upuan pagkatapos ay binalingan ko siya suot ang blangko kong ekspresyon. Kinuha ko ang bag niya na inalis at binalik iyon sa upuan. Nagtataka ang mga mata niya sa akin ngunit hindi naglaho ang malawak na ngiti nito sa kanyang mga labi. Ang mga lalaki at ilang estudyante ay inaasar na ito. I don't know why he is doing this. "No," pahayag ko ulit bago ako nag martsa papunta sa upuan na tinuro sa akin ni Sky. "Sorry, dude," dinig kong saad ni Sky kay Andrew. Hindi ko pinansin ang mga mata na sinusundan kami ng tingin at naupo lamang sa may upuan na katabi ng bintana. Pinikit ko ang aking mga mata, thinking of how am I going to survive this day. "She's a goddess," "And that guy is a god," "Are they in a relationship?" "Why is Sky with them?" Bumuga ako ng hangin. How can I survive hearing those words from all of them? Their eyes are still on us, and it's making me feel irritated. "It's uncomfortable, right?" Bulong ni Adrian sa akin. Mahinang tumawa si Sky sa amin at napailing. "That's normal. Totoo naman ang mga sinasabi nila," pahayag ni Sky sa amin at nagkibit balikat. Ilang sandali pa ay tumunog ang bell tulad ng sinabi nila kanina sa amin. Ang mga estudyante na nasa labas ay mabilis na pumasok sa bawat classroom nila. Nahagip ng mga mata ko ang babae na papasok sa aming klase. I know that look, she's probably the teacher. "Good morning, class!" Bati niya at matipid na ngumiti. Nagkatinginan kami ni Adrian. "Stand," ani Sky. "Good morning, Ms. Cruz!" Sabay sabay nilang bati. "That's how we greet when a teacher enter the class," mabilis na paliwanag ni Sky bago kami naupo. Umikot ang mga mata ng guro sa buong klase hanggang sa nahinto ang mga mta nito sa amin ni Adrian. Mahina akong siniko ni Adrian nang napansin nito na nakatingin sa amin ang guro. Bumungad ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita kami. "I see the transferees," pahayag niya at tinuro kami, "Can you introduce yourself here?" Aniya at tinuro ang harapan. "Go on, one by one," ani Sky sa amin. Bumuga ako ng hangin at pilit na tumayo nang ayaw pa tumayo ni Adrian. Nasa akin ang kanilang mga mata at pati si Andrew ay nakatingin sa akin suot ang malaki niyang ngiti. Pagdating ko sa harapan ay bumungad sa akin ang kanilang mga tingin at hinihintay ako magsalita. Tumikhim ako at bumuga ng hangin. "Hi, I'm Calis--" mariin akong napapikit nang muntik ko na naman masabi ang totoo kong pangalan. Bumuga ako ng hangin at muli silang hinarap, "I'm Cali Alvarez, the new student," ani ko lang pagkatapos ay bumalik ako sa aking upuan. Nagbubulungan sila at sa kanilang pagbubulungan ay alam kong naghahanap pa sila ng higit ko pang pagpapakilala sa aking sarili. I can't tell them that I have fire inside my body. Sunod na nagpunta si Adrian sa harapan. "Hi, I'm Ian Alvarez, cousin of that girl," aniya at tinuro ako. Suminghap ang ilan bago siya bumalik sa kanyang kinauupuan sa aking tabi. "Let's start the class, then?" Ani ng guro. She was about to write on that board not until the door opened, and two guys entered. Natigilan sila at muling umingay ang mga babae nang makita sila. Kumunot ang noo ko, nakatagilid sila sa amin ngayon. "Oh, transferees again," ani ng guro, "Introduce yourselves," aniya at tinuro ang harapan. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Humarap ang isa at blangko lamang ang ekspresyon nito. I find him arrogant, unang tingin pa lamang. "Hi, I'm Jaycee Rivero," nahinto ako nang tuluyan kong nakita ang mukha ng lalaki na nasa harapan naming lahat ngayon. Bumukas ang aking mga labi, lalo na nang nagtama ang aming mga mata. Tila ba ay hindi rin nito inaasahan na makita ako tulad ko. "I'm Ismael Divera," pakilala ng isa. Hindi naputol ang mga mata namin sa isa't isa ng lalaki na iyon. So that's his name? Jaycee Rivero, the guy I met accidentally at the mall. I can't take my eyes from him as he can't take his eyes off me as well. Tila ba ay pareho naming binabasa ang mga mata ng isa't isa. What a coincidence. He's also a transfery, and I can't believe that he's also my classmate. "Go to your seats," tinuro nito ang upuan sa aming harapan. May dalawa pa doon na bakante at sa harap lamang namin iyon ni Adrian. Napalunok ako at bumuga ng hangin. As he walk towards us, nakita ko ang maliit na ngisi nito sa gilid ng kanyang labi. Binaba ko ang mga mata ko at hindi na lamang sila pinansin. Ramdam ko ang mga mata nito sa akin nang maupo sila sa upuan sa aking harapan. Nang nakaupo sila ay nahinto ang mga mata ko sa likuran nito. He has a broad shoulders, likuran pa lamang nito ay maskuladong-maskulado na ito. "Okay, let's begin now!" Malakas na pahayag ng guro. "What are we gonna learn here?" Mahinang bulong ni Adrian nang nagsimula ang babae sa harapan na magsalita at magturo sa harapan. Dinala ko ang mga mata ko sa kanya at nakinig. I don't have anything to do but to listen. Isa pa, we have to survive in this place. Habang nagtuturo siya ay lumilinga pa rin ako sa paligid. One of them here can be the enemies that we are looking for. Who among these people are the enemies? Huminto ang mga mata ko kay Jaycee sa aking harapan. Sa tuwing tinitingnan ko siya ay naaalala ko ang nangyari kahapon sa mall. His hand around my waist, I don't know why I felt weird and different. Ang mga mata nito na malapitan kong namasdan, it keeps crossing my mind, and his face without judgement on it. Bumuga ako ng hangin at sandali kong pinikit ang aking mga mata bago ako muling nakinig sa guro na nasa harapan. Hide and seek, Calista. You should seek while hiding. clarixass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD