Chapter 11
Life as a student
"Okay, so what do you think about leadership?" Tanong ni Ms. Cruz ngayon habang ang kanyang mga kamay ay nakatukod sa lamesa. Nakangiti ito habang ang kanyang mga mata ay umiikot sa aming lahat. She's discussing the leadership of people here in their world. Ngayon ko lang nalaman na meron silang tinatawag na politics sa mundong ito, at government kung saan nakaupo ang mga tao na namumuno. I also found out that this world contains a lot of countries, at bawat bansa ay may kanya-kanyang gobyerno. I was listening to Ms. Cruz while reading the book. I find it interesting, and I was amazed by what I have learned.
Patuloy ako sa pagbabasa ng libro. I can't believe this world is bigger than us.
"No one wants to answer, huh?" I heard Ms. Cruz chuckled when none of us raised their hand to answer her question. I don't have a plan to raise my hand and answer her question either. All I have to do is to survive my days of studying here and living like a normal person.
"Okay, I'll call one of you," dinig kong saad niya at bumuga ng hangin. My eyes remained on the book, reading it.
"Hoy, mag volunteer na kasi kayo! Parang leadership lang ang tanong, eh!"
"Edi ikaw! Leadership lang pala, eh."
Bahagya akong umiling nang marinig ko ang bulungan nila.
"Don't look in her eyes, ikaw ang tatawagin niyan," pahayag ni Sky kay Adrian.
"Really? Okay," I saw in my peripheral vision how Adrian quickly opened his book on the small table and pretended reading it.
"How about you, Ms. Alvarez," natigilan ako sa akma na paglipat ng pahina ng libro nang marinig ko ang peke kong apelyido. Naramdaman ko ang kanilang mga mata sa akin ngunit batid ko na lahat sila ay nakahinga nang ako ang tawagin at hindi sila. Mariin akong pumikit at bumuga ng hangin. Bago ko balingan si Ms. Cruz ay bumaling ako kay Sky na ngayon ay kinakabahan.
"It seems like your suggestion isn't helpful at all," mahina kong saad sa kanya. He gulped as I said it with my blank eyes.
"Is it a threat, Adrian?" I heard him asked as I stood up and faced Ms. Cruz. Do I even have a choice? She called me to answer her question about leadership. I can't believe I will do this just like a normal person living in this world. Hindi ko pinansin ang mga mata nila na nasa akin. Hindi ko nilingon o sinalubong ang kahit isa sa mga iyon at tanging kay Ms. Cruz lamang ako tumingin.
"Do you think she can answer?" I heard Sky asked.
"She's brilliant, she can answer everything," mahinang bulong ni Adrian.
"What do you think is leadership, Ms. Alvarez?" She repeated the question again.
"Leadership is a big responsibility. If you're leading a country or a world rather, then you have a big responsibility in your hands. Leadership is not about thinking of yourself, but thinking of your people, of your nation. Being a leader is hard, because you can't choose yourself and be selfish instead, you have to be selfless and choose anything that will be good for your people. That is what I think about leadership," mahaba kong pahayag. Naupo agad ako habang lahat sila ay tahimik lamang at nasa akin pa rin ang mga mata.
"You speak like a normal person," bulong ni Sky habang ang mga mata ay nasa harap.
"I told you she's brilliant," saad ni Adrian.
"I love your answer," finally, Ms. Cruz commented. Pumalakpak si Andrew habang manghang-mangha ang mga mata. Did I answer a hard question to give them amazement in their eyes? Unti-unti silang pumalakpak hanggang lahat sila ay pumalakpak na. Nahinto ang mga mata ko ng pumalakpak din sa huli ang lalaki na nakilala ko sa mall na nasa aking harapan ngayon. Hindi ko alam kung bakit pinagmamasdan ko ang pagpalakpak nito. Marahan ang pagpalakpak nito, hindi tulad ng iba.
Ms. Cruz is looking at me with a smile on her lips. Satisfaction was in her eyes. Before she could even speak another word, the bell rings and that gave them another thing to focus with. Kumunot ang noo ko nang magdiwang ang lahat at nagkanya-kanya sila ng tayo na tila ba ay isa iyong magandang senyales.
"That's all for today, class. I'll see you tomorrow," ani Ms. Cruz at kinuha ang libro niya sa lamesa bago siya nag martsa palabas ng kwarto.
"What's happening now?" Kumunot ang noo ko nang narinig ko ang boses ni Ismael, as far as I remember. Hindi sumagot si Jaice, the man I met at the mall. Tumayo lamang ito at kinuha ang kanyang gamit bago nag martsa palabas at walang binitawan na kahit isang salita. Napailing si Ismael at mahinang tumawa bago ito sumunod.
He doesn't know what's happening just like us. Hindi ko alam kung iyon ba ang tinutukoy niya, o iba pa.
"When the bell rings and you're in the class, it only means that your class is over," paliwanag ni Sky na nakatayo na. Hindi ako kumibo at kinuha lamang ang bag ko, "Anong oras na ba? Let's go to cafeteria so we can eat," aniya.
"It's 11:00 am," pahayag ko bago ako naunang lumabas ng kwarto bago pa man niya masilip ang suot nitong wrist watch. Adrian chuckled before they followed me.
"Ikaw na," ani Adrian at inakbayan ako. Naglilisawan ang mga estudyante sa paligid at may kanya-kanya silang mga mundo. Halo-halo rin ang ingay sa paligid, at iba't ibang usapan ang kanilang pinag-uusapan. Many are laughing, some are chasing each other, some are joking, and some are serious. Is this how their world works? People, they all look like unproblematic. Hindi natatakot na baka may isang digmaan na maganap. Hindi natatakot na baka kay kalaban na paslangin sila. While watching them, mas lalo ko napagtatanto kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng kanilang mundo sa akin. This world isn't dangerous at all.
They are living a different life to us. They are living the life we dream of.
"Where are we going?" Adrian asked while we were walking.
"Cafeteria, it's lunch time," aniya. Hindi na ako nagsalita at sinundan na lamang siya. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa cafeteria niyang tinatawag kung saan kami kakain ay hindi ko maiwasan mamangha sa ganda at ayos ng loob ng unibersidad na ito. It feels comfortable to walk without people looking at us. Mas gusto ko pa yata na lahat sila ay may kanya-kanyang mga mundo kaysa sa amin sila nakatingin. Pagdating sa cafeteria ay bumungad sa akin ang mga estudyante sa bawat lamesa at may sariling mga mundo. They are all talking with each other about different things. Ang mga halakhak ng bawat magkakaibigan ay hindi mawala. Nahagip din ng mga mata ko ang mga estudyante na nakapila at kumukuha ng kanilang mga pagkain.
"This is amazing," ani Adrian habang nagniningning ang mga mata.
"Don't you have this in our world?" Sky asked. Mabilis naman akong umiling.
"Kitchens, but this? No," ani Adrian at mahinang tumawa.
"Cali!" Mabilis na napunta ang mga mata namin kila Crystal at Shaheal sa isang lamesa. Kumakaway si Shaheal sa amin suot ang malawak niyang ngiti sa kanyang mga labi. Mabilis naman kaming lumapit sa kanila at doin ay naabutan namin si Crystal na kumakain na at walang pakialam sa kanyang paligid.
"How's your class?" Shaheal asked. Naupo agad kami sa mga upuan sa kanilang lamesa.
"Cali killed it! She answered Ms. Cruz's question about leadership," pahayag ni Adrian. He looks conceited. Napailing na lamang ako sa kwento niya. Bumukas naman ang mga labi ni Shaheal at tila ba ay hindi iyon inaasahan.
"Really?" Masaya niyang tanong.
"She answered like she knows everything here," ani Sky at mahinang tumawa.
"I was bored," ani Cristel. Naglaho ang ngiti ni Shaheal sa kanyang mga labi.
"She just slept in the class," komento ni Shaheal bago nagpatuloy sa pagkain.
"Let's talk later. We'll buy food," ani Sky at tumayo bago kami niyaya. Sumunod naman kami agad ni Adrian sa kanya papunta sa may pila ng bilihan pala ng pagkain. Hindi tulad kanina ay konti na lamang ang pila ngayon. Halos lahat kasi ay nakahanap na ng kanilang mga pwesto.
"We don't have money," bulong ko kay Sky. Mahina naman siyang tumawa bago kami humarap sa may bilihan mismo ng pagkain dito.
"It's on me," aniya at nagkibit balikat, "What do you want?" Tanong niya sa amin ni Adrian. Bumaba ang mga mata namin ni Adrian sa mga pagkain.
"We don't have a lot of options," ani Adrian. Nanlaki ang mga mata ni Sky at natigilan. Mabilis niyang siniko si Adrian at doon ko lamang napagtanto ang lahat nang makita ko na ang mga babae na nagtitinda at nagsasandok ay sumama ang tingin sa amin. Mukhang napagtanto iyon ni Adrian kaya't yumuko ito at lihim na ngumiwi. He's telling the truth. Dalawa lamang ang ulam. Ang isa ay gulay na kakaunti ang bawas. Mukhang hindi iyon pinipili na bilhin ng nga estudyante. The other dish is a meat, at hindi na iyon ganoon karami. But it can still serve 6 people. Mabilis akong tumikhim upang matabunan ang sinabi ni Adrian. I don't know that they are sensitive here.
"We'll get three orders of this," ani ko at tinuro ang meat. Tumaas pa ang kilay ng babae sa akin. I want to burn her right now, but I know I can't do that. Kaya't sa halip na iyon ang gawin ko ay dumilim ang mga mata ko sa kanya. Naging blangko muli ang aking ekspresyon habang nakipag palitan ako ng mga tingin sa kanya. Ilang sandali pa ay tumikhim ito at nag-iwas ng tingin sa akin bago siya kumilos at sinunod ang orders namin.
"With rice po lahat and three sodas," utas ni Sky. Mahinang tumawa si Adrian matapos nitong makita ang ginawa ko. Nang iabot ang pagkain na naka tray na ay muli kong binalingan ang babae habang nagbabayad si Sky. Simple ko lamang siyang tiningnan, and I already saw fear in her eyes. I chuckled as we left and walked towards Shaheal and Crystal. Pagtalikod pa lang namin ay humagalpak sa tawa ang dalawa habang ako ay nanatili lamang na blanko ang ekspresyon.
Napailing na lamang ako. Bumalik kami sa aming pwesto at nagsimulang kumain.
"Notice something?" Tanong ko sa kanila. Nahinto silang lahat at tila ba ay nagbalik sa katotohanan kung bakit kami narito ngayon. The reason why we get in here.
"I observed around, no one is acting weird," ani Crystal. Bumuga ako ng hangin at tumango.
"It's okay. It's either those enemies of ours are good at acting or they are not here but they are still out there trying to find us," pahayag ni Adrian sa amin. Yeah, that's what it should be. Natigilan ako nang may naalala ako sa klase kanina. Ngunit sa halip na sabihin iyon ay mas pinili ko na huwag muna iyon sabihin sa kanila. I don't have a proof yet, at hindi ko pa alam kung totoo nga ba iyon. I don't even know if he's confused about what's happening earlier just like us or not.
"Always observe, darating din ang panahon na matatapos ang tagu-taguan na ito," pahayag ko at uminom.
Third Person's POV
"We're trained in this world, we will not be caught easily," Crysten said. Pinagmamasdan ko ang mataas na building ng paaralan na ito. This is what the queen told me before. Go study in a school in this world and pretend like you are a normal student. Act like you belong in this world.
"Let's go," ani Bridgette. Nag hiwa-hiwalay kami ng pagpasok sa loob. Bumungad agad sa akin ang mga mata ng mga estudyante na nahagip kami. I heard them gasping as I walked with Ismael. We enrolled, at pareho kami ng room at section na papasukan.
"These people are innocent," komento ni Ismael. I remained silent. At wala akong sinalubong na tingin sa kahit sino sa kanila.
"Keep your evilness inside you, Ishmael." Saad ko habang tahimik na nag-oobserba sa paligid.
"May mga transferees! Ang pangalan ng isa ay Cali, she's so beautiful!" A girl giggled. Tumaas ang aking kilay. Who are those? It seems like they caught everyone's attention easily.
"That's the room," ani ko bago kami lumakad papasok. Nahagip ng mga mata ko babae sa gilid ng bintana at nakapikit ang mga mata. Bumukas ang aking mga labi ngunit hindi ako huminto.
That's her. The girl I met at the mall.
Calida's POV
"Hi, Cali!" Natigilan ako sa pagkain nang lumapag ang isang inumin sa aking harapan, "A milk tea for you," boses pa lamang nito ay kilala ko na. Unti-unting umangat ang mga mata ko at hindi nga ako nagkamali nang bumungad sa akin si Andrew na malawak ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa likuran niya ay ang dalawa niyang kaibigan. Natigilan din sila Shaheal ngunit alam ko na nagpipigil lamang sila ng tawa.
"Bro, I told you not to--" kinuha ko ang milktea niyang tinatawag. Kinuha ko ang kamay niya at binalik ang milk tea na iyon sa kanya.
"Thanks," ani ko lamang at nagpatuloy sa pagkain. Ipinagsawalang bahala ko na lamang sila at hindi na lamang pinansin. Narinig ko ang panloloko sa kanya ng mga kaibigan niya.
"Come on, accept this. I bought that for y--" mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko bago ko siya malamig na binalingan. Kinuha ko pabalik ang ang mliktea sa kanyang kamay.
"I'll see you around," ani ko kila Adrian bago ako nag martsa paalis doon. Mas naaagaw ko lamang ang atensyon ng mga estudyante sa kanyang ginagawa.
"RUN!" Natigilan ako ng may mga mag sigawan na mga estudyante at mga naghahabulan. Kunot noo ko silang pinagmasdan na naghahabulan palabas ng cafeteria.
"CALI!" Sigaw ni Andrew. Bumukas ang aking bibig nang napagtanto ko na mababangga ako ng mga ito. But before they could hit me, I felt a hand pulled me on my hand, hanggang sa naramdaman ko ang pag-alalay nito sa aking likuran mula sa mga estudyante na naghahabulan.
Nanlaki ang aking mga mata. Binalot ng mabango ang aking pang-amoy nang harapin ko ang isang matipunong dibdib. Dahan-dahan akong tumingala sa bilis ng pangyayari sa paligid.
Kumabog ang aking dibdib nang bumungad sa akin ang mukha nito na marahan akong pinagmamasdan.
"You," I said.
He smirked, "It's you again,"
clarixass