Kabanata 1: Ang Pagsisimula

1537 Words
“Ano ba ang nasa kanila na wala sa akin?” Iyan ang parating tinatanong ni Shin Eun Lim o kilala bilang Sweet sa sarili nito kapag naiinis siya. Sa tatlo silang magkakapatid kakaiba si Sweet sa mga Ate nito. Kahit nakukuha niya ang mga ninanais nito ay may limitasyon rin pagdating sa kaniyang Dad. Isa siya sa mga anak ni Mr. Lim na kilalang mayaman pagdating sa negosyo at mga ari-arian. Bilang nakakabatang kapatid nina Honey at Lovely ay na susunod ang gusto nito. Malapit siya sa kaniyang Dad kaya kung ano man ang hinihingi nito ay agad-agad siyang pinagbibigyan. Kumbaga, walang makakapigil sa ninanais nito. Ganoon ang isang Shin Eun Lim. Sa pag-ahon niya sa napakalapad na pool ay siya namang paglitaw ni Sweet na nakikita ang napaka-gandang hubog ng kaniyang katawan. Yung bawat patak ng tubig na sa kaniyang katawan ay suyang naghahalik sa dinadaanan nito. Agad namang binigay ng alalay nito ang hinahawakang twalya na siyang pinunas ng dalaga sa kaniyang katawan. Sa kabilang kamay naman ni Sweet ay inilapat ang napakalamig na juice pamatid uhaw ng dalaga. “Can you call Miss Jane Han Lim?” Page-ingles pa nito sa isa sa mga pinagkakatiwalaan niya sa kaniyang bahay. Tinaas niya naman ang kanang kilay nito na kung saan ay agad na sinunid ang ninanais nito. Payukong tugon ng kausap niya. “Ano po ang sasabihin ko ma’am?” Isinuot naman ng dalaga ang shades nito nang sumandal siya sa kaniyang kinauupuan. “I want to have a shopping time later at the mall that she owns.” Diinan niya pang-sabi. Hindi naman gaanong naririnig ng kaniyang kasambahay dahil sa malakas na hangin na dumaan. Sinunod naman ng kaniyang alalay ang sinabi nito. At habang ginagawa niya iyon ay siya namang pakikinig ni Sweet sa mga sumunod na katagang ito, “Good morning, can I talk to Chairwoman Jane Han Lim? Because…” Hindi pa tinapos ng alalay nito ang kaniyang pagsasalita ay siya namang paghablot ni Sweet sa hawak nitong telepono. “This is Shin Eun Lim.” Halata pa yung diinan niyang pagsabi. “Miss Lim!” Gulat na tugon ng babaeng kausap nito. Dinig naman ng dalaga yung mga yapak ng sekretarya ni Jane na papunta sa amo nito. “Chairwoman Jane Han Lim, Miss Shin Eun is on the line.” Bago pa makapagsalita si Jane, “pinsan!” Sigaw ni Sweet habang hinahawakan nito ang telepono. “Alam ko na kung bakit ka napatawag.” Bungad sa kaniya ng pinsan nitong si Jane. Ngumiti naman si Sweet at agad na sinabihan ang mga taong nasapaligid nito na pabulong. “Umalis muna kayo.” Na siya namang sinunod nila. Ng walang tao na ang nasa paligid nito ay nakipag-usap na siya sa pinsan nitong si Jane. “Alam mo naman yung gusto ko diba?” Pagsasangayon naman ni Jane sa kaniya. “Oo, alam na alam ko.” Dagdag pa ng pinsan nito. “Hindi naman lingid sa kaalaman nating dalawa yung mga bagay na gusto mong gawin diba?” Pagpupuri naman sa kaniya ni Sweet. Masayang sabi pa ng dalaga sa pinsan nitong nagmamay-ari ng malaking mall. “Huwag kang mag-aalala mag-aayos ako at puputa diyan!” Halata sa boses nito ang pananabik na hindi matago-tago sa kaniyang mukha. Sa pagtapos nila ng kanilang pag-uusap ni Jane ay siya namang pag-hakbang ni Sweet papasok sa magara nitong bahay. Ang nakapulupot na tamping kulay puti ang siya nasa katawan nito. Agad namang sumunod ang kaniyang mga alalay paratulungan kapag ito ay may kalangan. Ganoon pa man ay napaka-mitikulusong babae si Sweet. Na kung saan sa bawat detalyeng may mali ay siya namang agad nitong napapansin. Sigaw niya pa habang ito ay naglalakad. “Mukhang hindi nadiligan ang halamang nandoon!” Binaling naman nang nakabunton na kasambahay kung saan ang tinutukoy ni Sweet. Nag-aalalang sabi pa nito. “Masusunod po Ma’am.” Kaya agad niyang sinunod ang ninanais ng dalaga.” Dumating si Sweet sa silid nito at tumambad sa kaniya ang nakahain na mga damit. Sabi niya pa sa sarili nito. “Sino ba ang hindi hahangad sa buhay na meron ako?” Saka sinimula niya nang mag-ayos sa sarili nito. Habang naghihintay ang mga kasambahay nito sa malaking sala ng bahay na pinag-mamayarian ni Sweet ay siya namang pagbubulungan ng mga ito. “Lahat na lang na makikita nito ay parang may mali?” Nakasimangot ng isang babae na matagal nang nagsisilbi sa pamilyang Lim. Tugon pa ng isa, “alam niyo naman si Ma’am Sweet diba?” Pabulong na sabi pa ng kasaahan nito. “Kaya nga walang nagtatagal sa kaniya.” Bigla silang ngumiti. Dumating naman ang isa sa mga matagal nang nagsisilbi sa pamilyang Lim. “Ano naman yung binubulong niyo diyan?” Nang napagtantoo ng mga ito na may oagdiin ang pagsabi ng nakakatanda sa kanila ay agad silang tumayo ng maayos. “Wala po.” Pagtatanggi pa nila na sinabayanana pa nang paggalaw ng kanilang ulo. Pagpupuna naman nang kararating na kasambahay. “Masaya iyan na pinag-uusapan niyo an gating Amo.” Paglilinaw niya pa. Sa hiya ng mga ito ay agad silang humingi nang tawad at na ngayo. “Hindi na po mauulit.” Tamang-tama naman na nagpakita si Sweet sa kanila na nakaayos na. Pagpapansin naman ng dalaga. “Anong kaguluhan iyan?” Tumingin naman sa kaniya yung nagpua sa mga kasamahan nito. “Sinabihan ko lang po sila na marami silang ililigpit.” At ngumiti ito. Bigla niya namang binaling ang atensyon nito sabay bulog sa mga kasamahan niyang kasambahay. “Ano pa ang hinihintay niyo diyan?” Diinan niya pang sinabi. “Isusumbong ko kayo kay Ma’am Sweet o maglinis na kayo.” “Aalis na po kami.” Payukong ulo nilang pagpapaalam. Sa pagdating ni Sweet sa kanilang kinaroruonan ay siya namang pagpasin nito. “Bakit naman nasipagalisan sila?” Agad naman siyang sinabihan ng kasambahay nito. “Nagpaalam lang po sila sa akin na maglilinis pa po sila Ma’am Sweet.” Sinuot naman ng dalaga ang hawak nitong shades. “Ganoon ba?” Napataas kilay ito na ikinabahala ang nagsisinungaling na tagasilbi nito. “Wala ka na bang sasabihin pa?” Naghihintay na sagot ni Sweet sa kaniya. Pinanindigan naman nito ang pagsisisnungaling ng kasambahay. “Wala po, iyon lang po.” Suminghal na hindi nagpapahalata si Sweet. Ganon pa man ay alam na alam ng dalaga kung ano ang nangyayari. “Kailangan ko nang umalis.” Pagpapaalam nito. At nagsimula na siyang humakbang. Hawak ang napakamamahalin niyang bag ay nakabuntot sa kaniya ang dalawang lalaking guard nito. Hindi maalis sa ibang taong nakapalibot sa dalaga na mainggit sa kung ano man ang meron ito. Lalo na sa mga taong magkasing edad ni Sweet. Ganoon pa man may mga nangyayari sa ting mga buhay ang siyang nagiging dahilan kung bakit tayo nagiging maayos. At dahil sa isang tawag ay magbabago ang kung ano ang meron sa ngayon kay Sweet. “Dad, napatawag po kayo?” Sabi niya nang sinagot nito ang tawag mula sa isang taong kahinaan nito. Tumigil siya sa paglalakad. Na kung saan ay nakaharap na ito sa kaniyang napakagarang sasakyan. “Kailangan tayong magkita.” “Magkita po?” Napakunot noo ito. “May mahalaga akong pupuntahin.” Ngumiti pa siya. “Narinig mo naman ang sinabi ko Anak, pumunta ka dito.” “Para saan Da—“ biglang binaba ng Dad nito ang tawag. At nakaramdam nang inis si Sweet sa ginawa ng Dad nito sa kaniya. Diinan niya pang sabi. “Nakakainis! Alam niya namang mag-shopping ako eh!” Nagpipigil ito sa kaniyang galit. Nakatingin sa kaniya ang mga bantay nito at ilang kasambahay. “Pupunta na tayo sa mall ma’am?” Pangungusisa ng kaniyang dryber. “Hindi, doon tayo pupunta sa mansyon ni Dad.” Kahit ang mga kasambahay nito ay nasipagtingan nang marinig nila ang mga katagang iyon na mula kay Sweet. Kahit na iinis ay pinili ng dalaga na sundin ang ninanais ng Dad nito. Agad na siyang pumasok sa kotse nito at sa kabila naman ang kaniyang mga bantay. “Aalis na po tayo Ma’am.” Hindi na napigilan ng dalaga na hindi mainis. Kaya agad nitong hinubad ang shades at tiningnan sa mga mata ang dryber nito na nakatitig sa rare view mirror ng kotseng sinasakyan nila. “Oo naman, ano pa ang hinihintay mo diyan?” Yumuko ang dryber nito sabay sabing, “masusunod po.” At agad na pinaandar ang mamahalin at magarang kotseng pinagmamay-arian ng dalaga. Habang papaalis ang dalaga kasama ang ilang tagabantay nito ay siya namang pag-uusap nila na ay pagkakabahala. “Parang narinig ko na pupunta sila sa bahay ni Chairman Lim?” “Siguradong may importanteng sasabihin sa kanila si Chairman.” Dugtong pa ng isa. “Kasi hindi siya ipapatawag ni Chairman Lim kapag hindi kailangan.” Bulong ng nakakatandang tagasilbi sa bahay ni Sweet. “Kung ano man ang sasabihin ni Chairman Lim ay malalaman din iyon namin.” Sa pag-uusap at paunting pagiingay ng mga kasambahay ay siya namang pagpupunto ng kanilang kasamahan. “Bumalik na tayo sa trabahao. Mahirap nanag mapagalitan ni Ma’am Sweet.” Sinunod naman ng mga kasambahay ang payo ng kanilang kasamahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD