
Bilang bunso sa kanilang magkakapatid, she is a spoiled one. May mga bagay na meron siya na wala kina Honey at Lovely na kaniyang mga ate. Lamang siya sa ganda at hubog ng katawan. Walang kahirap-hirap sa kaniya na akitin ang lalaking ninanais nito. Ganoon pa man may tinatawag silang “exception” kaya gagawin nito ang lahat maakit ang boss nitong si James Carl. Isa sa mga dahilan ni Sweet ay maging magaan ang gawain nito lalo na ang pagiging sekretarya niya. Yung mga utos, gawain at lalo na ang mga bagay-bagay na ipinapagawa sa kaniya na labag sa kaluoban nito ay magiging maayos kapag nakikipagpalagayan ng luob ang boss nito. Ganoon pa man ay may mga balakid na siyang magiging dahilan kung saan ay hindi niya agad-agad na magagawa ang ninanais nito.
The strict boss, iyon ang tawag nila sa bugnutin pero mala-adonis na lalaking si James Carl. Kahit sinong babae ay madaling mahulog sa kakisigan nito, pwera lang sa kaniyang ugaling parang lagpas na ang edad sa kalendaryo na siyang hindi naman. Daig pa nito ang isang matandang lalaki na sa pagiging istrikto ay wala nang kapantay. Kaya sa kaniya ipina-sekretarya ng Dad ng dalaga ang nag-spoiled nitong anak na si Sweet para tumino. Ilang taon rin ang nagdaan bago maka-move-on itong binata sa isang dahilan na kung saan ay iginugol ang sarili sa trabaho na ang pag-ibig ay walang puwang na sa kaniya.
Kaya papasok sa buhay nito si Sweet Lim na magiging sekretarya niya.
Kahit labag ito sa kaniyang kaluoban ay mas minabuti ni Sweet na gawin ang pinapagawa ng Dad nito na maging sekretarya ng isang boss sa kompanyang pinagmamay-arian ng kaniyang Amang Chairman. Noon ay ayaw ni Sweet ang pagiging sekretarya nito. Yung listahan nang inutos ni James Carl sa kaniya ay parang hindi maubos-ubos. Pero kalaunan ay nahuhulog na siya kay James Carl. Hindi lang na nahulog ang luob nito pero meron pa. Na kung saan ay umabot na sila sa puntong pinagsasaluha nila ang gabi na magkasama.
Ano kaya ang mangyayari sa kanilang namumuong pag-iibigan kung ang dating dahilan kaya ayaw na ni James Carl na magmahal ay mangyayari? Yung pagsisinungaling at mapagpanggap.
Paano uusbong ang pagmamahal sa lupang WASAK, DUROG at LANTANG-LANTA?

