
" hindi ka makakatakas sa akin.Hindi dapat patawarin ang isang kagaya mo. Walang kapatawaran ang ginawa mo sa aking apo. Kahit anong gawin mo hinding hindi kita mapapatawad.! galit na galit ang tinig na iyon. Hindi ko alam kung saan at kanino nang gagaling ang boses na iyon. Nang biglang may sumalubong sa akin na isang matandang babae,, mahaba ang buhok na kulot at lumilipad papalapit sa akin.
"Ariel! Ariel!!"
Maya maya ay may naulinigan ako na tumatawag sa akin. Bigla na lang akong napabangon at nang imulat ko ang aking mga mata nakita ko ang aking tiyahin na ginigising ako.
"naku jusko binabangungot ka, sige ang ungol mo dyan. Ang buong akala ko ay hindi ka na magigising kaya natatakot ako Hndi ka na naman siguro nagdasal bago matulog. Hala bumangon ka na dyan at magdasal,,magpasalamat ka sa Diyos at nagising ka pa.
"opo tita" sapat na iyon upang lumabas na sya. Ginawa ko naman ang sinabi nya. Nagdasal at nagpaslamat ako sa nangyari at buhay pa ako. Gumaan naman ang aking pakiramdam
Dahil sa nangyari hindi na ako gaanong nakakatulog. Paghiga ko pa lang sa kama ko ay pumapasok na agad ang bangungot na iyon. Sundan kung ano ang mangyayari sa mga panaginip ni Ariel. Para sa kanya ito ay isinumpang panaginip!

