Inabala ni Sheila ang mga oras niya sa loob ng silid na pinag-iwanan sa kanya ni Anton. Minabuti na lamang niyang magbihis muna dahil nilalamig na siya sa kanyang suot. Pinili niya ang skirt niyang isang pulgada ang taas mula sa kanyang tuhod. Binagayan niya iyon ng plain na t-shirt na kulay puti. Ini-tuck-in niya iyon sa kanyang palda para maayos iyong tingnan sa kanya. Napangiti siya nang makita niya ang hitsura sa malaking salamin sa tokador. Kahit na nasa kwarenta na siya ay maayos niya pa ring nadadala ang sarili sa mga ganoong pananamit. Natigil siya sa pagsusuklay noong marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone na nasa kama. Agad niya iyong kinuha at binasa ang mensahe mula sa kaibigan. Vangie: Susunduin ka na ba namin? Napalabi siya noong mabasa niya ang text ni Vangie. Tumi

