“Ano ‘to, Anton? Paki explain naman sa akin, oh?” nakataas ang kilay na tanong ni Sheila kay Anton noong makarating na sila sa guest room. Nakakrus ang dalawa niyang braso sa harap ng kanyang dibdib. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na ipinakilala siya nito bilang nobya sa nanay nito. Eh mukha pa namang mataray. Nakatayo silang dalawa sa gilid ng kama. Ang maleta niya ay nasa dulo ng kama. Ayaw pa nga sana silang iwan ng nanay nito ngunit nagpumilit si Anton dahil kaunti na lang ay mayroon nang lalabas na kutsilyo sa talas ng mga tingin niya rito. Kailangan niya ng eksplenasyon! Huminga nang malalim si Anton. “I’m sorry. I’ll explain everything.” “Umpisahan mo na!” Napapikit nang mariin si Sheila noong magtaas ang kanyang boses. Bumuntonghininga siya at muling dumilat. “P

