Hindi na mapakali si Sheila mula nang malaman niya na andito si Anton sa Samar. Matapos niyang kumain ng tanghalian ay nagpunta siya kay Vangie. Pabalik-balik siya sa loob ng tindahan nito habang kagat-kagat ang dulo ng daliri. “Pwede ba? Maupo ka nga muna at ako ay nahihilo sa ‘yo!” reklamo ni Vangie habang nakatingin sa kaibigan. Hindi na kasi siya makapag-concentrate sa pagtatakal ng mantika. Bumuntonghininga si Sheila at na upo sa tabi ng kaibigan. “Vangie, ano’ng gagawin ko? Andito siya!” “Alam mo. Kanina mo pa ‘yan sinasabi sa akin pero hindi mo nababanggit kung sino ba ‘yan. At kung bakit hindi ka mapakali riyan.” Napakamot sa ulo si Sheila. Hindi pa nga pala niya nababanggit sa kaibigan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Anton. Umalis lang siya sa bahay niya dahil ayaw si

