“J-Jessa, magpapaliwanag ako,” nanginginig ang boses na sabi ni Sheila. Nagmamadali siyang lumapit sa kanyang anak na si Jessa. Akma niya itong hahawakan ngunit umatras ito habang inihaharang ang mga kamay. Nalilitong ipinagpalit-palit nito ang mga tingin sa kanilang dalawa ni Anton. Tinapunan niya ng nagsusumamong tingin si Anton. Hinihiling niya na h’wag itong magsalita. “Anton? Ano’ng ginagawa mo rito?” puno ng pagtatakang tanong ni Jessa kay Anton. Pagtapos ay tumingin siya sa kanyang ina. “Ma? Magkakilala kayo?” Huminga nang malalim si Sheila. “A-Anak. Hindi. Ano.” Naluluhang tiningnan niya si Anton. “A-Andito siya para kausapin ka.” “What?” gulat na sabi ni Anton. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at hindi makapaniwalang tiningnan si Sheila. “’Di ba? Anton?” sabing muli ni

