Chapter 19

1545 Words

Napasandig si Sheila habang nakatitig sa pintong sumara. Pinagkrus niya ang mga braso. Hindi siya papatalo sa dalawa, pero hindi niya alam kung bakit na iinis siya bigla. Wala naman kasing sinabi sa kanya ang binata kung bakit siya nito gustong magpanggap na girlfriend nito. Pero ngayon ay mukhang alam na niya. Tapos ni hindi manlang nito iyon na banggit sa kanya. Tumayo na siya at iika-ika pang naglakad papunta sa banyo. Noong nasa loob na siya ay doon lamang niya na alala ang sinabi ni Anton. Akala ko ba best friend niya ‘yong Kelly Ann? So, itong Kelly Ann ‘yon? Gusto silang ikasal ng nanay niya? aniya sa kanyang isipan. Lumapit siya sa tabi ng lababo at tumitig sa salamin. Haggard na haggard pala talaga ang hitsura niya. Malayo sa babaeng ‘yon. Napailing si Sheila. Kagiging lang siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD