Matapos mag-usap nila Sheila ay bumaba sila ng hotel. Gusto raw kasing kumain sa restaurant ng nanay nito kaya pinagbibigyan nila. Pumunta sila sa isang seafood restaurant at buffet type pa. Agad na natakam si Sheila noong makita niya ang mga alimasag at hipon sa kanilang lamesa. “Mom, are you sure? Dala mo ba ang maintenance mo?” nag-aalalang tanon ni Anton. Tumango si Matilda. “I’m fine, hijo. Nag-order na rin ako ng pagkain para sa akin.” Tumingin siya kay Sheila. “How about you, Sheila? Wala ka pa bang maintenance? Kaya mo ba ‘to?” Natigil sa pagpapantasya sa pagkain si Sheila noong tawagin siya ni Matilda. “Maintenance? Ito?” Itinuro pa niya ang pagkain. Tumawa nang mahina si Sheila. “Ayos lang ako, ano ka ba? Kahit ako pa ang umubos ng mga ‘yan,” puno ng kumpyansang sabi niya.

