“What? Marion naman. I really want to go to Boracay,” nakakunot ang noo na sabi ni Matilda. Bumuntonghininga si Marion at napakamot sa ulo. “I’m sorry, darling. This is really urgent,” aniya at nagmamakaawang tiningnan ang asawa. Nagpalinga-linga si Sheila sa mag-asawang nasa kaniyang harapan. Kitang-kita niya ang panlulumo sa mukha ni Matilda. Masama na ang mga titig nito sa asawa at kulang na lang ay saktan ito. Tumayo si Anton na nakaupo sa tabi ni Sheila. Pumagitna siya sa mga magulang. “Mom, dad. Pag-usapan muna natin ‘to, okay? Calm down, guys,” sambit ni Anton. Bahagya pa niyang itinulak ang dalawa upang mapaglayo. Iniikot ni Matilda ang kanyang mga mata. “So, what we’ll gonna do now? Andito na tayo sa airport. We can’t just go home.” “I can’t let this go, darling. We must

