Makalipas ang isang oras ay nakarating sila sa Boracay. Dumeretso sila sa hotel na pinag-reserve-an ni Anton. Ini-cancel na rin nila ang isang kwarto dahil wala na rin naman ang mga magulang nito. “Alam mo, dapat hindi mo na ini-cancel ang isang kwarto,” ani Sheila habang inililibot ang tingin sa paligid ng silid. Malaking kwarto ang kanilang nakuha, kasya para sa dalawang tao. Malaki rin ang kama na nakapwesto sa pinaka gitna ng silid. Putting-puti ang kobre kama na nakabalo doon, mayroon pang mga talulot ng mga rosas sa kama. Lumapit si Sheila sa malaking bintana sa gilid. Napangiti siya noong matanaw niya ang malawak na karagatan at ang puting-puting buhangin sa dalampasigan. Minsan lang siya makarating sa beach dahil masyado siyang abala sa pag-aalaga sa kanyang mga anak. May malap

