Tumakbo si Sheila papunta sa banyo at doon sumuka. Noong malaman niyang si Anton ang ex-boyfriend ng kanyang anak ay nakaramdam siya ng pagbaliktad ng sikmura dahil sa halo-halong emosyon. Noong makaraos siya ay sandali pa siyang natulala habang nakatingin sa salamin na nasa kanyang harapan. Hanggang sa unti-unting kumawala ang mga luha sa kanyang mga mata. Nasapo niya ang kanyang bibig at nanginginig ang mga tuhod na naupo sa toilet bowl na nakababa ang takip. Doon niya ibinuhos ang sama ng loob na kanyang nararamdaman. Si Anton ang lalakeng minahal ng sarili niyang anak. Si Anton na ilang buwan na niyang nakakausap online. At ngayon ay nakaniig pa niya at naging nobyo na. Si Anton. T4ngina! Ano ‘yon?! hindi makapaniwalang sabi niya sa kanyang isipan. Sa dinami-raming lalake sa mundo ay

