“Anton? Ano ‘yon? Sino ba ‘yong Remuel na ‘yon? Bakit niya sinabi ‘yon sa akin?” sunod-sunod na tanong ni Sheila kay Anton. Nasa loob na sila ng cottage nila. Matapos nilang kumain ay bumalik sila roon dahil bigla raw sumama ang pakiramdam ni Anton. Nakaupo siya sa kama at si Anton naman ay naninigarilyo sa veranda. Nakatalikod ito sa kanya at nakatanaw sa karagatan. Hindi ito tumugon kay Sheila kaya naman tumayo na siya upang lapitan ito. “Anton!” “What?!” singhal ni Anton kay Sheila. Salubong ang kilay nito at matalas ang mga tingin na ibinigay sa dalaga. Bahagyang napaatras si Sheila noong sumigaw si Anton. Halos maputol na ang mga litid nito sa leeg. Bahagyang na iawang ni Sheila ang kanyang bibig at hindi makapaniwalang tiningnan ito. “Teka. Nagtatanong lang ako sa ‘yo, ha? Bakit

