Halos manigas na ang leeg ni Sheila habang nakatingin sa malilit na bundok sa isla. Hindi kasi siya makatingin kay Anton na nagsasagwan sa kayak na kanilang sinasakyan. Papunta sila sa secret lagoon dito sa Miniloc. Maliit iyon na dagat-dagatan, at kaya tinawag na secret dahil papasok pa sila sa isang kweba bago iyon marating. Hindi niya kasi makalimutan ang sinabi ni Anton kanina noong kumakain sila. Oo, masyado na siyang matanda para kiligin pa sa simpleng banat nito. Pero hindi niya mapigilan ang sarili. Ngayon lang kasi siya ulit nakarinig ng mabubulaklak na salita. Hindi niya inakala na makalipas ang ilang taon ay maaapektuhan pa rin siya ng mga salitang gano’n. “Sheila?” Halos mapalundag na si Sheila noong marinig niya ang boses ni Anton. Dahan-dahang humarap si Sheila kay Anto

