Pinagmasdan ni Sheila ang sarili sa harap ng malaking salamin sa banyo. Pupunta kasi silang dalawa ni Anton sa secret lagoon dito sa isla. Secret kasi mapapasok lang ang dagat-dagatan. Nakasuot siya ng itim na crocheted two-piece bathing suit. Pinatungan na lamang niya ng sarong sa may ibabang part niya at hinayaang nakalugay ang mahabang buhok. Noong masiyahan na siya ay lumabas na siya ng banyo. Na abutan niya si Anton na nakatayo sa veranda at nakatanaw sa malawak na katubigan. Nangunot ang noo niya noong makita niyang may umuusok sa gilid nito. Nagsisigarilyo pala siya? tanong niya sa sarili. Hindi niya kasi ito nakitang nanigarilyo noong una silang nagkasama. “Anton,” tawag niya rito. Napakislot naman ang binata at agad na lumingon sa kanya. Ngumiti ito at saka pasimpleng pinatay an

