Tanghali na noong makarating sila Sheila sa Miniloc Island sa El Nido, Palawan. Maliwanag na ang paligid noong sila ay magising kaya hindi sila agad nakaalis. Mabuti nga at medyo na kakaya na ng katawan ni Sheila si Anton. Bagamat mahapdi pa rin ang kanyang pw3rta ay nakalalakad na naman siya. “Wow! Kaya pala mas gusto mong pumunta rito, ha?” manghang-mangha na sabi ni Sheila habang nakatanaw sa veranda ng kwartong inupahan ni Anton. Pinili nito ang kwarto na tanaw ang karagatan ng Palawan. Puting puti ang kobre kama ng higaang nakatapat sa veranda. Ang sarap sigurong matulog doon tapos bukas ang pinto ng veranda. Mula sa cabinet at mga sofa na may foam sa ibabaw ay gawa sa rattan. Pinaghalo ang moderno at gawang kamay sa mga kagamitan dito. Ngumiti si Anton. “I love sea and nature.” I

