CHAPTER 68

2708 Words

Ilang araw na ang lumipas, pero hindi pa rin nagbabago ang init ng pakikitungo sa kanya ni Morris. Nalilito ang puso ni Lyrica, pero gusto niya pa ring panindigan ang binuo niyang desisyon noong ituloy niya ang pagdadalangtao—na hindi niya kailangan si Morris sa buhay nila ng mga bata. Gayunman ay totoong nahihirapan siya at nahahati ang kalooban niya, dahil sa ipinapakita ni Morris sa kanya, at sa kambal. Alam niyang ang orihinal at dating Morris ay walang damdamin at bato ang puso. Na malamig ito at wala itong inaaksayang oras sa pakikihalubilo o pakikipag-usap sa mga tao. Hindi ito nagbibigay ng importansya sa ibang tao na para rito ay walang halaga. Pero nakikita niyang pilit na binabago ni Morris ang sarili nito. Alam niyang hindi madali para rito ang ginagawa. Alam niyang hirap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD