Napabaling uli ako sa lalaking nag da-drive. Kahit medyo madilim, I can see that he's a good looking guy. His slender eyes were pitch black, and his nose were perfectly shaped, so as his jaw and chin were perfectly sculpted. Napakunot ang aking noo. I think I saw him somewhere else but I couldn't really tell. Pero sa kanyang hitsura, hindi naman 'ata siya isang hired driver.
I stop thinking about the driver when another thought came to my mind again. Kaya ba maraming bodyguards si Kuya dahil natatakot silang singilin ng pinag-utangan nila? Ibig sabihin sila yung humahabol sa 'min kanina lang? Napa-iling ako. Kung may bodyguards kami, edi may pera pa ang pamilya namin?
I let out a long sigh before finally clearing my thoughts. "Fine," napahalukipkip ako.
The car slowed down. Papahinto kami sa harap ng isang semi-concrete na bahay. I crossed my legs and gazed at the man who's still looking very pissed. "I will deal with you, then. Mag-usap tayo ng masinsinan." I said fully determined. "I won't file a case against you for k********g me. Let's compromise." I straighten up.
Binalingan ko uli siya ng tingin. My brows raised when I notice how he's sharply looking at my exposed thigh. Nakakunot ang kanyang noo habang masama itong tinitigan. Tumikhim ako at pasimpleng inayos ang aking upo at ang aking roba.
Huminto ang sasakyan. Lumabas ang driver at sumunod din ang lalaking ku-mid-nap sa 'kin. Napadungaw uli ako sa labas ng bintana. The rain had stopped and we are outside a semi-concrete house. May parte ang bahay na gawa sa amakan ang dingding at nipa ang bubong. Yung ibang parte naman ay naka tiles at semento na. Wala rin akong nakikitang kalapit na kapit-bahay. Seryosong nag-uusap sa labas ang dalawang lalaking estrangherong nagdala sa 'kin dito.
My heart began to pound. Tama ba itong desisyon ko? Can we really come up with a compromise?
Teka lang, when he went inside the hotel room he told me he misses me? He even kissed me!
Ano naman ang ibig sabihin nun? He also called me Sheena and no one calls me by that name. Posible kayang nagkamali siya ng hotel room na napasukan kanina? Nagkamali siya ng nakidnap at wala talaga kaming utang sa kanya?
Napatuwid ako ng upo at nagmasid sa paligid. Dapat na ba akong tumakas ngayon?
My Mom, Dad, and Kuya Rashid might have been so worried right now, and my son...
Nanubig ang aking mata. He might have been so scared after waking up in bed without me by his side. But I have to deal with this insane man first. Kung may utang man talaga kami ay dapat mabayaran 'yon ng walang labis at walang kulang. I just really think he went overboard. He's pulling a risky stunt. Baliw na siguro talaga siya dahil kinidnap pa niya ako. He should've just simply filed a case on our family for not paying our debt. Ngayon ay na-ipit na rin siya, and my family is surely looking for me right now.
Nabalik ako sa wisyo nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan. Bahagya pa akong napaatras ng yumuko yung kidnapper para masilip ako. "Let's go," he said in a husky tone.
"Lucian, babalik ako sa makalawa para balitaan ka." I heard the driver. Pumasok na rin ito sa loob ng sasakyan. So his name is Lucian.
Napatikhim ako bago pabaling na tinignan ang aking paa at ang maputik na daang aking aapakan. Wala ako kahit na tsinelas man lang. Now, I'm so worried because the only piece of clothing that I have is my bathrobe. Ni kahit underwear ay wala ako. Nakagat ko ang aking labi habang nasa malayo ang aking tingin. My foot was about to step into the muddy soil pero halos mapatili ako sa gulat ng biglang hinaklit ako ni Lucian at kinarga sa kanyang bisig. Sa gulat at takot ko na mahulog ay awtomatikong pumalupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg.
"P-put me down. Kaya ko namang maglakad ng naka-apak lang. Hindi naman nakakamatay ang putik." nag-iwas ako ng tingin. I am feeling so awkward right now.
"I'll go now," napalingon ako sa lalakeng naka-upo na ngayon sa driver seat. The car engine roared back to life.
Nilingon niya kami at pinasadahan ng tingin. The smirk on his face just tells how satisfied he is with the view he's looking at. "It's nice to see you again, Sheena," he said before his eyes went up to Lucian. He smirk. Gulat akong napatingala kay Lucian, he's smirking back to him too.
What's with the f*****g smirks? Nagkakaroon na ako ng mini-heart attack sa mga pinagkikilos nila. Tumahimik ang paligid nang umalis ang sasakyan at tanging ang tunog lamang ng mga kuliglig ang maririnig.
I shiver when I felt the cold air on my skin. Napayuko ako nang bumaba ang tingin ni Lucian sa 'kin. I can't stare at his eyes. It feels too heavy for me to take it all. But nonetheless, I have never felt this safe and comfortable on someone's arms or maybe my mind and body are just exhausted from all of the things that have just transpired today.
"We're home," he whispered.