Simula ng nag-imbestiga ako noong nakaraan lagi ko na minamatyagan ang mga pulis na baka kasangkot sa pagkamatay ng dalawang suspect na namatay nitong nakaraan, palitan kami ni Russ. Kinontak ko din ang ibang kasamahan namin na na-assign sa ibang pulitiko mukhang tahimik pa sila malakas kasi talaga si Congressman wala pa mang pasahan ng kandidatura ay sikat na sikat talaga siya.
Kinontak ko ang kasamahan ko na may access sa mga information ng mga pulis at itong tatlong pulis na minamanmanan ko ay dating pulis Maynila at nalipat dito ng may gawing katarantaduhan may mukhang padrino sila sa taas dahil hindi sila natanggal bagkus ay nilipat lang sila.
Andito ako ngayon presinto kung saan naka-duty ang tatlo ngayon, paghatid namin kay Congressman kanina sa condo agad akong sumibat ng nakapasok na siya sa kwarto niya. Andito ako nakapark sa hindi kalayuan nakita kong lumabas ang dalawa, bumaba ako kaagad ang maingat na sinundan sila na naglalakad sa hindi kalayuan sa presinto. Agad akong nagtago sa puno na nasa dilim.
Agad kong ini-on ang voice recorder ng cellphone ko, nagsindi ang dalawang pulis ng yosi nila at nagkwentuhan. Ganito ang gawain nila tuwing ganitong oras lumalabas at nagyoyosi pero hindi sila nagsasabay na tatlo laging dalawa lang.
"Nakuha mo na ba ang pera?" tanong ng isang pulis.
"Oo pre, nabigay ko na nga kay misis yung iba. Yung iba binigyan ko si Lou, tuwang tuwa ayon nakabuong araw akong putok hahaha."
"Malupit, mukhang pera din yang kabit mo eh basta may pera bigay na bigay."
"Oo naman pre, sulit naman pre ang kinis ni Lou eh walang kamantsa mantsa."
"Hanapan mo nga rin ako ng katulad niyan pre, medyo umay na ako kay misis."
Napailing ako sa pinaguusapan nitong dalawa, mga babaero!
Pakiramdam ko ang pera na sinasabi nila ay galing sa kung sino man ang nag-utos sa kanila. Lagi kong hinihintay na mabanggit nila ang pangalan pero hindi ko matyempuhan.
"Meron siyang mga tropa pero dapat handa ka, mga mukhang pera din yun mga yun. Kailangan lagi tayo may raket."
"Medyo mahirap pag madalas tayong may raket pre baka masakote tayo bigla ayaw ko naman mawala sa serbisyo, palamig muna tayo."
Wala na ako iba pang nakalap na information after nila magyosi ay pumasok na sila sa presinto. Kaya umalis na rin ako, ala una na rin ng madaling araw. Saglit lang ang byahe ko at nakarating din agad ako sa condo.
Nagulat ako pagbukas ko ng pintuan ay andito sila lahat sa sala at sabay sabay na napatingin sa akin.
"Saan ka galing?" agad na tanong ni Congressman.
"May inasikaso lang po ako."
"Sino si Tyler?" seryosong tanong ni Bon.
Tumaas ang gilid ng labi ko, pambihira tong lalaki na to hindi na nakamove-on kay Tyler. Lagi na lang sinusulsol sa akin na si Tyler ang kasama ko pag umaalis ako. Hindi ko pwede sabihin sa kanya ang imbestigasyon namin ni Russ masyadong sensitibo.
"Opo may problema po ba?" pang-iinis ko sa kanya.
Hindi na nakasagot si Congressman tumayo ito at pumasok ng kwarto niya.
"Bakit andito kayo?" tanong ko sa tatlo na mukhang antok na.
"Pinatawag kami ni boss may lakad daw siya. Pero dalawa lang daw isasama niya para makapagrestday yung iba."
"Eh di kayo na, may aasikasuhin pa kasi ako."
"Kami nga pinagrerestday ni Jorge." sagot ni Lucas.
"Ah so kami ni Russ ang sasama?"
"Tama, magdala ka na ng damit sa resthouse daw nila tayo pupunta, beach waahh excited na ako." ani Russ.
"Ikaw na lang Jorge sumama." udyok ko sa kanya.
"Si boss na ang nag-decide saka para may time naman kami ni misis."
"Ikaw Lucas?"
"Restday ko talaga Andy uwi ako sa Nanay ko birthday niya."
"Okay sabi ko nga."
"Andy!" si Congressman kakalabas lang ng kwarto nito, may dala na itong bag. "Mag-ready ka na ng mga damit doon tayo sa resthouse namin for two days."
"Okay po wait lang po ah." pumasok na ako sa kwarto ko ang tumingin ng pwede kong dalhin dami ko pa naman labahan, paguwi ko na lang ako maglalaba.
"Russ, saan ba talaga nagpupunta yan si Andy? Every night ba yan naalis?" tanong ni Congressman.
"Hindi ko po alam Congressman eh, may inaasikaso daw po siya mahalaga." nagkibit balikat lang si Russ para mukhang makatotohanan na wala siyang alam.
"Totoo bang nagpupunta dito yung Tyler?" pati sila Lucas at Jorge ay napakibit balikat lang wala naman sila alam, hindi na sila nalabas ng unit pagkauwi nila from work.
Ilang minuto lang ay lumabas na si Andy at may dalang backpack, andito na rin ang gamit ni Russ kaya nagyaya na si Bon umalis. Nagyaya kasi ang kapatid niya na si Thor na pumunta sa resthouse nila sa Batangas kasama ang girlfriend na niya na si Cham.
Pagdating nila sa bahay ni Thor ay nasa kwarto pa daw ang mga ito, sinama niya sila Russ at Andy sa kusina para magkape. Kung kelan naman nagkape si Andy parang tinamaan siya ng antok.
"Inaantok ka na?" nagulat si Andy ng mahuli siya ni Bon na pilit na nilalakihan ang mga mata niya.
"Hindi pa naman nag-eexercise lang ako ng mga mata ko."
"Paano imbes na matulog nakikipag-date pa ng gabi." ungot ni Bon, napahawi na lang si Andy sa buhok niyang nakatali at lihim na napa-iling. Tinignan siya ni Russ na nakangiti, isa pa tong praning eh.
"Wala po akong time sa umaga kaya sa gabi na lang." pinanindigan na lang ni Andy ang paratang ni Congressman ang kulit eh paulit ulit na lang sa pagbibintang. Eh di maki-ride na lang sa trip niya.
"Hindi naman pwede yung ganon paano yan puyat ka paano mo magagampanan ang trabaho mo ng maayos." balik na komento ni Bon, sinunod sunod naman ni Andy ang pag-inom niya ng kape.
"Bro." buti na lang dumating ang kapatid ni Congressman at sila na ang nag-usap. Andito na kami sa kotse si Russ ang magmamaneho katabi niya ako at ang tatlo si Congressman, Thor at Cham nasa likod.
Umidlip muna ako hindi na kaya ng powers ko ginising na lang ako ni Russ ng malapit na kami sa pantalan, agad kong pinagbuksan ng pintuan ang mga nasa likod at kinuha namin ang mga gamit nila may naghihintay na sa amin na isang malaking bangka.
Pagbaba namin sa bangka ay hindi ko maiwasan ilibot ang mga mata ko sa paligid ang ganda dito, nag-iisa lang ang malaking bahay na resthouse nila Congressman dalawang palapag ito na napapaligiran ng mga puno sa paligid, ang ganda rin ng puting buhangin.
Pumasok na kami lahat sa loob at sabay sabay na nag-almusal, ang daming pagkain pero hindi ko magawang kumain ng madami inatake na naman ako ng antok. Pagkatapos namin kumain ay naunang umakyat sila Thor at Cham sa taas, umiinom naman ng tsaa si Congressman napadami daw kasi ang kain niya tinulungan ko si Manang maglagay ng mga pinagkainan namin sa dirty kitchen.
"Andy." tawag sa akin ni Congressman sumunod siya dito sa dirty kitchen.
"Po."
"Wag mo na tulungan si Manang magpahinga ka na mamaya na lang tayo magswimming, sasamahan kita sa guest room."
"Okay sige po, Manang mauna na po ako ah. Salamat po sa masarap na pagkain."
Nauna si Congressman maglakad papunta kami sa living room andon kasi ang mga bag namin, wala si Russ ng bumalik kami sa kusina naglibot libot siguro. Unang kinuha ni Congressman ang bag ko at sinunod ang bag niya.
"Akin na po bag ko." inaabot ko na ang bag ko pero nilagay na niya ito sa balikat niya.
"It's okay ako na bahala. Tara na." wala ng nagawa si Andy kaya sumunod na lang siya. Madaming kwarto sa taas, sa bandang kanan sila dumeretso.
"Dito ang kwarto ko, dito sa katabi ang guestroom na pwede mong gamitin." binuksan ni Bon ang pintuan ng guestroom at pumasok silang dalawa, mas malaki to sa kwarto niya sa condo, maluwag ang kama at may maliit na veranda ito na nakatapat sa karagatan.
"Kumpleto na dito Andy, may mini ref diyan i think may laman na din to." pinuntahan ni Bon ang mini ref at chineck. "Pati sa banyo lahat ng kailangan mo andiyan na rin, pwede mo na ilagay mga gamit mo dito sa aparador may mga towels na din diyan."
"Okay po salamat po." umalis din kagad si Congressman, agad ako nagpalit ng damit hindi ko na kaya kaya humiga na ako. Nagising ako sa sunod sunod na katok.
"Andy." si Russ ang tumatawag, tinignan ko muna ang relos ko alas dose na pala. Nag-unat unat muna ako bago tuluyang tumayo.
"Susunod na lang ako ah maliligo lang ako saglit." sinilip ko lang si Russ at sinara na ulit ang pintuan.
Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin, gulo gulo ang buhok ko. Kinuha ko ang bagong toothbrush na nakita ko at agad na nagtoothbrush after that ay naligo ako ng mabilisan lang.
Pagbaba ko ay si Congressman lang at si Russ ang nakita ko sa dining area.
"Nakatulog ka ba ng maayos Andy?" agad na tanong ni Congressman pagkaupo ko pa lang.
"Opo."
"Good." maikling sagot ni Congressman, tahimik lang after that si Russ nagcecellphone pati si Congressman nagsisimula na maghain si Manang kaya tumayo ako at tinulungan siya. Nang makita ko na parating na sila Thor at Cham ay agad kong inilabas ng bahagya ang upuan ni Cham at inalalayan ito maupo.
After namin kumain ay nagyaya sila Congressman na lumabas sa veranda nila naglabas ng chess board si Bon at alak. Binigyan naman kami ng baraha para maglibang kasama ni Cham, nakakatuwa dahil kahit palima lima eh nanalo ako ng 100 pesos sa lucky nine. Past three ng hapon nang magyaya si Cham na magswimming na, pinilit niya ako sumama sa taas sa kwarto niya pahihiramin daw niya ako ng masusuot.
Andito na kami sa kwarto nila, umasim ang mukha ko ng makita ang mga swimsuit na pinakita niya sa akin.
"Hala mam hindi po ako nagsusuot ng ganyan." tanggi ko ng may inabot siya sa akin.
"Why not. Tignan mo ang ganda kaya ng hubog ng katawan mo for sure mas lalabas ang kasexyhan mo dito. Bagay itong yellow sayo oh." inikutan niya pa ako para tignan ang kabuohan ko.
"Hindi ko talga kaya yan mam."
"Eto may short naman ako dito isuson mo na lang pleaseee. Pagbigyan mo na ako." nakita ko na lumungkot ang expresyon niya ng pilit kong tinatanggihan ang alok niya.
"Mam hindi ko talaga kaya to." hinatak ko niya ako papunta sa banyo at binigay ang two piece at ang maong short.
Nang maisuot ko na ang binigay ni Cham hindi ako komportable sobrang ikli, hindi ako nagsusuot ng ganito.
"Mam ang ikli sobra makikita na pwet ko." reklamo ko sa kanya paglabas ko ng banyo. Buti pinahiram niya ako ng sando hindi ko kaya lumabas ng ganito.
Habang naglalakad kami pababa sige naman ang hila ko sa short ko literal na short to eh. Napapikit muna ako bago tuluyang lumabas papuntang veranda. Nahihiya ako.
Paglabas namin busy ang mga boys sa pag-iihaw at sa pag-shot. Lumapit na kami walang nagsasalita sa kanila mga nakatingin lang sila sa amin.
"Lovey ligo na tayo." yaya ni Cham kay Thor.
"Mauna na kayo ni Andy susunod na lang kami." sagot nito.
Lumapit sa akin si Congressman na kanina pa nakatingin, napasinghap ako ng isang pulgada na lang ang layo niya sa akin.
"Wow! Bagay pala sayo ganyan Andy you surprise me big time." hindi ako makatingin ngayon kay Congressman, kaya napatingin na lang ako kay Cham.
"Let's go Cham ligo na tayo." hinila ko na si Cham palayo. Ilang beses ako napabuga ng hangin sa bibig ko ng makatalikod na kami sa kanila. Ang lakas ng t***k ng puso ko grabe.