bc

My Badass Bodyguard

book_age16+
1.4K
FOLLOW
12.7K
READ
like
intro-logo
Blurb

When a famous, jaw dropping, bachelor Congressman meets an astig well trained bodyguard na may pusong lalaki at mas matikas pa sa kanya. She needs to make sure na palaging safe ito, but how come she wasn't able to guard her heart when that is her job in the first place.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Two hundred three" "Two hundred four" "Two hundred five" "Two hundred six" Hingal na hingal na bilang ni Andy habang nagjujumping rope 500 counts niya ito gagawin. Kakatapos niya lang ng 150 sit-ups at 150 push up. Eto ang routine niya tuwing paggising sa umaga pagkatapos magkape ay diretso na siya sa pag-eehersisyo. Nakaleave siya ngayon kakatapos lang ng last mission niya with her team at naghihintay naman siya ng bagong utos sa kanya ng chief nila. "Two hundred seven" "Two hundred eight" "Two hundred nine" Tagaktak na ang mga pawis niya sa mukha pati ang sandong itim ay basang basa na rin ng pawis. "Sisterretteee, luto na ang breakfast lafang na us." yaya ng kapatid niya na si Apolinario. "Hindi pa ako tapos sandali na lang." she said in between her breathe. "Tom jones na daw si Tatay." "Give me 10mins." mas lalo niyang binilisan ang pagjujumping rope para matapos na ang 500 counts. Pagkatapos niya sa ginagawa ay agad siyang pumunta sa kwarto niya para magpalit ng damit. "Andresa ilang araw ang leave mo ngayon?" tanong sa kanya ng Tatay niya pagkaupo niya pa lang. "Tatlong araw lang po pero magrereport pa rin ako sa headquarters." Si Andresa at ang Tatay niya ay parehong pulis, retired na nga lang ang Tatay niya samantalang siya ay isang inspector dito sa Cebu. Bente sais pa lang siya pero ang bilis ng promotion niya dahil sa sipag at galing nito sa bawat mission na binibigay sa kanya lahat ito ay successful at masasabi na malaki ang ambag niya sa team nila. "Sister kashokot yung last mong mission ah ilan nga ba yung nabawas sa inyo?." naalala na naman ni Andy ang huling tagpo niya sa ibang kasama nang nagkaroon ng engkwentro sa lugar kung saan nila hinahunting ang mga member ng isang kilalang terrorista sa Visaya na nagpasabog sa isang kilalang Mall sa Cebu. "Lima." mahinang sambit niya. "Bakit kasi sumasama ka sa mga ganyang mission sister delikado." nag-aalalang sabi ng kapatid niya. "Apolinario yan ang sinumpaan namin tungkulin sa bansa, hindi kami pwede mamili kung saan kami ilalagay, malaki ang tiwala ko diyan kay Andresa ewan ko nga kanino nagmana yan sobrang galing proud na proud ako sayo anak lagi mong tatandaan yan." "Tay Andy" "Tay Apol" sabay na reklamo nga dalawa, ayaw na ayaw nila kasi binabanggit ng buo ang mga pangalan nila. Iba rin kasi ang trip ng tatay nila puro bayani ang mga pangalan nila, ang tatay nila si Marcelo, ang late na nanay nila na sumalangit nawa ang kaluluwa ay si Melchora, ang panganay na anak ay si Apolinario na mas gusto ang tawag na Apol dahil siya ay isang magandang dilag at si Andresa hindi siya pwedeng tawagin na Andresa pag hindi kayo close dahil makakatikim ka ng sapak,she likes it better if its Andy pang gwapong pangalan, wala na kasi maisip na ibang bayani ang nanay niya noon kaya ginawa na lang Andresa ang Andres Bonifacio. Pagkatapos kumain ay naligo na si Andy, isang itim na hapit na maong at white tshirt lang ang sinuot niya tinuyo muna ang mahabang buhok bago itinali. "Tay aalis muna ako punta lang ako headquarters." "Oh siya magiingat." Chineck niya muna ang kanyang motor at nang makita na okay lahat ay nagsuot na siya ng helmet at ng kanyang jacket at gloves. "Maniquiz magandang umaga!" bati ng katrabaho niya pagpasok ng istasyon, ito ang kasalukuyang nakatoka sa helpdesk ng istayson. "Magandang umaga din Pilar, andiyan na ba si Chief?" "Oo kakarating lang, tignan mo na sa opisina niya." "Good morning Chief." Agad na bati niya sabay saludo pagpasok ng opisina nito. "Good Morning din Maniquiz have a seat." "Itatanong ko lang sana Chief kasi okay na daw ang mga burol kailan kaya tayo pupunta sa lamay?" "Mamayang gabi tayo sumabay ka na sa akin, batch by batch ang gagawin natin kasi madami ngayon ang nagpapatrolya since meron pang iilan na nakatakas pinapaamin na namin ang mga nahuli natin pero mukhang matitigas walang gusto magsalita." "Chief willing ako sumali ulit sa pagtugis ng iba pang nakawala, kahit bukas din papasok na ako." "Hindi na Maniquiz freeze ka muna may dumating sa akin na request sa Maynila at isa ka sa napupusuan na ilagay doon." "Huh Chief ang bakit ang layo? Maynila?" "Oo kailangan nila ng taga ibang lugar dahil ang suspetya nila ay may mga kasabwat sa loob ng pulisya sa Maynila at hindi pwede pagkatiwalaan kaya gusto nila ay galing sa probinsya." "Ah i see." maikling sagot ni Andy. "Medyo magulo ngayon sa Maynila pero lihim lang ito, hindi binabalita, naka news block pero madaming pulitiko ang involve ngayon." "Pulitika kahit saan naman magulo yan chief." "Willing ka ba mare-assign?" "Walang problema chief, kahit saan ako pwede. Lam mo naman ako, wala akong inuurungan." "Yun nga lang mawawalan kami dito ng isang magaling, ipapahiram ka muna namin. Well malalaman mo sa makalawa kung tuloy okay. Magkita na lang tayo ng alas sais para makadalaw sa mga pamilya ng nawalan." "Andy." nilingon ko ng tumatawag sa akin paglabas ko ng opisina ni Chief. Si Russell Trono ang isa sa mga kasama ko sa last mission ko. "Yes Trono ano yun?" "Nabalitaan mo na ba? May ililipat sa Maynila?" tumango lang ako. "Sana mapili ako, matagal ko ng gusto makapunta ng Maynila." "Okay na ba yang braso mo?" nakatingin ako sa nakabendang braso niya. "Oo naman wala to sisiw, mga ilang araw lang pwede na tanggalin ang benda. Ikaw yung mga sugat mo?" "Ayos lang mababaw lang naman." mga sugat lang dahil sumasabit sabit sa mga sanga ng puno at mga bato pag nakadapa kami ang mga natamo kung nitong nakaraan na ekwentro namin. Bukod don medyo sumakit lang ang likod ko dahil yung isa kung kasama binuhat ko hanggang sa makita namin ang ambulansya. "Sige Trono aalis muna ako." Pumunta muna ako sa banko magwiwidraw ako ng pwede kong iabot sa mga namatayan, tuwing naalala ko ang mga tagpo na unti unting nalalagutan sila ng hininga ang naiisip ko ay ang mga pamilya nila. Lalo na ang naging buddy ko, si Kuya Victor i tried to save him pero wala sa tiyan siya tinamaan ng bala apat pa naman ang anak niya. Ayoko mang pumatay pero pag kami na ang nasa binggit kailangan na rin gumanti, apat din ang nabaril ko noong araw na yun hindi ko sila pinupuruhan yung saktong hindi lang sila makakagalaw pero may napuruhan akong isa at nadeclare na dead on the spot. Siya yung bumaril kay kuya Victor. Pagkatapos ko magwidraw ay umuwi muna ako para makapagpahinga, hindi rin kasi ako makatulog minsan ng maayos pag gabi, pag galing ka kasi sa engkwentro minsan kahit nakapikit ka putok ng baril pa rin ang maririnig mo. "Tay gusto mo bang sumama dadalaw kami sa burol ng mga namatay kong kasamahan?" yaya ko kay Tatay pagising ko ng alas kwatro. "Sige sasama ako." naligo lang ako ng mabilis pati si Tatay at agad na kaming umalis. "Retired SPO4 Maniquiz ikinagagalak kita na makitang muli." bati ni Chief kay Tatay. "Magandang hapon Chief, masaya din akong makitang kang muli." ani Itay at sumaludo dito. "Mamaya ay kakausapin kita tungkol dito sa magaling mong anak." Nakarating kami bago magala-sais sa burol, sama sama dito ang limang namatay. "Andy." lumingon ako sa tumawag sa akin sa gilid si Ate Lina ang asawa ni Kuya Victor. NIyakap niya ako ng sobrang higpit sabay humagulgol. "Wala na si Victor hindi ko alam ang gagawin ko." napakagat ako sa labi ko pilit kong pinipigilan ang maiyak. "Salamat nga pala Andy kasi kahit hanggang sa dulo hindi mo pinabayaan si Victor, kahit babae ka binuhat mo pa rin siya at pilit na sinagip. Mabuti kang tao Andy maraming salamat." "Ate eto lang ang kaya ko itulong sa ngayon, gamitin mo kasama ng makukuha mo magtayo ka ng tindahan ng negosyo i will try to help kung kaya ko in the future sa ngayon eto lang ang kaya ko. Alam mo naman hindi naman ganon kalaki ang sahod namin." "Naku malaking tulong to Andy, buti may kaibigan na katulad mo si Victor." "Mr Maniquiz." "Yes Chief." "Bumaba na ang utos na may ililipat sa Maynila na kinseng tao ko dito at kasama si Inspector Maniquiz." "Talaga Chief magandang balita yan para may bago siyang experience. Walang problema sa akin, malaki ang tiwala ko sa anak ko na makakayanan niya kahit anong ibigay sa kanyang task. Proud ako diyan sa anak kong yan." "Mabuti naman sa ganon, aalis na sila sa makawala kasama pa ng iba."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Possessive Best Friends

read
97.6K
bc

The Billionaire's Ex Girlfriend

read
140.8K
bc

Chased By The Billionaire

read
12.6K
bc

The Thunder Wolves MC - Lizzy (Book #5)

read
40.2K
bc

My French Teacher Claims I'm His Mate

read
1.2M
bc

Hanging Out With The Bad Boys

read
184.4K
bc

My obsession

read
94.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook