Chapter 2

1589 Words
"Sisterette mamimiss kita." ani Apol ang kuya ni Andy, tinutulungan siya nito magimpake ng mga dadalhin niya papuntang Maynila mamayang madaling araw ang alis nilang team nila. "Kayo din ng tatay mamimiss ko." "Gaano ka ba katagal don?" "Walang sinabi ibig sabihin pwedeng mabilis lang pwedeng tumagal kami doon depende sa sitwasyon ng mga pulitikong hahawakan namin." "Meron na bang naka-assign sayo? Para masearch ko naman ang feszung malay mo fafable, pwede mo ako ireto davah?" "Tumigil ka nga Kuya, paghusayan mo yang propesyon mo makakasira lang ang lalaki sa trabaho mo." kung siya ay isang pulis ang nakakatandang kapatid naman niya ay isang public teacher sa senior high sa kanilang siyudad. "I know i know pero masaya kasi may lovelife eh, may inspiration may perspiration charot you know masarap mainlove. Palibhasa ikaw no jowa since birth kaya you dunno how love works." Tinignan ko ng masama ang kuya ko, infairness naman sa kanya kahit maharot ang kuya ko never naman siya nagpabaya sa pag-aaral niya noon pati sa trabaho. He can handle both, pero hindi nga lang nagwowork at natatapos sa hiwalayan. "Dapat pagbalik mo dito may jowa ka na ah. Mashonda ka na, kukunat ka niyan pag hindi ka pa lumandi." "Ano ba pinagsasabi mo, hindi hanap jowa ang gagawin ko sa Maynila ah trabaho, tungkulin okay." "Wateva napakaseryoso lagi sa buhay paano dadami ang lahi ni Tatay pareho tayong taliwas. Kalerkey!" "Ikaw kaya ang makakapagparami sa lahi ni Tatay ikaw ang lalaki, ikaw ang kumilos na. Wag mo na ako idamay." "No comment, sige na magpahinga ka na ingat ka don ah seryoso ako. Maynila yun hindi mo kabisado, wag ka magtitiwala sarili mo lang ang pagkatiwalaan mo. Hindi mo lang alam, lagi kumakabog ang dibdib ko sayo mahal na mahal kita sisterette ingatan mo sarili mo ah umuwi ka ng buo dito." "Eh bakit ka umiiyak?" asar ko sa kanya. "Kasi nga seryoso na ako. Mahal na mahal kita kapatid, ikaw lang ang kapatid ko ayaw kong mawala ka sa amin ah. Please ingatan mo sarili mo." niyakap ako ng kuya ng sobrang higpit, hinagod ko ang likod niya dahil malakas na ang hikbi niya. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin, hindi ako maiyak dahil tinuruan kami kung paano maging bato, dahil kung magiging mahina kami baka ito ang ikapahamak namin. "Salamat kuya wag ka mag-aalala lagi akong ginagabayan ni inay ramdam ko yun kaya hindi niya ako pababayaan na mapahamak. Ipagdasal mo lang ako palagi at pangako uuwi ako dito ng buong buo." Maaga ako nagising at nagtimpla kaagad ng kape bago maligo, gising na rin si Tatay ihahatid niya kasi ako. "Tay kape." inabutan ko siya ng tasa niya. "Salamat anak, wala ka na bang nakalimutan?" "Wala na po Tay, kumpleto na lahat." "Mabuti naman hindi ka na ba kakain?" "Hindi na tay, may pagkain naman siguro doon sa eroplano." Bago pa lang ng call time sa airport ay andito na kami ni Tatay, halos kumpleto na rin kami dito kahit isang oras pa ang hihintayin namin sa flight namin. "Maniquiz magandang umaga." bati sa akin ni Russ. "Trono ganon din sa iyo magandang umaga." Lahat kami ay napatayo sa pagdating ni Chief at sabay sabay kaming sumaludo. Lahat kami ay nakacivilian kasama rin ni Chief. "Katulad ng napagusapan natin ng nakaraan, ito ay isang secret mission bukod sa pagbabantay niyo sa mga pulitikong hawak niyo ay kailangan niyo din alamin kung sino ang utak ng mga death threat ng mga nakaupong pulitiko ngayon. Sa akin lang kayo magrereport at wala ng iba, tanging ang Director lang may alam nito dahil nga wala na siyang mapagkatiwalaan don. Mainit na balita kanina lang patay na ang isang congressman sa papanambang." Seryoso lang kaming nakikinig kay Chief. "Mainit ang pulitika ngayon dahil mageeleksyon na sa susunod na taon. Sa ngayon inaasahan namin kayo na babantayan niyo ng mabuti ang ma-aasignan niyo nakasalalay na sa mga kamay niyo ang kaligtasan nila. Nagkakaintindihan ba tayo team?" "Sir Yes sir." mahinang sambit namin. "Salamat kayo ay mag-iingat." "Anak." tawag sa akin ni tatay pagkatapos ng maikling meeting namin. "Tay." "Malaki ang tiwala ako sayo ah, wag ka papasilaw kung may mangdemonyo sayo doon. Gawin mo ng malinis at bukal sa loob mo ang trabaho mo okay? Magiingat ka palagi lagi mo ako tatawagan babalitaan mo ako okay?" "Opo naman tay, lam mo naman mana ako tay tapat ako sa trabaho ko sa responsibilidad ko. Hinding hindi ko po kayo ipapahiya pangako." Nag-anunsyo na kailangan na namin pumilia sa departure area. "Tay mag-iingat din kayo ni Kuya ah." habilin ko kay Itay at tuluyan ng naglakad palayo sa kanya. "Maniquiz ako ang katabi mo." ani Trono. "Okay walang problema, kaya lng wag ka maingay ah kasi matutulog ako." inunahan ko na siya makulit kasi to si Trono at madaldal pa. Hinanap ko ang earphone ko at isinuksok sa tenga ko sabay pindot ng play sa music app sa celphone ko at pinikit ko na ang mga mata ko. Napilipit ko ang daliri ni Trono dahil ilang beses niya ako kinalabit. "Aray naman Maniquiz mapanakit ka talaga eh. Ginigising ka lang eh." namumutla siya ngayon sa sakit. "Alam mo naman diba ayaw kong hinahawakan ako, pwede mo naman ako tawagin ng walang hawak hawak na nagaganap." "Nakalimutan ko lang excited na kasi ako." Andito na kami sa baggage area. "Maniquiz kami na magdadala ng mga bag mo." presinta nila Cruz at Reyes. "Mukha na ba ang akong lumpo? Para hindi ko mabibit tong mga bag ko?" seryosong tanong ko sa kanila habang nakatingin sa kanila. "Hindi naman Maniquiz concern lang syempre ikaw ang princesa namin dito, ikaw lang ang babae sa team." "Walang princesa dito, lahat tayo ay mga kawal at wag na wag niyo akong ituring na babae kaya ko sa sarili ko." saktong ang bag ko na ang lumalabas sa scanner. "Sabi nga namin, ikaw kasi Cruz ang kulit mo alam mo naman yan si Maniquiz ubod ng taray." Hindi ko na sila pinansin at nagsimula na maglakad sa may waiting area namin makikita ang representative ng agency na mapupuntahan namin, kailangan maghiwahiwalay na kami kasi iba-iba ang susundo sa amin hindi pwede na makita na magkakakilala kami. Pagdating sa waiting area ay agad kong hinanap ang placard na may pangalan ng agency na papasukan ko. Kasama ko si Russ. "Ayon sila Maniquiz." turo ni Russ ng makita niya ang placard ng agency namin. "Magandang umaga kami po yung nirefer para pumasok sa agency niyo." si Russ na ang nanguna. Pinakita niy ang id niya sa amin katunayan na taga security agency siya. "Halika na! Diretso na tayo sa magiging boss niyo, nasabihan naman na kayo diba doon na lang sa opisina ng boss niyo ang ibang instruction." Puro si Russ lang ang sumasagot nakikiramdam kasi ako sa paligid at sa mga kasama namin na sumundo sa amin. "Congressman ang magiging boss niyo, swerte niyo at mabait ang mapupuntahan niyo yung iba mga strikto." "Ikaw." Tingin niya sa akin. "Sigurado ka bang kaya mo tong pagbobody guard?" "Wala ako dito sa harap mo kung hindi." Diretsang sagot ko. Natawa siyang parang hindi totoo at tinignan si Russ. "Iba rin tong babae na to ah." "Ano bang mga alam mo?" "Hindi ka ba nagbasa ng endorsement paper namin?" "Ah hindi kaya ko nga tinatanong." Mukha na siyang napipikon kumukunot na kasi ang noo niya. "Too many to mention sir hanapin mo na lang para may thrill." Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at tumingin na lang sa labas. Tawa siya ng tawa na may tono ng pang-aasar. Si Russ na lang ang kinausap niya. Andito na kami sa destinasyon namin. Nasa pangatlong palapag daw ang opisina ng congressman. Pinag aaralan ko na ang bawat lugar na madaanan namin. Pagdating sa ikatlong palapag ay dumeretso na kami kagad sa opisina ni congressman. Sakto lang ang dating namin dahil kakarating lang din nito. May mga security sa labas bago kami pumasok ay siniyasat muna nito ang mga dala namin pati narin kinapa ang buong katawan namin. Nang okay na ay pinapasok na kami. "Good morning Congressman." Nakatalikod ito habang may kausap sa kanyang celphone. Sumenyas ito ng sinasabi na sandali lang pero nakatalikod pa rin. Base sa imahe nitong nakatalikod isang matangkad, katamtamang katawan na lalaki ito. "Magandang umaga din Julio kasama mo na ang mga bagong bodyguard ko?" Pinagaralan ko ang itsura ng nakaharap na Congressman na ngayon. Singkit ang kanyang mga mata, makapal ang kilay na bumagay sa kabuoan ng mukha niya matangos ang ilong makinis at may kaputian ang mukha nito. "Andito na ang dalawa pang karagdagan Congressman." "Sila na ba yan? May babae?" Nakita kong gumuhit ang pagkagulat niya sa ekspresyon ng mukha niya. "Magandang umaga Congressman" sabay na bati namin ni Russ. "Magandang umaga din, hindi nabanggit sa akin na may babae akong bodyguard. Sinend na ba sa akin ang endorsement paper sa aking email?" "Yes congressman pakicheck na lang po." Sagot ni Julio. "Okay Julio walang problema ako na bahala sa kanila." "Sige po Congressman ako po ay mauuna na." "Anong pangalan niyo?" Tanong ni Congressman. "Russell Trono po." "Andy Maniquiz po Congressman." "Anong totoong pangalan mo Andy?" "Andresa po Congressman." Nagtaka ako bakit natawa siya ng pagak. "What a coincidence ah, by the way siguro naman alam niyo na kung sino ako but to be fair i will still introduce myself. I'm Bonifacio "Bon" Manlapas. Andresa i'm Bonifacio." Kaya pala siya natatawa pag pinagsama pangalan namin parang yung bayani na. Okay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD