Sinabi ni Congressman na siya muna ang magbriefing sa amin, pinaupo na niya kami at seryoso lang akong nakatingin sa kanya.
"Andresa and Russ, alam niyo naman siguro bakit andito kayo?" umpisa ni Congressman. Kumunot ang noo ko, hindi ko talaga gusto na tinatawag ako ng Andresa lalo na kung hindi ko naman ito close.
"Yes Congressman." sabay na sabi namin ni Russ.
"Halos araw araw may narereceive ako na death threat mapatext, sa condo, dito sa opisina. Ang kailangan ko ngayon ay mga mapagkakatiwalaan sa kaligtasan ko, simula ng masabi ko sa karamihan ang interes ko tumakbo sa susunod na halalan dahil matatapos na ang termino ng kasalukuyang Mayor ngayon ay nagkaron na ako ng mga ganitong banta kasama pa ng ibang mga nagsabi rin na gusto rin nila tumakbo."
"Gusto ko lang makasiguro na kakayanin niyo, dahil maaring buhay niyo ang nakasalalay dito. Teka lang bubuksan ko lang ang endorsement paper niyo para makita ko ang mga training niyo." nakuha ang atensyon ni Bon sa sobrang daming training ni Andresa.
"Andresa, totoo ba to na madami kang training about self defense." hindi lang tatlong klase ang alam niya, kundi anim na klase.
"Yes Congressman Bonifacio." napatingin siya sa akin ng banggitin ko din ng buo ang pangalan niya, gusto niya buong pangalan eh di ibigay.
"At sa firing naman wow totoo to, madami kang kayang gamitin na klase ng baril."
"Tama po." maikling sagot niya.
"Nakakamangha, pag hindi ako busy ilagay natin yan sa schedule ko kailangan maging bihasa narin ako sa paghawak ng baril. Gusto ko makita ang kakayanan mo."
"Magaling tong partner ko Congressman, hindi kami mapapahiya sayo." tinignan ko si Russ sana magets siya na wag masyadong madaldal baka mamaya kung ano ano na makwento niya.
"Bukas wala akong pasok pwede tayo pumunta ng martial arts studio ng friend ko. Titignan ko ang kakayanan niyong dalawa."
"Okay po." sagot ni Andy.
"Sa ngayon wala akong lakad, dito lang ako sa opisina. Pero normally everyday meron akong meeting everyday at session sa senado, marunong ba kayo magdrive?"
"Yes Congressman." sagot ng dalawa.
"Pareho kayong may lisensya?"
"Yes Congressman."
"Ano ano kayang niyong idrive?" Naunang sumagot si Russ.
"Ikaw Andresa?"
"Two wheels hanggang 18 wheels congressman." seryosong sagot ko, pero natawa si Congressman.
"Babae ka ba talaga? Bakit ang dami mong alam."
"Siguro naman po mukha akong babae sa paningin niyo Congressman, buo naman ang mga kamay ko, katawan ko ang binti at paa pati na rin ang paningin ko. Kaya wala pong imposible sa taong gustong matuto." seryosong sagot ko at tinignan siya ng diretso sa mga mata niya.
"Ah okay sabi ko nga, hindi lang ako makapaniwala until i see it probably with my two eyes."
"Okay Congressman walang problema."
Hindi siya sumagot may tinawagan siya sa cellphone niya, pagkababa niya pa lang ng celphone niya ay pumasok na ang security niya na nasa labas kanina.
"Jorge ikaw na bahala sa iba pang kailangan nilang malaman, ipaready mo na rin ang mga kailangan nilang gamit yung tube earpiece, yung radyo mga uniporme nila at mga baril. Doon mo na lang sa condo ibigay, siya nga pala doon kayo titira sa same floor ng unit ko sa condo, kailangan ko kayo 24/7 kaya doon kayo titira, apat kayong bodyguard ko nakarestday lang yung isa."
"Copy Congressman." isang malaking mama to si Jorge, nasa 6'4 ata ito at bulto bulto ang mga muscles.
"Oh siya lumabas muna kayo ako ay magtratrabaho na."
Merong maliit na mesa dito sa labas ng opisina ni Congressman at mga upuan.
"Ako si Jorge Luntian pakisabi din ang buong pangalan niyo."
"Russell Trono."
"Andy Maniquiz."
"Okay eto ang mga sim card niyo, dual sim naman siguro ang celphone niyo ano? Dito kasi tayo tatawagan ni Congressman sa tuwing may kailangan siya."
Inabot ko ang sim card at binuksan ito kaagad, kinuha ko ang cellphone ko at nilagay na ito sa sim 2.
"Pahingi ako ng mga number niyo." sabi ko.
"Bale since alas diyes na, pwede na mag first break ang isa sa inyo 25mins hindi tayo pwede sabay sabay dapat may dalawang laging nakabantay kay Congressman.
"Pwedeng ako muna?" si Russ.
"Sige go ahead. Ikaw Andy sumunod sa kanya."
"Okay, gaano ka na katagal nagtratrabaho kay Congressman?" tanong ko.
"Ako ang kauna unahang bodyguard niya nag-iisa lang ako noon, simula ng maluklok siyang Congressman ako na ang nasa tabi niya."
"Okay." nagmamasid masid ako kung ano meron dito sa ikatlong palapag, may ibang mga opisina dito sa ibat ibang sangay ng munisipyo pati opisina ng mga konsehal.
"Andy anong size ng uniform ang gusto mo at ang size ng paa mo?"
"Medium lang okay na saka size 7."
"Kakausapin ko pa si Congressman kasi isa lang ang kwarto sa condo unit natin. Ang mangyayari baka ikaw ang nasa kwarto at kami sa labas."
"Ganon ba sige balitaan mo ako, kahit naman sa labas pwede na ako."
"Hindi naman pwede syempre babae ka pa rin."
"Okay salamat sa concern, ikaw na lang bahala magsabi." naglakad lakad ulit ako at sinisilip ang mga bintana ng mga opisina ng iba. Para malaman ko kung anong departamento ba ang mga andito.
Pagdating ni Russ ay umalis na ako kagad, kailangan malibot ko ang kabuoan nitong building ang mga pasikot sikot. Mas madali na marami akong alam sa pasikot sikot dito dahil hindi natin masasabi pag nagka emergency alam ko saan ang pwede namin daanan or taguan.
Pumasok ako sa fire exit at napagpasyahan na bumaba sa pangalawang palapag, andito pala ang malaking canteen nila. Bumili lang ako saglit ng tinapay at softdrinks at nagpatuloy na naman sa paglalakad.
Dito sa pangalawang palapag mas madami ang mga tao kumpara sa pangatlong palapag andito kasi ang PESO kung saan makikita ang mga iba't ibang hiring na trabaho at ang opisina ng mga public attorney.
Pati sa first floor ay nag-ikot ikot ako pero kinulang na ako ng oras hindi pa ako nakakalahati. Hinanap ko ang fire exit at patakbong umakyat sa third floor.
"Bakit hingal na hingal ka?" puna ni Russ pagdating ko.
"Tinakbo ko mula first floor."
"Okay nag work out ka na naman."
"Sige ako naman magbrebreak ah." paalam ni Jorge. Tumango lang ako sa kanya.
"Saan ka nanggaling ng break mo?" tanong ko kay Russ.
"Hinanap ko yung canteen gutom na ako eh. Nga pala libre pagkain natin dito, hindi ko alam eh nagbayad ako sayang."
"Okay maganda makakatipid." komento ko.
"Eh ikaw ? hulaan ko naglibot ka noh? Kulang 25mins para malibot to ang laki laki."
"Madami pa namang ibang oras at least may idea na ako."
Dumating na din si Jorge, tahimik lang kami tinatamad na ako magsalita.
"Team." si Congressman.
"Yes Congressman."
"Maaga ako mag-oout may dadalawin ako sa hospital. Be ready at 3pm mag early lunch na kayo isa isa."
"Copy boss."
Dumating na ang alas tres at lumabas na si Congressman sa opisina niya.
"Jorge! Ibigay mo kay Andresa ang susi siya ang magmamaneho ngayon."
Agad na hinagis sa akin ni Jorge ang susi. Isang Range Rover na bulletproof ang kotse ni Congressman, nakapagdrive na ako nito sa Cebu ng naging security ako ng may dumating na mayamang negosyante galing Japan.
"Andy merong google map location tracker yan so hindi ka mahihirapan na hanapin ang destinasyon natin."
"Salamat Jorge alam ko na gamitin to. Congressman ano pong pangalan ng hospital."
"Pakinahanap muna ako ng malapit na flower shop at fruit stand."
"Copy boss." sagot ko.
Pagdating namin sa Hospital sikat si Congressman dahil ang daming bumabati sa kanya at nagpapakuha ng litrato kasama siya medyo natagalan kami dahil kahit sa emergency roon kami dumaan ang daming tao pa rin.
Ako ang umalalay kay Congressman ng makarating kami sa kwarto ng pasyente. Dala ko ang boquet ng bulaklak at isang basket ng prutas.
"Magandang hapon po, ako po si Congressman Manlapas kamusta na po si Cham?"
"Magandang hapon din ako ang kapatid niya ako si Myles, at ito ang nanay at tatay namin."
"Magandang hapon po, ako ay agad na napasugod dito ng malaman ko ang nangyari kay Cham ikinalulungkot ko na naaksidente pala siya."
"Salamat sa pagdalaw Congressman, oo nga po medyo napuruhan ang ulo ng anak ko hindi pa siya gumigising."
Pinagmasdan ko ang babaeng nakaratay sa kama, ang kapal ng benda nito sa ulo niya may mga sugat din ito na sariwa pa sa mukha nito. Maganda siya kahit madaming mga sugat ang mukha niya.
"Ah manliligaw po ako ni Cham." lumabas na ako hindi ako interesado sa chismis ng buhay ng boss ko.
Tumagal din ng isang oras sa loob si Congressman after that ay may sa isang restaurant ang pinuntahan namin.
May kinita itong isang babae, matangkad at maputi mukhang modelo. Paglapit pa lang nito kay Congressman ay sinunggaban na siya ng babae ng halik.
"Dito na lang kayo sa parking." utos ni Congressman.
"Copy boss."
"Lupit ni Congressman ang ganda non ah." bulong ni Russ.
"Wag ka na magkomento sarilinin mo na lang." sabi ko.
"Masanay na kayo kay Congressman, lapitin kasi ng babae."
Nagkibit balikat na lang ako. Ganon talaga mga lalaki, babaero. Dalawang babae ba naman ang kinita niya ngayong araw. Ayos!