Hindi ako nag-alarm ngayon since sabado eto ang araw na gusto ko magpahinga pero maaga pa rin ako nagising 7am pa lang at hindi na ako makatulog ulit , nagpunta muna ako sa banyo ko para maghilamos at mag damit since normally pag nasa kwarto lang naman ako boxers lang talaga ang sinusuot ko.
Paglabas ko ng kwarto ko wala si Andy, baka tulog pa siya kaya pumunta ako sa kwarto niya at kinatok ang pintuan pero walang sumasagot ko hinawakan ko ang doorknob at bukas ito sinilip ko lang sa maliit ng uwang ng pintuan kung andito ba siya pero wala siya sa kama niya malinis na ang higaan niya sinara ko na ang pintuan at naglakad papuntang living room ng biglang nagbukas ang pintuan ng pintuan ko ang niluwa nito si Manang Biday kasama si Russ at Lucas.
"Asan si Andy?" agad na tanong ko sa dalawa.
"Kasama po ni Jorge sa gym."
"Ang aga ah."
"Opo maaga po nagigising yun 6am po gising na siya pero 6:30 siya pumunta sa amin naghahanap ng gym. Kaya ayun sinamahan ni Jorge." sagot ni Russ.
"Okay Manang patimpla ng kape, magkape na rin kayo diyan. Mamaya na tayo umalis after lunch papunta sa martial arts studio."
"Copy po boss." sagot ng dalawa.
Inabot na sa akin ni Manang ang kape ko . "Diyan muna kayo ah, may pupuntahan lang ako."
"Hindi niyo na po kami kailangan?" tanong ni Lucas.
"Pupunta lang ako gym andon naman sila Jorge, magluto ka na agahan Manang gusto ko kanin."
"Sige Sir, papuntahan ko na lang po kayo pag luto na." ani Manang.
Dala dala ko ang kape ko na nagpunta sa gym nasa ground floor ito ng condo building.
"Good morning Congressman." bati sa akin ng mga nakakakita sa akin sa ground floor. Lahat sila ay nginitian ko lang.
Malaki ang gym namin dito kumpleto ng mga exercise machine, pinagbuksan ako ng guard ng gym. "Good morning Congressman." bati nito at dinaluhan ako hanggang sa loob.
"Hi Congressman, mage-exercise po ba kayo ngayon?" tanong sa akin ng receptionist ng gym.
"Later magkakape muna ako."
"Sige po Congressman just call me po if gusto niyo na po para makatawag ng coach po to assist you."
"Okay no problem." sa sobrang laki nitong gym hindi ko makita sila Jorge at Andy pa kaya naglakad lakad muna ako. Si Jorge ang una kung nakita na nasa punching bag at sinunsuntok suntok ito habang pinapaikutan ito. Nakita ko si Andy sa hindi kalayuan nasa treadmill ito, nakaleggings na black ito at black na malaking tshirt. Ambilis ng takbo ng treadmill niya pero parang balewala lang sakanya saktong sakto ang mga paa niya sa takbo ng treadmill.
Pinagmamasdan ko lang silang dalawa pareho silang mabilis ni Jorge sa mga ginagawa nila, nang matapos ang treadmill session ni Andy ay lumipat naman ito sa katabing stationery bike. Parang hindi man lang napagod tong babae na to don sa treadmill niya dahil ang bilis din niya magpedal sa bike pinagmasdan ko ang mukha niya para siyang nagsasalita habang nagpepedal, nagbibilang siguro siya.
"Congressman upuan po?" napalingon ako sa nasa gilid ko isa sa mga coach dito.
"Salamat ah."
"Jorge." may hinagis si Andy kay Jorge pagkatapos nito sa stationery bike.
"500 counts tayo." ani Andy kay Jorge may hawak na sila parehong jumping rope.
"Ang dami naman 200 lang." hirit ni Jorge.
"Ikaw na bahala kung ilan kaya mo. Game."
"Okay ikaw na madaming energy." nagbilang si Andy ng 1-3 at nagsimula na silang magjumping rope, iba ang bilis ni Andy iniiba iba pa niya ang ikot ng rope sa mga kamay niya kung nakabente na bilang na si Andy si Jorge sampu pa lang ata.
"One hundred fifty six" bilang na ni Andy.
"Eighty four" bilang ni Jorge, natawa ako ng mahina baka marinig nila ako, natutuwa pa naman ako panoorin silang dalawa.
Hindi ko mapigilan mapanganga, sa sobrang bilis ni Andy. Para siyang walang kapaguran.
"Three hundred ninety four." bilang na ni Andy.
"Two hundred thirty two. Naku pagod na ako." napaupo na lang si Jorge at kita ang hingal sa paghinga nito.
Pero si Andy patuloy lang sa pagbibilang. Hinihingal din siya pero masigla pa rin siya habang tumatalon.
"Grabe ka, ang dami mong energy hirap na ako sa mga ganyan malaki na kasi katawan ko." ani Jorge pagkatapos ni Andy magjumping rope. Nilahat ni Andy ang kamay niya para tulungan si Jorge tumayo.
"Dapat malakas pa rin ang stamina mo boy, hindi natin masasabi kelan tayo mapapasabak kailangan ready ka sa mga unexpected na sitwasyon bawal ang mahina bawal ang mabagal isang maling galaw mapapahamak tayo." seryosong sabi ni Andy kay Jorge.
"Tama ka don, wala ako masyadong time kasi mag-gym." sagot ni Jorge.
"Ganito everyday gigising ka ng maaga than usual, tutulungan kita bawal yang mga hinihingal hingal na yan kailangan mo din magdiet ng kaunti para hindi ka hirap sa katawan mo."
"Sige Andy, salamat ah."
"Hindi kasi sapat na marunong ka lang bumaril, magself defense dapat malakas din katawan mo lalo na sa matagalan na bakbakan. Hindi natin dapat minamaliit ang death threat, lalo na talagang pumapatay sila."
"Totoo salamat ang astig mo talaga. Idol."
Nagpunta naman sila sa sit up bench. "Oh ikaw muna ilang count kaya mo?" tanong ni Andy kay Jorge.
"Fifty?" nag-aalangan na sagot ni Jorge.
"One hundred." hirit ni Andy.
"Hala ang dami. Try ko."
"Kaya mo yan! Go."
Si Andy ang nagbibilang hirap si Jorge nasa forty five pa lang.
"Suko na ako Andy sakit na ng tiyan ko." Umupo na nang tuluyan si Jorge.
"Okay naka sixty five ka, bukas kayanin mo na ang one hundred ah."
"I will try. Ikaw naman oh." pumuwesto na si Andy sa bench.
"Bilangan mo ako 250 counts." nakita kong nanlaki ang mga mata ni Jorge.
"Sige sige, ang dami mo sigurong abs."
"Hahaha secret go bilang na."
Napapailing na lang ako sa babaeng to, hindi ko na nga napansin na malamig na pala ang kape ko hindi ko na naubos kakapanood sa kanilang dalawa.
"Two hundred twenty eight."
"Two hundred twenty nine." bilang pa rin ni Jorge.
"Congressman." napalingon ako sa tumawag sa akin si Lucas kasama si Russ pero dumeretso si Russ kay Andy.
"Andy Jorge, andiyan si Congressman hindi niyo nakita?" narinig kong sabi ni Russ, napatayo tuloy ako ng walang sa oras.
Hindi pa tapos ang 250 counts at mabilis na tumayo si Andy kinuha nito ang towel na nakasukbit sa likod niya at nagpahid ng pawis niya.
"Congressman good morning." bati ni Jorge, sumunod naman si Andy.
"Boss morning. Kanina pa po kayo andiyan?" ani Andy. Napaiwas ako ng tingin ng saglit, nahiya ako bigla.
"Oo nagkakape lang ako nanonood lang ng mga nag-e exercise."
"Hindi niyo kami tinawag boss." tanong ni Jorge.
"Okay lang wala naman akong kailangan nanonood lang talaga ako."
"Nga pala Congressman luto na po agahan."
"Let's go sabayan niyo na ako kumain."
Umakyat na kami nakatingin sa amin ang mga taong lahat na madadaanan namin. Nilingon ko si Andy, nagpupunas pa rin ito ng pawis sa mga braso niya at leeg napatingin siya sa akin at nahuli akong nakatingin sa kanya kaya agad akong tumingin ulit sa harap.
"Sabay sabay na tayo mag-agahan." sabi ko sa mga bodyguard ko, kadalasan naman pag restday ko gusto ko may kasabay naman kumain.
"Quick shower lang po ako sobrang bilis lang po." paalam ni Andy at tumakbo na ito sa kwarto niya, si Jorge din pumasok muna sa unit niya para magpalit.
Pumunta na kami sa dining area nila Russ at Lucas, nagsimula ng mag-ayos ng mesa si Manang.
"Sir juice din po ba maghahanda ako?"
"Yes manang pineapple juice."
Yung sinabi ni Andy na quick shower literal na ang bilis niya nga. Nakabihis na ito ng jogging pants na gray at malaking tshirt na white, sabay nakapulupot ang twalya nito sa ulo nito.
"Sorry natagalan ako." nagpaumanhin pa ito. Ni hindi pa nga tapos si Manang sa paghahanda wala pa atang 10minutes.
Ang kilala kong mga babae, 30minutes ang pinakamabilis na ligo.
She's starting to really amaze me.