"Russ! Where is Andy!?" agad na tinawagan ni Bon ang bodyguard ng may natanggap na mensahe na kababasa niya lang nanginginig kamay niya habang hawak ang telepono. "A-Ahh boss hindi po ba hindi namin siya kasama." nagtataka na sagot ni Russ ng tumawag bigla si Congressman eh kakausap lang nila ito isang minuto pa lang ang nakakalipas. "Umamin ka sa akin Russ!" hindi na napigilan na sumigaw ni Bon. Napatingin naman sila Lucas at Jorge kay Russ dahil naririnig na rin nila ang boses ni Congressman. "B-Bakit po ba boss?" naguguluhan na tanong ni Russ. "May nagtext sa akin hindi ako natutuwa Russ kaya ngayon pa lang umamin ka na. Nasaan si Andy?!" "Boss may lakad po kasi siya hindi ko po alam saan." kahit si Russ ay biglang kinabahan hindi niya rin kasi makontak si Andy. Hindi rin ito

