After magbanyo ni Andy ay dumeretso na sila ni Russ pabalik sa party. "Andy." tawag ni Russ sa kanya hindi na kasi siya nito pinansin pagkalabas nito sa restroom. "Wag mo na ako kausapin kung aasarin mo lang ako nakakairita pagmumukha mo kanina mo pa ako tinatawanan sarap lamutakin niyang mukha mo eh.." inis na sagot ni Andy. "Concern lang naman ako partner, hindi naman kita aasarin to naman pikon agad. Syempre si Congressman yan ibang level ba, anong pakiramdam na may gusto siya sayo?" nilingon siya saglit ni Andy at sinamaan ng tingin si Russ. "Ano ba dapat maramdaman ko? Wala naman, hindi ako pumunta dito sa Maynila para maghanap ng boyfriend. Trabaho pinunta ko dito, para naman hindi mo ako kilala." `"Hmm so hindi mo pala bet si Congressman akala ko naman babae ka na." nanghih

