PROLOGUE
Papasok palang si Esa ng eskinita ng kanilang bahay upang umuwu galing sa kanyang eskuwela nang may marinig syang sumusigaw.
"H-huwag"
Di pa man niya nililingon ito ngunit kilala nya na ang nag mamay ari ng boses na iyon. Di na rin bago sa kanya ang pang yayaring iyon
"A-aray"daing ulit nito.
Ng lingonin niya ito ay nakita niya ang mga kabataang ginugulpi ang isang lalaki sa gilid ng kalsada na walang iba kundi si noy.
"HOY!"sigaw ni Esa sa mga kabataang sumasapak kay noy.
"Diba sinabi ko na sa inyo na wag na wag nyo na syang gagalawin?"pagalit na saad nya ng malapitan nya na ito.
Napatingala naman sa kanya ang mga kabataang sa tingin nya ay trese anyos lamang ito.
Esa POV.
"P-pasensya na ate, pero ang kulit kasi nya. Sinabihan na nga namin sya na huwag syang pupunta sa puwesto namin pero matigas talaga ang ulo nya"sabi ni atong na hinihingal padin dahil isa siya sa mga sumapak at tumadyak kay noy.
Talaga anong ulo atong?
Muntik ko ng itanong yan kaso naalala ko mga bata pa pala sila.
Mayghad Esa umayos ka.
"A-aray, g-gutom"napabaling tuloy ako ng marinig ko ang daing ni noy.
At doon ko na nakita ang lagay nya. Gusot gusot ang damit na may bahid na ng mga dugo, putok ang kilay at bibig. Bahagya akong nakaramdam ng awa sa itsura nya.
Salubong ang kilay ko ng ibalik ko ang tingin kila atong. Ilang beses na nila itong ginagawa kay noy. At di ko alam kung sinasadya din ba nitong noy na to ang huwag lumaban.
"Hindi nyo ba naisip na mas matanda pa yang ginugulpi nyo?!"tanong ko sa kanila at namutla naman sila.
Hahablutin ko na sana ang damit ng isa sa kanila na nakita kong sumapak sa mukha ni noy ng bigla silang nag takbuhan.
Mga punyetang to habulin sana kayo ng mga asong baliw.
Hahabulin ko sana sila ng marinig ko ulit si noy na dumadaing kaya't dinaluhan ko nalang ito upang maka tayo.
"G-gutom"sabi nya ulit na ang ibig sabihin ay nagugutom sya.
Sa edad na disi otso ay nakakatawa man para sa inyo pero totoong para parin syang bata kung kumilos at mag isip.
Si Noy ay matagal ng palaboy laboy dito sa amin. Isa siya sa mga namamalimos at madalas din pagdiskitahan ng mga taong nahanginan ang utak.
Mabait din siya at matulungin. Nakilala ko siyang wala ng pamilya at diko din alam kung saang lugar siya nang galing.
"Sumama ka saken, gagamutin ko yang sugat mo bago ka kumain"sabi ko sa kanya.
Dahil alangan namang hahayaan ko syang kumain ng hindi nag bibihis at nagagamot ang kanyang sugat.
Pag pasok namin sa bahay ay agad naman akong dinaluhan ni mama upang ipa upo siya sa sofa.
Himalang nandito siya ngayon sa bahay. Tsk.
"Diyos ko anong nangyari diyan?"tanong nya ng makita niya kami.
Hindi nalang ako umimik at nahalata naman ata niyang wala akong balak sagutin ang tanong niya kaya tumahimik narin siya at inasikaso ang gagamitin ni noy sa pag ligo at mga damit na gagamitin niya.
Si Noy ay isa sa mga palaboy laboy sa kalsada.
Ngunit sya ang madalas na pag tripan ng mga bata na bugbugin at pag sasapakin. Sa edad na disi otso anyos ay di siya marunong ipag laban ang kanyang sarili.
Alam kong kahit na sino ay ayaw ng sinasaktan at binubully pero itong si noy ay iba. Dahil kahit anong gawin sa kanya ay di siya pumapalag.
Isa din sa mga dahilan kung bakit binibully siya ay dahil sa kanyang pananalita. Isa siyang bulol kung mag salita. Yung tipong may karugtong pa ang sasabihin niya ngunit di niya kayang ituloy dahil nabubulol siya.
Diko alam kung paano siya naka survive sa lugar nato. Dahil sa hirap ng buhay ngayon ay may mga tao nang di marunong maging mabait.
Nang makaligo na si noy ay tumayo ako upang pumunta sa kuwarto para kunin first aid kit.
"S-saan?"tanong nya habang naka kunot ang kaniyang mga noo na ang ibig sabihin ay saan ako pupunta.
"Diyan ka lang may kukunin lang ako sa kuwarto"hindi ko hinintay ang sagot niya dahil dumiretso na ako sa pag akyat.
Pag pasok ko sa kuwarto nakita ko yung phone ko na umiilaw sa ibabaw ng mesa kaya nilapitan ko ito.
Jerome is calling...
Siya nanaman?ilang beses ko na itong sinabihan na wag na wag na niya akong tatawagan pero ang kulit parin talaga niya.
Jerome is one of my flings.
Pinatay ko nalang yung phone ko para hindi na niya ako matawagan.
Pag baba ko sa salas ay nakita ko siyang naka tingin sa family picture namin na naka dikit sa pader kaya napa tingin din ako doon.
Tatlo kami nila papa. Napag gigitnaan nila akong dalawa, parehas kaming tatlo na masaya sa picture. Si papa naka uniform pa ng security guard samantalang si mama naman ay naka suot ng apron at naka hawak ng sandok.
Naalala ko na yan yung araw na pumasa ako sa exam namin sa school noong junior high school palamang ako at dahil naka pasa ako ay binilhan ako ni papa ng camera kaya tinisting namin ito.
Kung maibabalik ko lang sana ang lahat sana masaya parin kami ngayon.
Napukaw lang ang aking atensiyon ng sumagi sa isip ko si Noy.
May pamilya parin ba kaya siya?
Naaawa ako sa kaniya dahil alam kong mahirap maging mag isa sa buhay. Dahil kahit meron parin si mama at si tita Austien pakiramdam ko mag isa pa din ako. Tatlo lang lasi kami nila tita na nakatira dito sa bahay.
Magkapatid si mama at tita Austien. Samantalang si Papa naman ay sumakabilang bahay na ang ibigsabihin ay may iba ng Asawa at pamilya. Galit ako kay mama dahil mas pinili niyang hayaan si papa sa gusto niyang iwan kami at makipag hiwalay kesa ayusin ng pamilya namin.
Nilapitan ko siya kaya naman napatingala siya sa akin.
"Tara gamutin na na natin yang sugat mo"sabi ko sa kanya.
Tango lang ang kaniyang tugon.
Bawat pag dampi ko ng bulak na may alcohol sa bawat sugat niya ay napapdaing siya.
Di ko mapigilan ang sarili kong mapatitig sa kaniyang mga labi. Dahil kahit may putok ito sa gilid ay mapula at maganda paring tignan.
Yung tipong ang sarap halikan at kagat kagatin.
Tumaas ang tingin ko sa kaniyang mga matang napaka itim ang kulay. Na para bang pag tititigan ka niya ay hinihigop niya ang buong pag katao at kaluluwa mo.
Hindi ko maipag kakailang napaka guwapo niya kapag naka ayos at naka ligo siya. Kahit may mga pasa siya sa mukha ay lumilitaw parin ang kaguwapohan niya.
May perpekto rin siyang pag kakahulam ng katawan.
May abs din kaya siya?
Napakagat labi ako dahil sa na isip.
"B-bakit?"inosenteng tanong niya sa akin.
I cleared my throat before I answer his question, dahil mukhang nanuyo ang lalamunan ko sa paninitig ko sa kaniya.
"Kailan mo balak gantihan yung mga nananapak sayo?"tanong ko sa kaniya.
Bahagya siyang natigilan sa tanong ko. Kaya napatitig ulit ako sa mga mata niya. Mag sasalita pa sana ako ng dumating si mama.
"Esa dalian niyo diyan para sabay sabay na tayong kumain"pag kakasabi niya iyon ay dumiretso na siya sa kusina.
Kaya binalik ko nalang ang atensyion sa aking ginagawa dahil naalala ko ding gutom nadin si noy.
Habang nasa hapag kainan ay di ko maiwasang mapa sulyap kay noy na kumakain na halos di na niya ata nginunguya ang pag kain.
"Ano ka ba noy, dahan dahan lang baka mabulunan ka"sabi ni tita Austien sa kaniya nang mapansin di niyang tuloy tuloy ang subo niya sa pag kain.
"O-opo"sagot niya.
"Noy may sasabihin pala ako sayo"biglang sabat ni mama kaya naman napunta ang atensiyon namin sa kaniya.
"Napag usapan na namin ito ni Auntie mo Austien na dito ka nalang sa bahay tumira"nalag lag ang panga ko sa sinabi ni mama.
What?
Hindi naman sa ayaw kong nandito si noy pero nagulat lang ako kaya naman napatingin ako sa kanya..
"Tulungan mo nalang si auntie mo Austien sa pamamalengke ng mga ititinda niya."
Napalingon naman sa kaniya si Noy.
"Tutal palagi ka rin lang naman na nasa gilid ng kalsada at mukhang wala kana talagang pamilya kaya dito ka nalang"sabi ni mama.
Sabagay may point din si mama at para maka iwas narin siya sa mga taong nambubully sa kaniya.