[LENNOX] "MAGANDANG GABI sa inyo. Mayroong kaming natanggap na sumbong mula sa inyong mga kapit-bahay, tungkol iyon sa naririnig nilang putok ng baril. Maaari ba naming malaman kung ano ang nangyayari dito?" bungad na wika ng pulis sa akin nang buksan ko ang pinto. Hawak-hawak nila ang kanilang mga baril nang sabihin nila iyon sa akin. Napatingin ako sa kanilang likuran nang makita ko sa labas ng gate ng bahay nila Miss Carolyn ang nakaparadang kotse nila. "Magandang gabi rin sa inyo, officers. Pasok po kayo," wika ko at saka mas binuksan ang pinto at saka sinenyasan silang pumasok na sa loob. Naramdaman ko ang pagiging alerto nila habang naglalakad sila papasok sa loob ng bahay nila Miss Carolyn. Sinulyapan ko silang dalawa upang tignan kung ano ang kanilang reaksyon pagkatapos nil

