[ALTHEYA] "FLASH NEWS! Natagpuang patay sa gilid ng hanging bridge na ito ang labi ni Jackson Zabedra ngayong alas-sais ng umaga. Mayroon itong tama ng bala ng baril sa noo na hinihinalang pinatay ng kaaway nito. Patuloy pa ring pinaghahanap ang gumawa nito sa kaniya. Pinaghahanap rin ng mga pulis ang nagpakalat ng mga litrato ni Jackson Zabedra bago mangyari ang krimen." Napaawang ang bibig ko nang marinig ko iyon at kunot-noong nilingon si Lennox na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko. Kaya pala late siya ng uwi kagabi dahil ginawa na niya ang mission pero hindi ko inaasahan na matatagpuan kaagad ng mga awtoridad ang katawan nito. Napakibit-balikat na lang ako, artista kasi si Jackson Zabedra kaya naman gano'n na lang kabilis ang balita. Napalingon ulit ako sa screen ng TV. Nasa new

