Chapter 3

1873 Words
Chapter 3 Ramdam ni Serafina ang bawat tingin ng kanyang ina habang binabagtas nila ang daan patungo sa port. Gayon din si Georgia na panay ang sulyap sa kanya gamit ang rear-view mirror. Siya naman ay yakap ang anak na walang kamalay-malay na ilang sandali na lang ay makikita na ang ama. Samu’t-sari ang tumatakbo sa utak niya. Paano niya haharapin ang binata? Ano ang magiging reaksyon nito? Magagalit ba ito sa kanya? Ilan lamang iyan sa mga nasa isipan niya, kasama na iyong nakagigimbal na mga pangyayari kani-kanina lamang. Who were those men that attacked them? Hindi sila sa highway dumadaan palagi dahil umiiwas sila sa traffic. May isang kalsada na kakaunti lamang ang may alam na maaari palang daanan patungo sa café. So, how could those men know that they were going to be using that road? Sinundan ba sila ng mga ito, o sadyang nandoon na ito sa kalsadang iyon at inaabangan sila? “Ayos lang po ba kayo, ma’am?” tanong ni Alfonse sa kaniya. “Will you please stop calling me ma’am?” irap niya sa lalake. “At oo, ayos na ako, iniisip ko lang kung sino kaya o kanino kayang mga tao iyong kanina—” “Kung sino man iyon, ma’am—” “Al, please!” nanlalaking mata niyang saway sa binata. “Fine, Rafi, alam niyang doon kayo palaging dumadaan,” sabi nito. Naisip na rin niya ito kanina. Ibig sabihin ay matagal nang may nagmamanman sa kaniya, ganiyon ba? Bigla na lamang tuloy nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok. Who could it be? Wala naman siyang nakakaaway man lang. Kung si Lana nga, pinipigilan niya ang sariling patulan ito. At isa pa, matagal siyang wala sa Pilipinas, pati ba ang pagbabalik niya ay inaabangan nito? Napabuntunghininga siya at napatingin sa labas ng sasakyan. Bahagyang napahigpit ang kapit niya kay Silvan. Bakit ganoon? Bakit kahit na lumalagay na sila sa tahimik na buhay ay tila pilit silang hinihila pabalik sa landas na ito? Mula sa ‘di kalayuan ay natatanaw na niya ang port ng oganisasyon. Pribado rin iyon, katulad ng isla. Ilang metro pa ang layo nila sa port kung tutuusin, ngunit sa paligid ay marami ang nagkalat na mga bantay. Mga naglalakihang lalake na matamang nagmamatyag sa paligid ang sumasalubong sa kanila. Sa pinaka b****a ng port ay limang lalake kaagad ang sumalubong sa kanila para tingnan ang loob ng sasakyan. Unang pumasok ang sasakyan ni Cassi. Saglit itong huminto, marahil ay para abisuhan ang mga tauhan na kasama sila nito. Binuksan din ni Alfonse ang bintana para makilala ito ng mga gwardya. Ang mga gwardiyang iyon ay hindi lang basta guwardiya. These were the men of de Luca famiglia. These men were the organization’s soldiers. These men were Savio’s men. Sa mismong katubigan ay may ilang speedboat. Hindi iyon ordinaryong speedboat lang kundi mga primera klaseng speedboat. Sa bawat gawing buntot nito ay nakapinta ang logo ng organisasyon. Alam niyang hindi lamang iyon ang speedboat ni Savio. Marami rin kasing paligid-ligid sa karagatan ma sa palagay niya ay nagpapatrol doon ng bente y kwatro oras. “Al, you stay with them until you reach the island,” utos ni Cassi sa lalake bago bumaling sa kanya. “Susunod ako, may aasikasuhin lang ako,” paalam nito sa kanya. Niyakap siya nito nang mahigpit. “Give me forty-five minutes—maximum.” What?! “T-Teka,” aniya at humiwalay siya sa pagkakayakap nito. “Ako lang ang pupunta sa isla?” Bigla siyang nataranta. Mag-isa niyang haharapin si Savio? After all those times na hindi sila nag-usap, bigla na lamang ba siyang lilitaw at may dala pang anak? “I’ll be with you in a few—” “Hindi few ang forty-five minutes!” reklamo niya na parang bata. May kahalo pa iyong padyak. Napaismid ito sa kanya. “Hindi rin few iyong halos dalawang taong wala kaming ka-alam-alam tungkol sa pamangkin ko, Serafina.” Matigas ang tono ni Cassi. Hindi naman ito mababakasan ng galit sa kanya, kaya lamang ay mas pinili na lang niyang huwag sumagot pa. Ano naman bang isasagot niya? Totoo naman kasi ang sinasabi nito. Hindi biro ang halos dalawang taon. Bahagya siyang napakagat sa ibabang bahagi ng kanyang labi. “Susunod ka, ha?” “Oo nga,” sabi nitong tila naiirita na sa kanya. “Ano ba’ng inaarte mo? Wala naman sa akin ang dila mo, hindi ka ba makakapag-salita nang wala ako?” Napairap siya nang bahagya. “Sis, it’s your brother—Savio!” Ginantihan din siya ng irap nito. “Exactly, it’s my brother, how could you not tell me that something’s going on between you two?” Bahagyang tumaas ang tono ni Cassi sa kanya. “Because nothing was going on between us!” Now she’s frustrated, too. She can’t believe that this time will come—na kailangan niyang i-explain kung bakit may nangyari gayong wala naman silang relasyon. “We were never—ever—in a relationship! It just happened,” dagdag niya. Naramdaman niyang umiinit ang gilid ng kanyang mga mata at alam niyang anumang oras ay tutulo na ang luha niya. “It just f*****g happened…” Her voice cracked. Nakita niyang binuhat ni Georgia si Silvan inilayo sa kanila. She was thankful that she did that, hindi niya gustong makita ni Silvan na tila sila nag-aaway ni Cassi. At higit sa lahat, ayaw niyang makita siya nitong umiiyak. “Pasensya ka na, ha, pero kailan ito nangyari? You had s*x—” “Cassandra,” saway niya rito bago pa nito maituloy ang sasabihin. Hindi sila nag-aaway. Normal naman sa kanilang dalawa ang magtaasan ng boses kapag may mali ang isa sa kanila. “Lower your voice!” “So, ano?” she impatiently asked her. Humalukipkip pa ang braso nito at ipinadyak nang mahina ang paa. “Kailan nga?” “No’ng…” Napalunok siya. Pikit-mata at kakabog-kabog ang dibdib niya nang aminin niya sa kaibigan kung kailan iyon nangyari. “Noong engangement mo.” “My goodness, Serafina!” Nawala sa pagkakahalukipkip ang mga braso nito at sinapo ang ulo. Hinawakan niya ang siko ng kaibigan. Napalakas kasing muli ang boses nito. Napatingin tuloy siya kung may nakarinig ba sa kanila o wala. At saka siya napasimangot dahil sa dami ng tauhang nakatingin sa kanila. “Napa-my goodness din naman ako noong malaman kong buntis ako,” ungot niya sa kaibigan. “Hindi naman kasi ako nabuntis noong una at saka noong—” “May nauna pa maliban doon?” tila nagugulantang na tanong ni Cassi sa kanya. Akma siya nitong babatukan ngunit kaagad din naman nitong ibinaba ang kamay nito. Bakas sa mukha nito ang pagkainis at panggigigil sa kanya. Bahagya pa itong umungol nang hindi na nito mapigilan ang emosyon. -oOo- “Pambihira ka, Serafina,” reklamo ng ina ni Serafina sa kanya. Nakataas ang dalawa nitong kamay at kinakapkapan ng isa sa mga tauhan ni Savio. “Hindi ko akalain na makatutungtong ulit ako sa islang ito.” Mula kasi nang mamayapa ang kanyang ama, hindi na ito tumungtong pa sa isla na iyon. Para kasi sa ina ay naalala nito ang ama kahit anong sulok ng isla ang tingnan. Halos dito sila tumira noon dahil nga sa trabaho ng ama niya. Kasunod na kinapkapan ng lalake ay si Georgia. Napahinto ito nang makapa nito ang baril ni Georgia sa baywang. Dahilan iyon kung bakit bigla nito itong hinawakan sa braso. Narinig niyang impit na pagdaing ng kanyang kaibigan. Maagap na pinigilan ni Alfonse ang lalake. Marahas nitong pinalis ang kamay na nakahawak kay Georgia, at itinago ang dalaga sa likuran. He blocked the man using his body. “She’s their bodyguard—” Natawa nang bahagya ang lalake. “Huwag kang um-epal, ginagawa ko lang ang trabaho ko, hindi ko naman siya aagawin sa’yo,” depensa nito. Taas noo nitong tiningnan si Alfonse na noon ay ni hindi man lang natitinag. Alfonse arched his eyebrow. “Your job is to check for weapons, hindi iyong sasaktan mo ang babae,” matigas na sabi nito. “You could’ve just asked her to surrender her gun, you idiot,” puno ng pait at gigil na sita pa nito. Akmang kukwelyuhan sana ni Alfonse ang lalake ngunit mabilis din ang kamay nito. Pinigilan nito ang kamay ni Alfonse at madiing ibinaba. “Huwag mo nang tangkain,” babala nito. “Gia, give me your gun,” utos ni Alfonse kay Georgia. Agad din naming sumunod ito at iniabot nga ang baril sa binata. “Kargahin mo ang bata at mauna na kayo sa loob.” Mahinahon nitong hinintay na makapasok si Gerorgia sa loob ng mansyon. Pagkasara pa lamang ng pinto ay isang putok na ng bala ang narinig niya. Napaigtad siya sa gulat. Alfonse shot the right foot of the man. He didn’t even give them a warning! Wala man lang siyang oras para ibaling sa ibang direksyon ang tingin. The man tried to get a gun as well but was stopped by his colleagues. He grunted and shouted in pain. Blood started to pool at the man’s foot. “You f*****g—” “What, man? I’m a f*****g what?” Pilit na nagpupumiglas pa rin ang lalake. Hawak kasi ito ng mga tauhan si Savio sa magkabilang braso. Napakapit din tuloy siya sa braso ng kanyang ina at gayon din ito sa kanya. “Pasensya ka na, Al,” paumanhin ng isa sa mga nakahawak sa lalake. “Bago lang kasi—” Kung kanina ay hindi natuloy ang pagdakot nito sa kuwelyo ng lalake, ngayon ay wala nang pumigil pa rito. Alfonse put his hand around the man’s neck, ready to choke him. She can see how the man was struggling to get an air. “You do not mess with a De Luca, you got that?” Pagkatapos niyon ay marahas nitong binitwan ang leeg ng lalake. “Gia’s bullet deserves to be fired at you, you know.” “My God, Al,” reklamo ng ina niya. “Could you just please send us in? Mamaya ka na makipagtagisan ng pagkalalake r’yan!” Bahagya itong yumuko sa kanyang ina. Mabilis rin nitong iminuwestra ang kamay patungo sa pinto ng mansyon. “These de Luca men have no patience,” bulong ng kanyang ina sa kanya. Kung ibang tao lang sila, marahil ay na-trauma na sila sa nasaksihan nila. But then, ito ang iniwanan nilang mundo noon. At ito rin ang mundong ‘di niya akalaing babalikan niya ngayon. Right. Alfonse is a de Luca. He was Savio’s and Cassandra’s cousin. Nang buksan ni Alfonse ang pinto ay bumungad sa kanya ang eksenang palagi niyang ini-imagine. Isang eksenang pilit niyang ipinipinta sa utak niya. At ni isa sa mga imahinasyon niya ay walang pumantay sa eksenang buhay na buhay niyang nasasaksihan ngayon. Iyong eksena na karga ni Savio si Silvan at nilalaro ang kamay. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. His physical appearance was still the same. His ash brown colored hair was still brushed up. And his arms… those arms, they haven’t changed a bit. In fact, parang mas lumaki pa nga ang mga muscle ng mga iyon. “Serafina.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD