“Actually, Cassi…” Huminga nang malalim si Serafina. Inabot niya ang kamay ng kanyang matalik na kaibigan at hinawakan iyon nang mahigpit. “Iyong sinasabi ni Lana—”
Naputol ang sasabihin sana niya nang bumukas ang pinto. It was Tito Jim. Tuloy-tuloy itong pumasok. “Are you okay, Rafi?” tanong nito sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. “Pasensya ka na, matigas talaga ang ulo ng babaeng iyon. Hayaan mo at pinagsabihan ko na.”
Napaismid si Cassi sa sinabi ni Tito Jim. “Hay, naku!” singhal nito. “Palagi namang ganyan ‘yang si Lana. Hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit ipinipilit niya ‘yong issue na ‘yon. Like, wala na bang bago? Ni hind inga niya mapangalanan ‘yang politician na ‘yan!”
“Cassi…” saway niya sa kaibigan. Tila yata at mas gigil na gigil pa ito kay Lana kaysa sa kanya. Kung sa bagay, may punto rin naman kasi ito. Sa tagal naman na ng isyu na iyon, bakit naman hanggang ngayon ay wala pa ring pangalan? Ni hindi man lang niya maipagtanggol ang sarili dahil wala siyang kaide-ideya sa pinagmulan ng istoryang iyon.
Napairap si Cassi sa kanya. “Bueno, tatapusin ko lang ang shoot. Let us meet sa café ni Tita pagkatapos ko,” sabi nito. Bumeso muna ito kay Tito Jim bago lumabas ng dressing room.
Mataman lamang na pinagmasdan ni Rafi ang paglabas ng kanyang kaibigan. Ang tiyahin ng kanyang anak. Dahilan iyon ng malalim niyang pagbubuntunghininga. Hindi na naman niya nasabi ang totoo kay Cassi. Kailan pa kaya siya mabibigyan ng pagkakataon na ipagtapat dito ang totoo?
“Ano, ayos ka lang ba?” muling tanong sa kanya ni Tito Jim. Gusto niyang mapairap. Alam naman niyang isa sa mga tunay na kaibigan niya ito pero gusto niyang mapaismid sa tanong nito sa kanya. She was bombarded with such ridiculous questions and accusations earlier—live! On national TV! Mukha ba siyang okay sa lagay na iyon?
“No, Tito Jim,” sagot niya. “I am not okay. Sana naman huminto na si Lana sa ganitong isyu.” Wala sana siyang problema kung batuhin man siya ng issues ni Lana. Huwag na huwag lamang nitong idadamay si Silvan. Paano na lang kung napanood ni Savio ang interview niya kanina?
Biglang kumabog ang dibdib niya. Hindi naman nakuha ni Lana ng tama ang pangalan ni Silvan, hindi ba? Pilit niyang inalala ang mga tanong nito kanina. Pinilit niyang balikan ang mga pangyayari mula nang pumasok siya sa studio hanggang sa lumabas siya.
Nope, Lana didn’t get it right. Wala itong binanggit na Silvan.
Inabot niya ang kamay ni Tito Jim. “I hope you understand, Tito,” panimula niya. “But I will not do the interview kung nandoon pa si Lana. Call me unprofessional but no, I will not do it,” matigas niyang sabi. Alam niyang dama ng kausap ang panlalamig ng kamay niya. Bukod kasi sa backless niyang suot na dress at malakas na aircon ay binabalot talaga siya ng kaba. Lalo na at alam niyang naroon lamang sa parking lot sa basement ng building ang kanyang anak at naghihintay sa kanya.
Silvan was with his Lola, naroon din ang kanyang driver para magbantay sa mga ito. They were supposed to go at the café after the interview, but her schedule was eating up her time. Kung tutuusin, tapos na sana ang interview niya ngayon kung maayos lamang ang naging flow nito. Ngayon ay kinakailangan pa tuloy niyang humingi ng paumanhin sa management dahil sa nangyari.
Saglit siyang napatigil. “Teka, Tito Jim, feeling mo kailangan ko bang humingi ng sorry sa management?” tanong niya. Alam niyang kakabalik lang niya sa showbiz. At alam din niyang magmumukha siyang atribida kung hindi man lang siya magpapakita sa management. “Parang ako yata ‘yong victim dito, tito,” mapait niyang dagdag. “It was supposed to be a welcome interview.”
Hindi siya santa, aminado naman siya roon. Ayaw niyang magpaka-plastic na tipong siya na nga iyong na-agrabyado ay siya pa ang hihingi ng paumanhin. Kaya nga may pre-questions na ibinibigay bago ang interview sa live, para handa iyong i-interview-hin. Hindi iyong bibiglain ng host nang ganoon.
Kaya naman taas noo siya kay Tito Jim. Pasensyahan sila ngunit hindi niya kasing ugali iyong mga inaapi-api niya sa mga pelikulang ginagawa niya.
Napakamot si Tito Jim sa kanyang sinabi. Bakas sa mukha nito ang pagaalinlangan.
“O siya, ako nang bahala,” sa wakas ay sambit nito. “Ako nang mag-e-explain sa kanila. Paborito ka naman ng mga iyon, ano ka ba?” natatawa nitong dagdag. Isa pa nga iyon sa mga isyu na ikinakabit sa kanya, na paborito siya ng management. “But please, post something on your social media accounts, ha? Address what happened.”
Tumango siya. “Yes, tito. That’s what I intended to do naman talaga.”
Sinimulan niyang ayusin ang mga gamit niya. Ilan lamang iyon dahil interview lang naman ang schedule niya ngayong araw. Sa isang linggo pa ang script-reading ng gagawin niyang pelikula na entry ng management sa film festival.
Nang makalabas si Tito Jim sa kanyang dressing room ay nagsimula na rin siyang magbihis. Tinanggal niya sa pagkakatali ang kanyang sandals. It was a gladiator type of high heels, kaya naman inis na inis siyang tanggalin ang pagkakapalupot ng tali niyon sa kanyang binti. God knows how she hates wearing heels. Inalis din niya ang kanyang dress at mabilis na nagsuot ng pantalon. She also wore a white spaghetti-strap tops and a black leather jacket. She sighed as she felt the warmth that it gave to her back.
Habang papalabas siya ng gusali ay tila nagkakarera ang mga naiisip niya, hindi niya malaman kung anong thought ba ang uunahin niyang i-entertain. Iyong problema ba kay Lana, o kung napanood ba ni Savio ang interview.
Alam niya namang hindi mahilig manood ng telebisyon ang binata. But, who knows?
Matagal na niyang hindi nakikita ito, baka nag-bago na ito ng preference. Wala na siyang ideya sa mga hilig nito ngayon. Ang alam lang niya, busy ito at walang panahon sa entertainment shows.
Bahagyang yumuko bilang pagbati ang kanyang driver nang marating niya ang parking lot. It was subtle that you can almost not see it. But Georgia was trained very well. Yes, her driver was a woman. Ngunit hindi por que na babae ito ay ganoon lang ito. She can do more than just drive. This woman knew martial arts. She knew damn well how to fight—whether it’s with her fists, or with her gun. Isa ito sa mga pinagkakatiwalaan niya pagdating sa sikreto niya. Because this woman knows when to talk, and when not to. At isa pa, sa tagal nito sa kanya ay kapatid na rin ang turing niya rito at hindi lang basta bodyguard o driver. She’s practically a family.
“Pasensya na, Gia, natagalan ako…” paumanhin niya. Nakita niyang hawak nito ang cellphone at nagmamadali nitong tinago iyon nang parating na siya. “Napanood n’yo ba?”
“Hindi ko inabutan ‘yong mismong live.” Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at nakita niyang nakahiga ang anak at nakaunan ang ulo nito sa hita ng kanyang ina. “Pero nakakita ako ng clips ng interview sa social media, as usual, you are being bashed again,” she chuckled. Nasanay na rin siguro ito sa paulit-ulit na nangyayari sa career niya. Iba-bash siya ngayon, pagkatapos bukas ay wala na. Para itong apoy an bigla na lang sumisiklab at kaagad din namang naaapula.
“Ano na namang sinasabi nila?”
“Na ikaw ay isang kabit,” tila balewalang sabi nito.
Sumakay siya ng sasakyan at kasunod iyon ng pagpapaandar ni Georgia nito. “Seriously? Ano ba ‘yan, wala na bang bago?” Dinaan na lang niya sa tawa ang lahat.
Georgia shot her a look through the rear-view mirror. “Sinabi mo pa,” natatawa rin nitong sang-ayon. “Where to, Raf? Tuloy ba tayo sa café?”
“Yes, please…” Ang ina niya ang sumagot. “Are you okay, hija?” baling nito sa kanya.
Bahagya siyang napakamot sa kanyang batok. “Hindi, ma,” pag-amin niya. “Kung malalaman ng publiko na may Silvan tayo, wala sanang problema sa akin yung mawalan ako ng trabaho or endorsements… ang hindi ako ready, Ma, eh ‘yong criticism na matatanggap ng bata.”
Yes, they can hate her all they want… bash her until they ran out of words. Huwag lang ang anak niya.
“Sabi ko naman sa ‘yo, wag ka nang bumalik sa showbiz! Stop selling yourself to people,” anang ina niya. Mathilde Frigerio was once in the industry. Artista rin ito dati, at sa pamamagitan nga niyon ay nakilala nito ang kanyang ama.
Sa paniniwala ng kanyang ina, isang malaking palengke ang showbusiness na ang karneng itinitinda ay ang mga artistang tulad nila. For the old woman, the managements were making money out of them—more than they know.
And she knew damned well that it wasn’t just a hoax. They belong to both—the mafia world, and the showbusiness world. Kaya alam niyang ang bawat salitang binibitiwan ng ina niya ay totoo.
Hula nga nito, ang management din ang gumagawa ng mga issues laban sa mga artists. Because why not, they make money from it. When the issue goes viral, milyones ang kinikita nila dahil sa online advertisements na nakadikit sa mga posts sa social media na iyon.
“May café naman na, which surely can put food on our table,” pahabol pa nito. “Just quit, may ipon ka naman.”
She heaved a sigh. “Ma, hindi iyon sapat,” aniya. May ipon nga siya ngunit para sa kanya ay hindi iyon sapat lalo na at may future pa siyang pinaghahandaan para kay Silvan. “Gusto ko, Ma, eh ‘yong kayang mabuhay at makapag-aral ni Silvan kahit wala na ako.”
Ngayong nasa pilipinas na nga siyang muli ay balak niyang ayusin lahat ng insurance niya at ilagay si Silvan bilang beneficiary niya. Maliban doon ay mag-a-apply din siya para sa educational plan nito nang sa gayon ay makapagtapos ito ng pag-aaral.
“Marami akong plano, Ma, and those plans needs so much money,” paliwanag niya. “Paano kung mamatay ako—”
Hindi pa nga tapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lamang napahinto sa pagmamaneho si Georgia. Mula sa katamtamang bilis ng takbo ng kanilang sasakyan ay bigla na lamang itong nagpreno, dahilan kung bakit kamuntikan na siyang masubsob sa headrest ng driver’s seat.
“Damn it!” Napamura si Georgia. Nakita niyang mabilis nitong hinawakan ang baywang kung saan nakasabit ang baril nito. It was something that she doesn’t expect. Inaasahan niyang may biglaan lamang tumawid na tao o aso kaya ito napapreno nang ganoon katindi. Ngunit bakit tila may ibang nangyayari?
Georgia wasn’t a fan of road rage. Alam niyang may maling nangyayari nang hawakan nito ang baril nito. Hindi lang ito basta-bastang pagpreno. At nakumpirma nga ang hinala niya nang iangat niya ang kanyang ulo at tingnan ang paligid. There were men that she didn’t know. Hinarangan ang sasakyan nila ng isang itim na van at naglabasan mula roon ang mga lalaking hindi niya kilala. Papunta ang mga iyon sa sasakyan nila.
It was an ambush.
Her heart began beating fast. Pakiramdam nga niya ay lalabas iyon sa dibdib niya anumang oras sa sobrang lakas ng kabog niyon.
She was very much familiar with that scene. And no, it wasn’t a scene from her movies, dahil minsan na rin niya itong naranasan noong siya ay bata pa at nang buhay pa ang kanyang ama.
She quickly reached for Silvan. As any mother would do, she covered him with her body when she heard loud, sharp sounds. Those were gunshots. She was very familiar with those sounds. Gunshots! Why are there gunshots?!
Sigaw ng kanyang ina at iyak ni Silvan ang mas nanaig sa tainga niya, kumpara sa mga putok ng baril sa labas. “Get down!” Rinig niyang sigaw ni Georgia.
Hindi niya malaman kung anong una niyang gagawin. Kung tatakpan ba niya ang mata ng anak o ang tenga nito. Her hand was shaking. Her knees felt jelly. Her lips started trembling as she felt her tears sprang from her eyes. Is this her end?
This scene was the exact reenactment of what happened years ago. Yakap siya ng kanyang ama nang tambangan sila ng kalabang organisayon ng mga de Luca noon. Her father was the former consigliere of the old de Luca, na siyang ama ni Savio. Yakap din siya ng kanyang ama para lang protektahan siya. It was the same, ang kaibahan lamang ay siya na ngayon ang nagpoprotekta sa kanyang anak.
Rinig na rinig niya ang pagputok ng baril sa labas. She was half-expecting that somehow one of the bullets will go through the window. Subalit lumipas ang ilang sandali at ilan pang putukan, ni isa ay walang pumasok na bala sa kanilang sasakyan.
She was still covering Silvan with her body when the surroundings went silent. Kinakabahan pa siyang sumilip para tingnan kung ano nang nangyayari. The black van was still there. Unti-unti niyang inilayo ang katawan niya sa kanyang anak at tuluyang tiningnan ang buong paligid. Men in black were scattered around their car. They were protecting them. Nakatutok ang mga baril nito kung saan-saang anggulo na tila ba sinisiguro ng mga ito na wala nang iba pang aatake sa kanila. Nakita rin niyang nakahandusay ang mga lalakeng kanina lamang ay hand ana silang sugurin.
Again, it wasn’t new to her. She was used to seeing scenes like this.
She saw one of the guys talked to one of his men. Pagkatapos niyon ay nakita niyang nagkilusan ang mga ito at kanya-kanyang bitbit sa mga katawang nakahandusay sa daan. Maybe he told them to clear the coast.
Pagkatapos niyon ay kinatok nito ang bintana ng kanyang sasakyan. Walang pag-aalinlangan niya itong binuksan. She knew the guy. It was Alfonse, the security head of Cassandra. “Ayos lang ba kayong lahat sa loob, ma’am?”
Hindi pa nga siya nakaksagot sa tanong nito ay nakita na niyang tumatakbo papalapit ang kanyang kaibigan. Hinawi nito si Alfonse at ito ang pumalit sa pwesto nito. Ngunit ‘di kagaya ng lalake ay wala itong inilaang distansya dahil dinukwang sila nito sa pinto ng sasakyan. “Okay lang kayo? May tinamaan ba?” tanong din nito sa kanila. “Rafi? Gia? Tita?” Lumigid ang mga mata nito sa paninigurong wala ni isa sa kanila ang tinamaan ng bala at nasaktan man lang. Then, Cassi’s eyes darted to Silvan.
Cassandra stopped and stared at him. And Silvan did the same. They stared at each other with very the same looking eyes—the shape and the color.
“Were you hurt?” tanong nito sa bata. Her voice became soft, caring, and full of concern and fear. Hinaplos pa nito ang pisngi nito. “It’s okay now, baby, the bad guys are gone. Tita’s here…”
She wanted to cry. She wanted to stab herself for being such an idiot. She wanted to reprimand herself for leaving this wonderful woman out of her son’s life.
Hindi na nga niya napigilan ang sariling emosyon at napahagulgol siya. Hindi na niya alam ang mararamdaman niya. Pangamba, takot, pagsisisi. Parang ngayon siya nanghina sa mga nangyari kanina. Ang panlalamig na dulot ng studio kanina ay walang-wala sa panlalamig niya ngayon.
Cassi embraced her. “You got a lot of explaining to do, Rafi.”
“Sorry… I’m so sorry—”
“Shhhh…” saway nito sa kanya. “Calm yourself, mamaya na tayo mag-usap. I’m ready to listen. And whatever your reason is, alam kong kaya kong intindihin ‘yan.” Tinapik nito ang kanyang likod at bumaling kay Georgia. “Gia, move in the passenger seat. I’ll let Alfonse drive.”
“But, ma’am—” Napahinto si Georgia sa pagsasalita dahil nakaabang na si Alfonse sa labas ng sasakyan. She huffed as she crawls herself towards the passenger seat.
Muling bumaling sa kanya si Cassi. Her best friend’s eyes were telling her that anything she’s going to say is firm—na kahit ano mang sabihin nito ay hindi niya iyon matatanggihan at ito ang masusunod. “We are going to the island.”
Napalunok siya. It made her more nervous. The island means Savio’s home.