Chapter 1

1616 Words
“Matapos nga ang halos dalawang taong pamamahinga ay muli na nating makakasama ang na-miss nating lahat, ang pinakaiinisang kontrabida pagdating sa pelikula ngunit kinagigiliwan ng madla pagdating sa tunay na buhay—walang iba kundi ang nag-iisang Rafi Frigerio!” Napangiti si Serafina sa pag-iintro sa kanya ng batikang host at isa na rin sa mga tinuturing niyang kaibigan na si Tito Jim. Abot hanggang tainga ang kanyang ngiti nang pumasok siya sa studio mismo. She missed this. The lights, the cameras… everything. Acting is her passion and she was glad that she was finally back. Napalis ang ngiti niya nang makita niya sa tabi ni Tito Jim ang isa pang host, si Lana. Lana was a journalist-s***h-tv host. Minsan nang idinemanda ito ng kanyang management dahil sa kasong libel. Alam niyang may masamang tinapay ito sa kanya noon pa man. Ang rason, hindi niya alam. Kung ano man iyon, wala na siyang pakialam pa dahil alam naman niyang wala siyang tinatapakang tao noon pa man. Kaya nga kahit na madalas ay kontrabida ang role niya, marami pa ring natutuwa sa kaniya dahil sa kanyang pag-arte. Nang tumayo si Tito Jim para ibeso siya ay kaagad niyang ibinalik ang ngiti. “Grabe naman iyong intro na ‘yon, Tito Jim, parang hindi naman yata nila ako na-miss,” biro niya at saka siya humarap sa audience. “Na-miss n’yo ba ako? Na-miss n’yong nakikita akong manampal, gano’n?” natatawa niyang tanong. Hiyawan lamang ang sagot ng audience kung saan makikita ang ilan sa loyal fans niya na may dala pang banner. Lumapit din si Lana sa kanya para bumeso. Ngumiti ito sa kanya. “Welcome back, Rafi,” sabi nito. Fake. Alam niyang peke ang ngiti nito ngunit sinuklian pa rin niya iyon ng ngiti at bumeso na rin. Ito ang hirap sa industriyang pinasok niya. Tila siya nanghahanap ng ginto sa buhanginan dahil sa dalang ng tunay makitungo sa kanya. Iminwestra ni Lana ang upuang naroon kaya naupo siya. She felt like a princess. The chair was stunning. And it was her favourite color—ang lavender at gold. “Naku, hindi yata kumpleto ang taon kung walang Rafi sa taunang film fest, ano!” natatawang sabi ni Tito Jim sa kanya. “So, how are you? I mean, look at you! Blooming!” She swears she saw Lana rolled her eyes. Inaano ba niya ito? Bakit ba ang init nito sa kanya? Hindi ba ito nasasabihang blooming kaya ganoon na lang ang reaksyon nito sa sinabi ni tito Jim? “Balitaan mo naman kami—ang mga fans mo kung ano’ng ganap ng isang Rafi Frigerio sa loob ng kulang dalawang taon,” pahabol na tanong ni Tito Jim. Tumingin siya sa host at pagkatapos ay sa camera naman. “First of all, Tito, I am fine. I am doing good,” aniyang hindi man lang napapalis ang ngiti. “Wala namang masyadong ganap, actually. I just really wanted to take a break. Me and my mom went to the states, as you can see sa Instabook feed ko. But that’s all.” Tumango-tango si Tito Jim. “Balita namin, nag-open ka raw ng café,” tanong nitong muli sa kanya. “Where is it located? And what kind of café it is?” “Yeah, but actually, Tito, it was my mom’s,” paliwanag niya. “I just helped to promote the business.” “Just like every daughter should do, ‘di ba?” natatawang saad ng host. Nagpatuloy ito sa pagtatanong. “Pero ang sabi-sabi, naghihirap ka na raw kaya ka nagtayo ng negosyo,” napapahagikgik nitong saad. Hindi niya alam kung tanong ba iyon na dapat niyang sagutin, o kung anuman. “Sa totoo lang, para na rin sa kaalaman ng audience at ng viewers natin… Hindi po biro ang magpatayo ng isang negosyo para sa isang taong naghihirap. Some business requires millions!” Sumingit si Lana kay Tito Jim. “Naku, parang imposible naman yatang maghirap ‘yang si Rafi, ‘di ba?” anitong parang nanunudyo pa. “Hindi naman siya pababayaan ng boyfriend niyang politician. Lalo na’t may anak sila.” Napanganga siya sa tahasang pambibintang ni Lana. Gusto niyang matawa sa sinambit nito. Ang tagal na ng issue na iyon! Pilit pa ring binubuhay ni Lana para lang masira siya? Ni hindi nga siya close man lang sa sinumang politician! “Grabe, ang tagal na niyan, ah!” natatawa niyang banat. Akala mo, Lana, ikaw lang? isip niya. “Sa tagal no’n, dapat napangalanan na ‘yung politician na ‘yan. Ang hina naman ng source mo, Lana,” aniyang hindi na nakapagpigil para patulan ang kaharap. If she could ask those question harshly, then she could answer them too—with equal venom if she wanted to. Lana smiled at her bitterly. Para bang ni hindi man lang ito natinag sa sinabi niya. Para bang wala itong pakialam. Para bang hindi ito tinablan. And then, Lana fired the question that she was not prepared of. Wala ito sa mga tanong na ibinigay sa kanya prior to the interview. Isang tanong na hindi niya inaasahang mailalabas sa national TV. Isang tanong na talaga namang nakapagpalambot ng tuhod niya at nakapagpapawis sa kanya nang malamig. Isang tanong na halos dalawang taon niyang pinagtaguan at iniwasan. “You can deny the politician issue all you want,” ani Lana nang nakangiti. It was as if she was satisfied with what she was going to ask her. “But you can’t deny your son for he can watch this in the future… Ano na ngang pangalan niya? Was it Silviano? Salvi?” It’s Silvan, anang isipan niya. She wanted to name him anything that starts with an ‘S’, after his father. A father that he didn’t know exists. Kakabalik pa lamang niya sa trabaho ngunit parang gusto na niyang mag-quit. She loved her job, but she could give it up just to protect her son. Sa mundong ito, walang mas importante sa kanya ngayon kundi ang kanyang anak. And then suddenly, she remembered that the interview was live. Mas lalong nanlaki ang mata niya. She looked at Tito Jim to ask for help and gladly, he got what she was trying to say. Naglabas ng tawa si Tito Jim. “Kung may anak man si Rafi, I’m sure, magiging ninong ako no’n!” sabi nito na mas nilakasan ang tawa. “Anyway, mga katutok, we’ll be back in a few!” paalam nito sa audience at na-cut ang pag-ere ng palabas. Bumaling ito kay Lana na noon ay matamang nakatingin naman sa kanya. “What the hell was that, Lana? Wala iyon sa pre-script!” Galit na galit ang tono nito kay Lana at wari bang gusto nito iyong sabunutan. Sa isip niya, hindi lang sabunot ang bagay riro ngayon. Kung maaari nga lamang ay gusto niya itong sampalin ng ilang beses hanggang sa mabura ang makapal nitong kolorete sa mukha. Napakuyom siya sa kanyang palad at tumayo. She could not continue the interview anymore. She was sure that Tito Jim could understand her. Napapailing siyang naglakad papunta sa backstage. Nakita niyang napatayo pa ang president ng kanyang fansclub at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. “I’ll call you,” she mouthed to her and gave her a reassuring smile. Cassi, her bestfriend, was already there when she arrived at her dressing room. “What happened?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. “Nasa kabilang studio lang ako, and I was doing a shoot. We were watching your interview,” paliwanag nito. Halata mong nagmamadali itong tinungo siya dahil nakasuot pa rito ang rollers nito sa buhok—it was not done actually, kalahati lang ng buhok nito ang nakaayos at ang kalahati ay nakalugay pa. “Napaka-walanghiya talaga niyang si Lana! Kundi ko pa alam na kumakabit siya producer sa kabilang istasyon! Sabihin mo lang—” Hinawakan niya si Cassi sa braso. “Shh,” saway niya sa kaibigan. “Baka may makarinig.” Alam niyang nagkalat ang mga tao sa paligid at sa labas ng dressing room niya. Kasama na roon ang mga pabalik-balik na mga make-up artist sa iba’t-ibang rooms at ang mga bodyguards ni Cassi. There were no problems with Cassi’s bodyguards because they were trained not to hear and talk, unless they were told to. Doon siya sa mga make-up artists at mga wardrobe staff hindi sigurado, lalo na at may bayad ang mga scoop na maibabahagi nila sa mga reporter. “Ano na, sabihin mo lang—alam mong kaya kong turuan ng leksyon ‘yang Lana na ‘yan, Rafi,” suhestyong muli ng kaibigan. “Cassandra!” saway niyang muli rito. Alam niya ang kakayahan nito. Alam niyang totoo ang sinasabi nitong kayang-kaya nitong turuan ng leksyon si Lana. Gusto at mahal lang talaga nito ang pag-aartista kaya ito nasa industriya. “Tama na nga iyan. Mamaya, marinig ka pa ng mga tao r’yan sa labas.” She always chooses peace over violence, lalo na ngayong may Silvan na sa buhay niya. Napairap nang husto si Cassi. “Eh, ano ngayon kung marinig nila? Totoo naman, ah!” sabi nitong gigil na gigil. “Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa publiko na wala ka namang anak? Kung mayroon man, ako ang unang makakaalam, at hindi ang Lananghiya na ‘yon!” She gulped guiltily. What kind of best friend she was? Nang magtungo siya sa amerika ay wala kundi ang mama niya ang nakakaalam ng buong istorya. Not even her best friend. Huminga siya nang malalim. Tiningnan niya ang dressing room para siguruhin kung nakasara ba ang pinto niyon. “Actually, Cassi…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD