Arika POV
Dahil sa sobrang pag-iisip ko kung paano ko sasagutin si Demian para naman memorable at bongga ang first day namin bilang magkasintahan dahil nga bukas ay balak ko na siyang sagutin, naisipan ko munang lumabas saglit ng aking silid. May bar counter naman dito sa bahay na pinag stay-an namin at ang great pa sa pinaka great na idea ko ay uminom at kumuha ng alak para naman lumakas ang loob ko at magenerate ang aking mga creative idea.
Naalala ko tuloy nung college na ako at nasa tamang edad hindi pa kasi ako ganun kagaling when it comes to speaking in English, yung reporting kasi namin noon ay about sa Philippine Literature need na the entire reporting ay naka english spokening dollar, dahil medyo loko-loko at rebelde ako that time hindi ko masyadong sineryoso yung pag-aaral which is mali.
Terror pa naman professor ko dun at kahit nagrerebelde ako sa pag-aaral ko naiisip ko pa din namang mali yun at ayaw kong maging patapon ang buhay ko. Kaya isang malaking idea ang pumasok sa utak ko that time at yun ay uminom ng alak bago pumunta ng school. Nahampas ko tuloy ang noo ko sa kalokahang ginawa ko, huwag tularan jusko.
Sariwang-sariwa pa rin sa isip ko na bigla nalang akong napa straight english habang nagdidiscuss kahit na nagtatanong mga kaklase ko nun sagot ko English pa rin, pero ang ending nun nalaman ng terror professor ko na lasing ako kaya pinapunta ako ng school clinic. Yung school nurse nga dun lumalaban pa sa englishan eh.
Napagalitan ako noon at muntk pang mapatawag si Daddy buti nalang ay nakapag-explain ako sa professor ko na kaya ko yun nagawa ay dahil sabi nila pag lasing daw may tendency na mag english spokening dollar, effective naman siya yun nga lang , muntik akong mapatawag ng Dean ng school. Lesson learned alak ay effective pampa galing mag english. Kaya simula noon nag-aral na akong mabuti lalo na't sa course kong Accountancy every sem kala mo ay nomination kagaya ng sa Pbb kasi daming nai evict o sabihin na natin nag shift dahil di makapasa.
Pero agad na nanlaki ang mga mata ko when realization hits me, what the fudge? kailan pa ako nakaalala ng mga nangyari sa past, sign na ba ito na malapit na akong makaalala? Dahil sa kagulantangan ko nasamid tuloy ako dito sa alak na iniinom ko, lumabas pa nga sa ilong ko. Sakit jusmiyo.
Nung medyo feeling ko tinatamaan na ako dito sa iniinom kong alak bigla akong nakaramdam ng kasipagan, yung kasipagan na minsan ko lang maramdaman. Bigla nalang nag pop sa utak ko na kailangan kong maglinis kaya ang ending nilinis ko itong buong first floor ng bahay mula sa kasulok sulakan pati mga kurtina pinalitan ko. Pati mga hugas na plato hinugasan ko. Yung kurtinang kapapalit lang pinalitan ko na din.
Habang pasayaw sayaw pa akong nag wawalis dito habang tumutungga ng alak bigla akong naduwal at nanlaki agad ang mga mata ko.
"Demian!" umiiyak na tawag ko kay Demian.
Pupungas pungas siyang lumapit sa akin, mukhang bagong gising i-admire ko pa sana ang kabuuan niya pero agad akong muling naiyak ng may sumagi sa isip ko.
"What happened baby? Why are you drinking this? Are you okay may masakit ba sayo?" nag-alala niyang tanong at muli na naman akong naduwal.
"Am I pregnant?" I ask him ng maduwal na naman ako and what made me stunned ay tumawa ito ng malakas, siraulo ba ito si Demian.
"Of course not baby, naduduwal ka because you drink too much liquor at hindi dahil buntis ka. Don't panic it's organic." Natatawa niyang sabi na parang aliw na aliw pa siya sa lasing state in life ko.
"Ay hehe oo nga pala pasensya na tao lang." tatawa-tawa kong sagot sakanya. His answers made sense though.
"Come here Demian upo tayo dun sa sofa may kekwento ako sayo." I giggly told him.
" Alam mo ba when I was in college may mga kaklase ako na grabe yung ugali nila they are always bullying this classmate of mine, talking behind her back at kung ano-ano yung pang-aasar na ginagawa nila sakanya. Until one day napuno na yung kaklase kung yun at nagsumbong sya sa kinauukulan ng school at she made sure na madadaan sa legal na kaso yung mga pinag gagawa sakanya ng mga kaklase namin. Kaya ang ending nakasuhan yung kaklase kong nambully sa kanya at napatagal yung pag graduate. Kaya ikaw huwag mo akong ibubully ha kasi kakasuhan kita tapos ang ifafile ko sa korte ay marriage contract. Boom kilig ka ba sa part na yun?" I saw him blushed gwapo talaga nito.
"Gusto mo ngayon na tayo magpasa ng marriage contract baby?" he told me in a serious way. Si Demian di mabiro kainis.
"Pwede pero hindi pa ako handa, maybe next time?" tawa-tawa at lasing kong sagot. Hindi rin naman ako talo kung sya mapapangasawa ko.
"Ask me that question again kapag hindi ka na lasing baby, okay? My answer is still the same." he said as he was looking at my eyes directly. Ang seryoso naman kita mo bukas seseryosohin ko na ito.
"Maiba ako about diyan sa kwento mo about bullying, totoo yan na dapat makasuhan talaga yung mga taong mahilig mambully para naman magtanda sa buhay, hindi kasi nila alam na yung simpleng asar asar nila ay nakaka apekto na sa buhay ng tao. Bullying someone is really an imortal sin. Kaya no matter what happen wag na wag natinghahayaan na makabully or mambully tayo kasi grabe ang magiging effect nun sa tao." parang guro niyang sagot.
"Yes Sir, you got it right." napasaludo pa ako sa sinabi ni Demian, totoo naman kasi yun. Bullying someone is never a good choice or decision.
"Wait baby nakakalala ka na ba? How did you know about those kwento of yours?" he asked me in a low tone na ikinataka ko.
" A glimpse lang Demian pero not the whole thing, may pailan-ilan na pumapasok na memorya minsa pa nga akala ko panaginip lang pero mukhang nangyari naman sa totoo buhay." I explained to him at bigla siyang napalunok na parang kinakabahan.
"What's wrong with you Dem? Are you okay? Parang hindi ka mapakali?" I asked him with my drunk state.
"Nothing baby." he answered shortly.
Habang tumatagal parang lalong lumalakas yung tama ng alak sa katawan ko. Damn.
"Demian can I ask you again a serious question?" nakangiti kong tanong natatawa-tawa pa, espiritu ng alak layuan mo ako.
"What is it baby? I'll answer it." he patiently told me at pinaupo niya ulit ako sa sofa kasi balak ko na sanang sumayaw. Huling alak ko na ata ito.
"Am I still your baby?" nagpapuppyu eyes ko pang tanong.
"Yes you're my cutest baby" he answered me immediately.
"You are the best baby in the world, My baby" dugtong niya pa sa akin habang tinitingnan niya ako ng deretso sa mata. He was dead serious.
Sasagot na sana ako sakanya ng magkakaroon ng earthquake, agad niya akong niyakap at pumanta kami dun sa part ng bahay na ito na safe. Lintik na earthquake ito hindi tulo na tuloy ang plano ko.
Agad kong itinapat sa mukha niya yung bote ng maliit na softdrinks na kanina ko pa hawak hawak.
"Drink this Demian, ubusin mo lahat lahat" bahala na itong earthquake kailangan umusad ng lovelife ko.
Ininom niya naman yung prinipare kong softdrinks na isang way para iparating sakanya na sasagutin ko na siya. Dun kasi sa bote na yun nakasulat na "Demian sinasagot na kita".
When he finished drinking the softdrinks I told him na tingnan niya yun.
Agad na nanlaki ang mata niya sa nabasa niya. "Damn baby, pinayanig mo ang mundo ko dito mahihiya ang earthquake. Thank you and I love you. Hindi ko sasayangin ang chance na ito." he sincerely told me na para bang ito ang pinakamagandang balitang narinig niya sa tanang buhay niya.
Tonight saksi ang alak, eathquake at ang softdrinks sa unang araw namin bilang magkasintahan. Lasing na ako pero I know na maalala ko rin ito kinabukasan. Hindi na ako single. In a relationship na ako, shet kinikilig ako.