Chapter 6

1478 Words
Arika POV Wearing my maroon Gingham Skater Puff Sleeve dress na pinaresan ko na isang white na tsinelas na binili sa akin ni Demian nung nakaraan sa pamilihang bayan. It's a simple slippers pero grabe yung pag appreciate ko since binigay ito ng boyfriend ko. How sweet of him, minsan talaga sa buhay kailangan nating ma appreciate yung mga taong nagbibigay sa atin ng effort para naman happy si heart. Maliit o malaking effort man iyan. Isang buwan na rin pala ang nakakalipas simula ng maging magkasintahan kami ni Demian. We are truly and madly inlove with each other. Sa loob ng mga buwan na iyon all we did ay mahalin ang isa't-isa genuinely, may mga panahon na nagkakatampuhan kami because of small matters pero lagi naming sinisigurado na naayos yun. Kahit kasalanan ko nga madalas siya pa din ang nag aayos ng lahat at nag sosorry ng una. Kahit napaka spoiled brat ko inuunawa niya pa rin. Minsan pag sinumpong ako ng pagkatoyo ko he always make lambing and say sorry. Syempre hindi lang naman siya ang nag sosorry since our relationship is a teamwork, pag alam kong mali na ako I always make sure na I will apologize sincerely, syempre pagkatapos niyang mag apologize sinusundan ko na ng hingi ng tawad. That's how we handle our relationship. Nagising ako kanina na may almusal na sa lamesa as usual maaga na naman umalis si Demian para pumunta sa kabilang lupain nitong hacienda he told me na maghaharvest na daw sila ng mga buko at niyog. Sa ekta-ektaryang lupain for sure ilang araw din silang mag haharvest. He is the one na nagmomonitor and naghahandle ng lahat. Para naman mabawasan ang pagod niya at ng mga trabahador sa hacienda I decided na magluto ng pananghalian nila. As I was preparing the ingredients napaisip lang ako how lucky I am to have Demian in my life. Hindi ko talaga akalain na yung taong sinungitan ko noong unang tapak ko sa lugar na ito ay siyang magiging boyfriend ko. Grabe din naman kasi yung patience ni Demian pwede ng tularan sa haba ng pisi niya. Mabalik tayo sa pagluluto, inuna ko ng gisahin yung sibuyas, luya at bawang. Sabay sabay o all in one ko ng inilgay para wag ng magtalo-talo sino nga ba ang dapat mauna at ng mag golden brown na ito nilagay ko na yung dalawang kilo ng manok. Nilagyan ko ng tubig at mga pampalasa habang hinihintay na lumambot ito makalipas ang trenta minuto nilagay ko na yung mga gulay gaya ng sayote at papayang medyo hilaw at syempre hindi ko kinalimutan na ilagay ang favourite na dahon ng sili ni Demian. Kilig na naman yun mamaya baka lalong ma inlove yun sa akin pag natikman niya mga niluto ko, na dapat niya naman talagang gawin. Nang maluto ng ang tinola, adobo, shangahai at pritong tilapia na sa tingin ko ay kakasya na sa aming lahat mamaya. Naghanda rin ako ng mga prutas at dahil favourite ko si Demian sa lahat yung shape ng watermelon na ibibigay ko sa kanya ay hugis puso. Nang matapos ko ng ilagay ang lahat ng pagkain na hinanda ko sa dalawang basket ay inilagay ko na ito dito sasakyan ni Demian para maihatid ko na sakanila. Maganda ang panahon ngayon sing ganda ko, walang halong biro. "Magandang araw Ma'am Arika mas maganda pa po kayo sa araw, mukhang lalong gaganda araw ni Demian pag nakita ka niya, tulungan na kita diyan sa basket mo Ma'am." masayang bati sa akin ng isa sa mga trabahador dito sa hacienda. "Good afternoon din Kuya. Ito talagang si Kuya Arnold binola pa ako pero thank you. Arika nalang po itawag niyo sa akin Kuya Arnold." nakangiti kong balik. "Sige Arika, sobrang busy ni Demian ngayon at maraming aanihin tamang-tama talaga na may dala kayo Ma'am na mga pagkain." todo chika ni Kuya Arnold sa akin, masipag ito si Kuya Arnold nakekwento sa akin ni Demian. "Oo Kuya at alam kong pagod na si Demian at kayo kaya naghanda po ako ng pagsasaluhan natin." "Swerte talaga ni Demian at may nobya siyang katulad mo. Number 1 supporter niyo ako Ma'am alamniyo naman dito hacienda alam na alam na ang pag-iibigan niyo ni Demian, Suportado namin kayo Ma'am sa relasyon niyo. " nakangiti at tila kinikilig niya pang sabi. "Salamat Kuya, mas swerte din ako na si Demian ang nobyo ko. Salamat po." mas kinikilig kong sagot. Nang malapit na kami sa isang kubo para ilagay ang mga hinanda kong pagkain. "Salamat Kuya sa pagtulong sa pagbubuhat." nakangiti at friendly kong ngiti. "Walang anuman Ma'am este Arika, diyan muna kayo tawagin ko lang si Demian para makita niya na ang kagandahan niyo." Habang nagmumuni-muni napaisip lang ako kung gaano ako kaswerte para mabigyan ng pangalawang pagkakataon para mabuhay kung hindi ako naaksidente at na comatose hindi ko makilala si Demian at ang mga mababait na tao dito sa hacienda. "Baby!" humahangos at hindi nahihiyang tawag sa akin ni Demian kahit maraming nakasunod na tao sa likuran niya. Dali-dali akong lumapit sakanya para salubungin siya ng yakap. Syempre hindi na ako nahiya boyfriend ko naman ito. "Demian finally you're here. Kumusta ang araw mo?" I ask him habang pinupunasan ang pawis niya sa noo at leeg in all fairness naman kay Demian ang bango niya as a person. Super manly yung amoy niya yung tipong gustong-gusto mong balikan yung amoy na meron siya. "Thank you baby, masaya na ulit kasi nakita na kita. Tapos konting araw nalang matatapos na yung hinharvest namin baby." malambing niya sabi. "Yieeee beke Demian Zaldua ng Hacienda namin yan, pumagpag ibig na." kantyaw ni Aldo. Namula naman ako sa sinabi niya at itong si Demian ngumit lang na parang gustong-gusto niya pa lalong tuksuhin kami. "Syempre kay Arika lang ako kakalampag at magiging marupok." sagot naman ni Demian. "Magandang araw po sa inyong lahat halina po kayo at magsalu-salo na po tayo para mananghalian. Naghanda po ako ng makakain natin." magiliw kong pag anyaya sa kanilang lahat. Agad naman silang nag pasalamat at umupo na sa kanya-kanyang pwesto. "Wife material talaga itong baby ko." proud pang sabi ni Demian syempre another kantyawan na naman. Ang natanggap ko today ay puro kilig at papuri. Happy heart happy life. "Husband material ka naman Demian, kaya bagay na bagay tayo." sagot ko naman bago hawakan ang kamay ni Demian. At ayun na nga namumula na siya, he kissed my forehead. At ng mga oras na yun hindi na nga natapos ang kantyawan portion. "Miss Arika iimbitahan ko sana kayo ni Pareng Demian para sa munting salu-salo mamayang gabi sa bahay namin. Darating na kasi yung pamangkin kong galing abroad. "Sure po Kuya Waldo, asahan niyo po pupunta kami ni Demian mamaya." Nang matapos na ang gawain nila Demian sa kabilang lupain ng Hacienda he decided na umuwi muna since mamaya ay aalis kami. Nandito kami ngayon ni Demian sa loob ng sasakyan habang siya ay nagmamaneho pauwi. "Thank you baby for today. I love you." He kissed my hand habang ang isang kamay niya minamaniobra yung manibela. Good driver yan. "I love you always My Demian." I replied back to him before kissing his cheeks. Nang makauwi na kami sa bahay agad kong hinanap yung pusa namin ni Demian and I saw him na nakaupo sa sofa, his favourite spot. Hindi naman kami nag-alala na maiwan siya dito since may lagayan naman siya ng pagkain na kusang napapaltan pag ubos na ang laman. "Baby may sasabihin ako sayo about sa pagpunta natin mamaya kina Waldo, I just want to let you know na yung pamangkin na uuwi ni Waldo na galing abroad ay si Ryla, she had a crush on me before nung nasa high school pa kami. She's also my childhood friend and she's too clingy din sa aming mga kaibigan niya noon. I hope nagbago na siya ngayon. Pwede tayong hindi tumuloy mamaya if hindi ka kumprtable" he honestly told me. "Yes Dem thank you for letting me know about this. I truly appreciate it. Don't worry hindi naman ako basta basta nagagalit wag ka lang pagkiclingyhan nung babae at baka maghalo ang balat sa tinalupan. Thank you for considering my feelings Dem. Tutuloy tayo Demian matagal na rin naman yun gaya ng sabi mo baka naka move on na siya sayo. Tyaka akin ka lang naman and I know how faithful you are. Kaya tiwala ako." I hugged him tightly. Lord thank you po at bingyan niyo ako ng lalaking katulad ni Demian. "Akin ka lang din at sayo lang ako baby. I love you baby." he kissed me and hugged me back. Pero ng gabing din iyon magsisimala ang stress ko dahil sa babaeng daig pa ang linta sa pagkakapit sa boyfriend ko. Ryla akin yan at taken na yan, respeto naman. Masyado kasing lantarang ang panghaharot nahiya naman ako sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD