Chapter 7

1486 Words
Arika POV Gaya nga ng pagsang ayon namin sa imbitasyon ni Mang Waldo para pagdating ng pamangkin niyang si Ryla ay pumayag na ako na sinang ayunan naman ni din agad Demian. Sa totoo lang na appreciate ko yung pagsasabi niya sa akim tungkol sa naging ugnayan nila ni Ryla na childhood friends sila at dating may crush itong si Ryla kay Demian. Naunawaan ko din naman kasi talaga namang nasa hitsura na nitong nobyo ko na mukhang habulin buti na nga lang talaga at good man siya. Naalala ko pa tuloy na kahit na anong pagtataray at kalokohan ang ginagawa ko sakanya noong unang salta ako dito. Puro kabutihan at pag unawa ang pinakita niya. Tipong binubugahan ko na siya ng mala dragon kong pag-uugali pero yung pisi ng pasensta talaga namang napaka haba. He also handles everything maturely na isa sa nakaka hanga sakanya kumbaga sexy na nga siya ng literal mas lalo pang sumexy dahil sa mindset niya. "Baby?" malambing na pagtawag nito sa akin at nandito kami ngayon sa sala maya-maya pa naman kasing padilim ang selebrasyon. "Hmmm what is it Dem?" curious kong tanong at ipinagpatuloy na ang paghimas sa tiyan ng pusa niya na si Dunbar. Super close na nga kami nitong cute naming pusa dito sa bahay. "If ever mamaya pag hindi ka na kumportable sa event let me know baby ha at kapag pagod ka na don't hesitate na magsabi sa akin." sabi nito sa akin at ngumiti. Kung may mapupuri din talaga ako ng husto dito sa nobyo ko ay bukod sa mahahaba nitong pilikmata at sobrang expressive na mga mata. Para bang hinahalina ako ng mapupulang mga labi niya. Jusme mas mataas pa ata hormones ko kaysa sa nobyo kong ito. O mas madaling sabihin mas mataas ang self control niya at respeto sa akin. "Yes Dem I'll let you know." sagot ko at ngumiti na sakanya bago mag-iwas ng tingin sa labi niyang nakakahalina. "That's good baby, bat namumula ka baby is there something wrong?" nag-aalala nitong tanong at kung kanina konting pamumula na pisngi ang nangyayari sa akin ngayong siguradong sigurado na ako ng sobrang pula na lalo ng pisngi ko. Paano naman kasi kung ano anong mahaharot na thoughts na tumatakbo sa isipan ko dahil sa labi ng nobyo. "Medyo mainit lang kasi kaya namumula yan isama pa natin na naglagay ako ng blush on. Don't worry Dem. I'm totally fine." pagpapalusot ko nalang. Alangan naman kasing sabihin ko na Demian naakit kasi ako sa heart shaped mong labi pwede bang pakiss. Syempre kahit naman may kakapalan ang mukha ko ay nahihiya pa rin ako. Knowing Demian napaka konserbatibo nito. Baka mamaya pag inalok ko ito ng halik ay alukin naman niya ako ng kasal, knowing him hindi malabong hindi mangyari yun. Hindi pa ako ready sa ganun. "Okay baby, wait lang ha may kukunin lang ako. " pagpapaala. nito sa akin at itinapat sa akin ang electric fan. Sa totoo lang hindi naman talaga ako sobrang naiinitan namula lang naman talaga ako dahil sa mga kaharutan na naiiisip ko pero dahil clueless naman itong si Demian kinagat niya ang mga alibi ko. Malamig at sariwa ang simoy ng hangin dito kumpara sa lungsod kaya ewan ko nalang talaga kay Demian at naniniwala siya. "Sure take your time Dem. Salamat sa pagtutok ng electric fan." sagot ko nalang at inabala na ang sarili ko kay Dunbar, ang botchog niyang pusa. Maya-maya pa ay bumalik din agad si Demian hawak hawak ng dalawa niyang kamay ang dalawang electric fan. Macho at ang lakas din niya. Para tuloy siyang endorser ng isang brand ng electric fan. Tiyak pag kinuha siyang endorser magiging sold out ang mga ito. Lito ko siyang tiningnan. At ang very maunawain kong nobyo ay isinaksak ang dalawang electric fan at itinutok sa akin ang mga ito. Hindi ko naman talaga napigilan ang humagalpak ng tawa. "I know na naiinitan ka na baby that's why inilabas ko ang dalawang electric fan na ito. As much as I want you to see you with your namumulang pisngi dahil it really suits you. Ayaw ko namang maiinitan ka tama ng ikaw lang mismo ang nagraradiate na inner hotness mo baby" mahabang litanya nito at hindi manlang siya na offend sa malakas kong mga tawa. "I appreciate the effort Dem, honestly speaking Dem hindi talaga ako naiinitan ng sobra it's just that naisip ko lang about sa kiss kaya namula ako but damn you're so cute dito sa ideya mo na ito." natutuwa kong sabi sakanya dahil na appreciate ko talaga na iniisip niya na maiinitan ako at ayaw niyang mainitan ako. Dahim diyan nadagdagan na naman ang pogi points niya sa akin. "Oh you want kisses? Bibigyan kita ng halik baby if that's what you want. " medyo namula ang tengang sabi nito sa akin. Agad naman akong ngumuso anticipating the kiss. Excited ako syempre pero agad na lumaki ang mga mata ko when I felt his lips na hinalika n ang noo ko. "There Baby that's your kiss for today." malambing na sabi nito bago patakan ng mabilis na halik ang noo ko at sumunod naman niyang hinalikan ang ilong ko at pagkatamis tamis na ngumiti sa akin. Literal naman talaga naibalik ko sa dati ang nakapout kong mga labi in all fairness naman nag expect naman talaga kasi ako ng halik sa labi pero okay lang kilig na kilig naman ako ang buong pagkatao ko sa halik niya sa akin sa noo at sa ilong. "Thank you for the kisses I love it." sabi ko sakanya ay hinalikan din ang noo at ilong niya na ikinalaki ng ngiti niya na lalong kinagwapo niya. "Paano naman yung binigyan mo ng halik baby, do you love me too? " nangingiti niyang sabi sa akin. Iba din talaga bumanat ang mga maginoo nanunuot ang kilig sa buong pagkatao ko. "Of course I love you too. Aba'y hindi naman ako humahalik ng hindi ko nobyo." sabi ko sakanya at yung ngiti niya kanina mas lumawak pa ngayon. "Mahabaging pag-ibig kinikilig ako baby. Always remember that I love you more Arika." sinserong sabi nito sa akin. Magkakaharutan na kami ng marinig naming umutot ang pusa naming si Dunbar. Mabagsik ang utot ni Dunbar kaya natawa nalang kaming dalawa. Iniwan tuloy kami ni Dunbar at pumunta doon sa pooping area niya. "Tumawag na ako baby sa mag iinstall ng aircon dito dito sa bahay at sa kwarto mo. So no need to worry sa init ng panahon ang aaatupagin mo nalang ay ang init ng aking pagmamahal." seryosong sabi ni Demian. At agad akong nasamid sa iniinom kong fresh na buko juice na malamig, gulat ako sa mga linyahan niya. Lulan na kami ng sasakyan ni Demian patungo sa bahay nila Kuya Waldo para sa selebrasyon ng pagdating ni Ryla. Maingat na nagmaneho ang nobyo ko wala pang ilang minuto ay nakarating na kami. "Ayy ang ganda mo naman iha. " sabi sa akin nung matandang ale. "Maganda gabi po. Salamat po." nakangiti kong bati papasok palang kami marami na ding bumabati sa amin lalo na kay Demian na sinasagot niya naman sa friendly niyang pagkatao. May sasabihan pa sana yung Ale ng biglang may kumakaripas na babae na makulay at nagnininng ang mga damit. "Demdem!!! F*ck I miss you." tumitiling sabi nito at umamba. na para makakapit sa bewang ng nobyo ko nakita ko ang pagpulupot ng mga binti niya sa matipunong bewang ni Demian at nakita kong inaalis ni Demian ang kapit sakanya ng babae. My boyfriend really looks uncomfortable. "Ryla baba, hindi maganda itong ginagawa mo." nakita kong naiinis na si Demian pero ang babaitang si Ryla ay walang pakialam. Dahil nanggagalaiti na ako sa ginawa niya ay nirashinggan ko ang pwetan niya yung tipong ginagawa ng mga bata sa kalaro niya. Nagtagumpay naman ako dahil napabitaw ito sa nobyo ko. Buti nga sakanya. "What the hell!? Bakit mo yun ginawa? You b***h!" gigil niyang sabi. Agad na sinangga ni Demian ang paambang sampal sa akin. "If you dare to hurt my girlfriend Ryla kakalimutan kong naging kaibigan kita. Don't try me you'll regret it." malamig na sabi ni Demian at kahit ako kinilabutan sa pagkakasabi niyang iyon. He's really mad. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at pinisil yun assuring him that I'm okay. "Are you okay baby?" malamlam at malambing na sabi nito sa akin. "I'm okay Dem." I assured him. "Akala ko ba magpapari ka Demdem bakit nagkanobya ka?" parang walang nangyaring sabi ni Ryla. "I fell in love with the woman who's name is Arika and that's her." seryosong sabi nito at masuyo akong tiningnan. Sabay na nanlaki ang mga mata namin ni Ryla dahil ngayon ko lang ito nalaman. Nakwento niyang tumigil siya balak niyang pagpapari ilang taon na ang nakakalipas eh halos ilang buwan palang naman kaming magkasama. May hindi sinasabi sa akin si Demian and that's for sure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD