Kabanata XIX

1596 Words
Yui's P.O.V Imbes na umuwi, I decided to walk alone. without destination, without any plans at all. gusto ko lang maglakad lakad at magpahangin wala pa akong ganang umuwi, I need some peace of minds dahil wala akong maiisip na magandang plano kung puro konsumisyon ang nababalitaan ko That Emperor sure is a pain in the ass. Hindi pa ako nakakalayo ng nilalakad ay mula sa malayo tanaw ko ang isang playground na medyo hindi nalalayo sa school, just the typical playground for kids, may swing, seesaw and a lot more things that was use for kids enjoyment then the ground of the playground was out of sand Cool! If I we're still a child, I would probably cry to my parents just to make them bring me here. I'll definitely throw a tantrum just to get what I want. Parents ah? Can't believe I can blurt that word in my mind without going berseck. unti-unti kong pinaliitan ang distansya ko sa playground, I keep on walking not even sure kung bakit hindi nalang ako umalis Somehow I feel like walking towards it, there is this strong urge and magnetic pull that I can't resist so I just let it be at hinayaan ko ang sarili sa kagustuhang umapak sa playground and so as I step on the sand, otomatikong napataas ang kilay ko ng makakita ako ng umiiyak na babae na nakaupo sa may swing, hindi ko siya napansin dyan kanina, sa pwesto ko kasi kanina ay natatakpan ng slide ang swing na kinauupuan nito Hindi ko rin naramdaman ang presensya niya, maybe because I was too preoccupied about something pinagpatuloy ko lang ang paglalakad, ngunit mas banayad na ang mga hakbang ko palapit dito, sinisigurong hindi niya mapapansin ang presensya ko. nang mas makalapit ako ay tuluyan ko nang nakilala kung sino ang babaeng umiiyak It's that Sophia Andrea Montecarlos, The Princess of the Highest Council in Royal University Sofia Andrea Montecarlos, The Bratinella Princess. The Princess of the Highest Council, raised in the politician world. Her mother is a Senator and her father is the Vice president of the Philippines. She's the Princess of the Highest Council for 3 years. WTF!?! She's crying? nung huling kita ko dito ay minalditahan ako eh I rolled my eyes because of too much irritation. why do these royalties loves to cry? ang daming drama ang ganap sa buhay nila, kanina lang si Hera ngayon naman itong Prinsesang ito kung si Hera nagawang lumuhod sa harap ko and cry her ass out just to ask for my help to save the King of Clover..... What maybe the possible reason for a princess to shed a tear? I observe her actions, bawat galaw at bawat patak ng luha nito ay hindi ko pinalagpas nakatulala lang ito habang humihikbi at patuloy ang pag-agos ng mga luha, nakaupo na ako sa katabi nitong swing pero hanggang ngayon ay hindi parin niya ako napapansin Based on my research, maayos naman ang pamilya niya, wala silang issue sa kung ano man, wala rin namang nabalitang namatayan sila ng kamag-anak, how do I know? well her parents are politicians afterall, daig pa ang mga celebrities sa pagiging open book ng buhay nila kung hindi ito tungkol sa pamilya, malamang sa lovelife? baka niloko ng boyfriend? or nakipaghiwalay na sakanya boyfriend niya? or hindi siya mahal ng mahal niya? napangisi ako sa tinatakbo ng isip ko, gosh para akong t*nga sa mga pinag-iisip ko nilabas ko sa bag ang tissue paper ko at inabot iyon sakanya, hindi niya iyon napansin kaya't kinalabit ko na siya gulat na napalingon siya sakin, gusto ko mang matawa sa reaksiyon niya dahil halos lumuwa na ang mata niya sa gulat ay pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko If I show her pity, she might push me away, If I laugh at her, I might offend her so the better option for me is to remain stoic "A-anong ginagawa mo dito?" nauutal nitong tanong na hindi ko sinagot at nanatiling nakatingin sakanya, tinignan ko ang hawak kong tissue paper bago muling binalik sakanya ang tingin, sinundan naman niya ang tinignan ko at napatango-tango nalang na parang naintindihan ang nais kong iparating bago tinanggap ang inaabot ko "Thanks" pagpapasalamat nito na bakas parin ang kalungkutan kaya't tumango nalang ako at tipid na nginitian siya I guess she need some time alone to process what's on her mind, she must've seen something that totally shocked her dahil tulala ito ng makita ko siya so I decided to stand up bago ito tinalikuran at nagsimulang maglakad "H-hindi m-mo man lang ba a-ako tatanonging kung bakit ako umiiyak?" nauutal nitong saad, nilingon ko siya at nakita ko ang paninitig nito sakin na para bang nanghihingi ito ng tulong pero hindi niya masabi dahil hindi niya alam kung paano, well she's a princess alright? and I'm just a mere commoner, hindi kaya ng pride niya ang manghingi ng tulong sa isang nerd na katulad ko napabuntong hininga nalang ako, tsk if she doesn't look as miserable as this ay hindi ako mangingiming iwanan siya so I just found myself sitting beside her and silently listening to her sobs "I hate him" pagsisimula nito So tama ang hinala kong lovelife problems ang iniiyakan nito, sino naman kayang maswerteng lalaki ang pinagaaksayahan ng luha ng isang Prinsesa? "I love him, bata palang kami ay ilang beses ko na iyong sinabi sakanya, I even begged just for him to love me back pero lagi niya akong binabalewala. I do a lot of efforts, I even fought my love for him kay Daddy dahil ayaw nito sakanya, because he's a happy go lucky guy and my dad wants someone who's trustworthy and serious in engaging into a relationship but he is a playboy kaya natural lang na ayawan siya ni Daddy para sakin pero pinaglaban ko siya at ito lang pala ang mapapala ko? heartbreak?" She humorlessly laugh bago umiling-iling na at naluluhang tinitigan ako sa mga mata "just this morning I found him in his condo na may kalampungang babae! I hate him! so much! Sana naman kung hindi niya ako mahal, sana sinabi nalang niya, sana harap harapan niyang pinamukha sakin because everytime na nagiging concern siya sakin, everytime na nagagalit siya because he's worried of me binibigyan niya ako ng kakaunting pag-asa na pinanghahawakan ko sa ilang beses niyang pagtulak sakin palayo but this is just too much, hindi ko na kaya....pagod na akong mahalin siya" bakas sa mukha nito ang labis na lungkot at pagdadalamhati Isa lang ang masasabi ko, whoever that man is, He is a freaking f*cking jerk! He don't deserve a martyr princess like Sophia crying for him. "I hate him, I hate him so much at natatakot ako....natatakot akong baka hindi sapat yung poot na nararamdaman ko kapag dumating siya at nagsorry sakin, I feel like iyon lang ang inaabangan ng puso ko so that my anger will just melt away. masyado ko siyang mahal pero gusto kong magalit muna sakanya at ipamukha sakanyang hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Hindi ko na alam ang gagawin ko" napayuko siya at hinilamos sa mukha ang kanyang mga palad, gulong-gulo siya ramdam ko iyon muli akong napabuntong hininga at tinapik siya sa likod, I can't say anything to her na makapagpapagaan ng loob niya, I've never been inlove or hurt by that thing called love so I'll never understand her pain but nonetheless hindi man ako magsalita atleast she knows na hindi siya nag-iisa ngayon and I know that that's what she needs now above anything else, A person to lean on. "Napapagod na ako, maybe one of these days I'll just found myself numb and unable to feel anything kapag nasaktan nanaman ako dahil sakanya" Gosh! This Girl deserve someone better not that freaking bastard "Who is that mighty person for a princess to cry so hard like that?" sa wakas ay tanong ko dito habang pinagmamasdan ko ang mukha niyang hilam ng luha I am so damn curious, I want to punch that guy on the face para ipamukha dito kung gaano kakapal ang mukha niya na magpaasa at magpaiyak ng isang prinsesa, I also want to kick his balls dahil f*ck wala siya nun! I'm a girl alright? syempre kapag umiiyak ang kapwa babae dahil sa lahi ni Adan ay natural lang na magalit ako, I'm trying to put her situation in my shoes, maaari ring mangyaring paglaruan lang ako ng lalaking mamahalin ko, If that ever happens to me ay baka hindi ko rin kayanin tulad niya. those men are really someone that can't be trusted, girls really need a big barriers for defense to avoid future heartbreaks because of those men. "Keifer Natividad" simpleng sagot nito sa tanong ko bago muling bumalik sa paghagulgol, napakunot naman ang noo ko sa narinig that name rings a bell and as if on cue ay biglang may dumating na lalaki at hinila patayo si Sophia "What the hell?! kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nagsusuot!?" galit nitong sigaw kay Sophia kaya't labis na nagpanting ang mga tenga ko Bulag ba ito? Can't he see that Sophia is in a fragile state? luhaan ito at namumugto ang mga mata tapos sisigawan niya pa? Sino ba ang lalaking ito? magtatanong na sana ako kung sino ang bagong dating ngunit hindi ko na natuloy dahil kusang lumabas sa mga bibig mismo ni Sophia ang sagot sa katanungan ko "K-kiefer"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD