Veronica's P.O.V
Wala na kaming nagawa pang apat ng magsimulang maglakad si Empress palayo, pinapanuod lang namin ang likod nito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin namin
napailing nalang ako saka bumuntong hininga
Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili na wag nang magulat pa sa mga mangyayari na involved si Empress because heck she has the guts to look and challenged the King of all Kings pero hindi ko parin mapigilan, I can't help but to be shock, alright?
She just defeated 10 heavily armed men! 10 well-trained Knights without even breaking a sweat (R.U. students call those MIB and Trusted Soldiers of the Emperor, Knights. they are the one to execute the Emperor's Orders and at the same time his Protectors and Guardians.)
She looks so weak, fragile and so innocent yet she can kick some ass. hindi halatang kaya nitong magpatumba ng tao.
Empress is really a girl full of surprises, unang kita ko palang sakanya sa mall noon nung minsang nakikipag-agawan ako ng Limited edition LV purse sa isang babae, alam ko noon pa man na she's not a typical kind of girl, she taked everyone's breath away with her mere cold voice, kahit nakamanang outfit siya at nerdy glasses nagawa niyang patahimikin ang lahat at pasunudin sa gusto niya.
Her aura speaks for herself, it's like a huge barriers that shouts Death, that whoever messes with her will die, iyon ang pakiramdam ko sa tuwing nagagalit siya o may hindi nagugustuhan, kaya nga siguro ilag sakanya ang mga ilang estudyante dahil nararamdaman din nila iyon, I knew it since kami ang lagi niyang kasama, walang ordinaryong estudyante ang naglalakas loob na kaibiganin siya kahit sa loob ng classroom nila, all of them can sense it too, kahit ako minsan hindi ko maiwasang matakot at ngayong nakita ko ang kakayahan niyang lumaban ay lalong dumoble ang takot ko na parang sinasampal sakin ang katotohanan na kaya niyang gawin ang nasa isip ko,
She can really kill whoever messes with her.
"I'm not dreaming right?" rinig kong tanong ni Carmen kaya't napalingon ako sakanya, nakatulala parin ito hanggang ngayon sa daang tinahak ni Empress kanina
"I think we are" ani Hera na katulad ni Carmen ay nakatulala pa rin
They look really shocked, kahit ako din naman but I already have my first hand experience of Empress shocking surprises kaya madali akong nakamove on sa nangyari.
"Wag na kayong magulat guys sa mga susunod na araw, Empress are full of surprises" ngingisi ngising saad ko at muling sumulyap sa dinaanan ni Empress bago hinarap si Hera at tinapik ang balikat nito kaya't nag-angat naman ito ng tingin sakin
"Let's bring Mr.Haynes to the Infirmary" simpleng saad ko dito na kinatango naman nito at umayos na ng tayo
Maglalakad palang sana ako palapit kay Christian ng mapahinto ako ng magsalita si Carmen
"You know about this?" binalingan ko lang ito saka nagkibit balikat
"I really don't know that she can fight but I'm aware that she can do far more than what meets the eye" sagot ko that makes her more confused, maging si Sian na nakikinig lang saming dalawa ay napakunot din ng noo dahil sa sinabi ko
"What do you mean? Sino ba talaga siya Veronica? She looks like a Nerd to me but not the way she acts and speak" napalunok ako sa katanungan ni Sian, parang biglang nagsink in sakin lahat ng mga pinagsasabi ko..
Mali yata ito! dapat hindi ko sila binibigyan ng riddles dahil magiging palaisipan iyon sakanila at baka maghalughog sila sa katauhan ni Empress, I might blew her cover! baka masira ang mga plano niya sa paghahanap sa Hari.
"Y-you know what guys? kahit ako ay hindi ko rin talaga alam kung paano niya nagawa iyon so what if tanungin natin siya tomorrow? para masagot na ang mga katanungan natin" I said trying my best to sound casual
"Minsan k-kasi talaga may pagkaweird iyon si Empress, maraming alam gawin kaya sinabihan ko kayo na wag nang magulat kasi kahit a-ako minsan nagtataka paano niya nagagawa ang mga bagay bagay" medyo nauutal ako pero nailusot ko naman yung paliwanag ko kaya't pinagpapasalamat ko na gumana kahit papaano ang utak ko
"Kaya mas mabuti pang tanungin nalang natin siya" I added
"Oo nga, let's try asking her tomorrow para maliwanagan" tatango-tangong sang-ayon ni Carmen, napatango rin sila Hera at Sian that made me sigh in relief
Nice! Kumagat sila sa alibi ko.
Matapos ang pag-uusap na iyon ay sabay sabay na naming nilapitan si Mr.Haynes, Ang Hari ng Clover.
Nang makalapit ako kay Christian at tuluyang makita ang lagay nito ay hindi ko mapigilang maawa, punong puno ito ng sugat at pasa sa buong katawan, hirap narin niyang idilat ang mga mata at pinipilit nalang niyang manatiling gising.
Hindi ito ang unang beses na nagpataw ng ganitong parusa ang Hari, marami narin itong naparusahan ng kamatayan at kahit may mga nagreklamo na sa Supreme Court ng tungkol dito ay tila nagbingi-bingihan at bulag-bulagan ang mga kawani ng kataas-taasang hukuman, alam nila ang nagaganap na paglabag sa human rights sa loob ng eskwelahan ngunit umaakto silang walang alam.
The Order of Execution ah? What a f*cked up order is that? a lot of people are wondering if it is even possible, well it is! that's how powerful is the Emperor of this University, The Emperor's words are the Law inside Royal University at kahit pa may magreklamo tungkol dito ay wala paring mangyayari because d*mn he's the Emperor, He have the power to control the whole world, he have the power to make everyone, anyone kneel infront of him.
Nagtulungan kaming apat na dalhin si Christian sa Infirmary, dinaluhan agad ito ng mga Nurse at ginamot ang mga sugat na natamo, kitang kita sa mukha ni Hera na sobrang nag-aalala siya sa kalagayan ng Hari ng Clover, kaya't lumapit ako dito at hinagod ang likod nito, nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin ngunit nanatili akong nakatingin sa harap kung saan nandoon si Christian na pinapalibutan ng mga Nurse, hindi naman ito nagsalita kaya pinagpatuloy ko lang ang pagdamay sakanya, nakita naman iyon ni Carmen kaya lumapit din siya samin at nginitian si Hera at tumabi naman sa kabilang gilid nito
Naging maayos ang lahat sa ilang oras na lumipas, maayos na ang lagay ni Christian, nagamot na ang mga sugat nito, kasalukuyan itong nagpapahinga at himbing sa pagtulog samantalang kaming apat ay tahimik sa kanya-kanya naming pwesto, si Sian na nakahalukipkip at nakahilig sa pader, ako na nakaupo sa isang visitor's chair, si Carmen na naka-upo sa isa sa mga kamang nandoon at si Hera na nakaupo sa bakanteng space sa higaan ni Christian
Nabasag lang ang katahimikang iyon nang biglang bumukas ang pinto ng clinic, natulos kaming lahat sa kinapu-pwestuhan ng makilala kung sino ang bisitang dumating
WTF?!
You've gotta be kidding me?!?
King Damian Romualdi III
Ang Hari ng Highest Council, The Sovereign himself are right infront of us, kasama ang dalawang Knights sa likuran nito.
napatayo kaming apat ng maayos at yumuko bilang pagbibigay galang sa aming kataas-taasan,
It is a very rare situation to meet the Emperor, he never just shows himself to anyone, isang beses ko lang siyang nakita noon nung minsang nagkaroon ng pagpupulong ang lahat upang ilathala sa lahat ang mga bagong itinalagang Hari at Reyna sa bawat organisasyon, tatlong taon na ang nakakaraan, matapos iyon ay hindi ko na ulit ito nakita pa kahit pa nagpalit ang ibang organisasyon ng bagong namumuno.
Ang alam ko ay madalas lang ito sa tower niya at nag-uutos lang sa prinsipe ng Highest Council kung may nais itong gawin at hindi ito umaalis doon hangga't may gumagala pang tao sa eskwelahan, kasama iyon sa report na binigay ko kay Empress dati, nabasa niya kaya iyon?
"Head up my dear royalties" the Emperor coldly said interrupting me from my thoughts, dahan-dahan kaming lahat na nag-angat ng ulo at sumalubong saamin ang malamig na mga mata ng hari
I bit my lower lip hoping it could atleast lessen the tension I'm feeling because for some unknown reason I can't help but to feel intimidated and terrified just by his gaze and mere presense.
Dumako ang mga mata ng hari kay Christian na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang pagkakatulog
"So he's still very much alive, according to my people whom I ordered to kill him, some random girl suddenly interrupted the execution, mind telling me who she is?" pinakatitigan niya kami isa-isa at wala ni isang nangahas na magsalita
I will never speak, mas gugustuhin ko pang ako nalang ang maparusahan kaysa ipagkanulo ko ang isang kaibigan at ganoon din siguro ang nasa isip ng iba pa dahil nanatili rin silang tahimik
"No one wants to answer me?" he said as if he's warning us that he's not happy about our silence
Well, if my silence is the only way to save a friend then I'll forever shut my mouth.
"Okay then, how about I take a guess?" napakunot ang noo ko ng sabihin niya iyon, huhulaan niya?
Sa dami ng Estudyante sa R.U. I bet kulang ang isang araw bago niya pa mabanggit ang pangalan ni Empress......
"I suppose it is someone wearing a very long skirt, oversized blouse, nerdy glasses, an ugly looking shoulder bag and her name is Empress Yui Lee" namutla kaming lahat nang banggitin niya ang buong pangalan ni Empress, maski ang pananamit nito ay tugmang tugma sa deskripsyon ng Hari
What the Heck?
he knows who Empress is? kaya ba hinahanap ni Empress ang Hari dahil magkakilala talaga sila? o di kaya ay may nagawa naring labag sa batas ng Hari dati si Empress kaya pamilyar siya dito?
dahil sa reaksyon natanggap niya mula saamin ay naiiling na napahilot sa sentido ang Hari
he tsked "Just what I thought. That beautiful vile stubborn defiant creature!" he said gritting his teeth, tinalikuran na niya kami at walang sali-salitang lumabas ng Clinic at pabalibag na sinara ang pinto
Sabay-sabay na napabuga kaming lahat ng hangin na para bang kanina pa namin pinipigilan ang paghinga
"Kilala niya si Empress" wala sa sariling pahayag ko
"The Emperor will surely punish her" I hopelessly said, mariin kong pinikit ang mga mata at hinilamos ang aking kamay sa mukha
"That's the first time I saw him that mad" ani Sian kaya't nabaling sakanya ang atensyon ko "he is often calm and composed, I already met him 3 times kaya alam ko" napalunok ako ng dahil doon, parang alam ko na ang kahihinatnan ng balak niyang iparating "and I'm telling you Empress is in Danger, he really made the Emperor fuming mad" Sian restlessly said
"Paano na yan? kahit pa mataas ang rank natin, wala parin tayong laban sa Hari ng Highest Council" nag-aalalang turan ni Carmen
"anong gagawin natin? we need to do something!" I hysterically said bago nanghihinang napaupo ako sa kaninang kinauupuan ko saka napabuntong hininga
Ano nang mangyayari nito kay Empress?!
"Best we could do is keep an eye on her, hindi natin mapipigilan ang Hari sa pinaplano niya pero kapag dumating na ang araw na kinatatakutan natin saka tayo aaksyon, we will save her whatever happens" suhestiyon ni Hera
napatango naman ako at sinang-ayunan ang suhestiyon nito gayon din naman sila Carmen at Sian
"Let's just pray na sana mailigtas natin siya, I don't want to lose a friend like her" malungkot na pahayag ni Carmen
"Me too" I said that made everyone sigh, guess everyone of us are afraid to lose her too