Yui's P.O.V
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" sabi ni Sian saka umupo sa tabi ko
nginitian ko lang siya at napailing dahil sa sinabi nito
I admit, wala ako sa sarili ngayong araw, kanina pa ako tulala at wala sa sarili, I'm still thinking of possible ways kung paano ko makikilala ang natitirang anim sa listahan ko
"Baliw, Inaantok lang ako" pagsisinungaling ko
"Anyways bakit hindi mo kasabay sila Veronica at Carmen? magkakaklase kayo ah?" tanong ko dito
Magkakaklase kasi lahat ng Royalties dito sa Royal University, Section VIP, exclusively for them. hindi ko na tinangka pang pumunta sa Room nila dahil kahit pumunta naman ako doon ay wala akong mapapala dahil si Veronica na rin mismo ang nagsabi saking hindi pumapasok ang hari ng paaralang ito atsaka as far as I remember hindi naman close yung mga Royalties kaya for sure kapag nagpunta ako dun ay hindi rin naman ako ipapakilala nila Carmen sa mga kaklase nila so meaning magsasayang lang ako ng effort.
Nandito kami ngayon sa Cafeteria, at kanina pa ako dito, pasalamat sila mabait ako kung hindi ay kakalbuhin ko talaga silang tatlo. kung ako lang rin kaya kong kumain ng hindi sila kasabay but then nagtext sakin sila Carmen na hintayin ko na daw sila dito at sabay-sabay nang kumain since it's breaktime so hindi na ako tumanggi pa. kung alam ko lang dapat nauna na akong kumain. I'm starving to death.
"You know women, madaming arte sa katawan. sabay dapat kaming tatlo papunta dito pero pinauna na nila ako dahil dadaan pa daw muna sila sa powder room. Now I'm doubting kung babae ka ba talaga, nauna ka pa sakin dito eh" nakangising turan ni Sian sakin
inis na inambaan ko lang siya ng sapak pero agad ko ring binaba, baka kasi kapag nasapak ko ito at may makakita ay pag-initan ako sa eskwelahang ito
Royalty parin kasi itong si Sian kahit hindi halata, He's still the King of Spade at kapag nakita ng kahit na sino dito na sinapak ko ang hari ng spade ay baka maparusahan ako ng Highest Council. That's one of the rule in this University, respect those who belong to the Higher Ranks.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating narin sila Veronica at Carmen at naki-upo narin sa table ko
hindi ko mapigilang mapangiti ng makitang nagtatawanan silang dalawa at magkatabi pa ang pwestong inokupa nila
"Tapos alam mo ba? I saw her bare face! walang yung eyeglasses, hindi nakapangmanang outfit and all! Dyosa siya Carms!" tili ni Veronica that made me roll my eyes, mukhang alam ko na kung anong pinag-uusapan nila ah
"Talaga? unfair! bakit sakin hindi niya pinapakita?" nagtatampong saad ni Carmen at sinamaan ako ng tingin na siyang kinakibit balikat ko lang
"Bestfriend ako eh! ofcourse dapat lang na ipakita niya sakin, dinala pa nga niya ako sa Mansion nila. Don't worry Sis! sama ka lang lagi samin and magiging bestfriend mo rin kami. kailangan mo lang iprove na mapagkakatiwalaan ka namin" Nagningning ang mga mata ni Carmen dahil sa sinabi ni Veronica kaya't napailing nalang ako
"Waaah! talaga?!" excited na turan ni Carmen
"Syempre Girl! don't worry, mabilis naman ma-earn yung trust namin!" napangisi nalang ako dahil sa tinatakbo ng conversation nilang dalawa
parang kahapon lang nagbabangayan ang dalawang ito ah, ngayon kung mag-usap akala mo ang tagal nang magkaibigan
"Anyways Sian order ka na ng Foods" sabi ni Veronica habang ginagalaw nito ang kamay like she's trying to shoo Sian away
"Ha? Ako? bakit hindi ikaw?" sabi naman ni Sian na kunot na kunot ang noo
"Ikaw ang lalaki eh malamang! Be a Gentleman and go get us some foods, bakit ako ang uutusan mo?" mataray na saad ni Veronica, inis na tumayo si Sian at walang lingon lingon na dumiretso sa counter
nagkatinginan kaming tatlong babae at naghagikgikan
"I don't know na madali pala siyang mauto" nakangising turan ni Carmen
"Kaya nga! galing mo Nica!" sabi ko saka napatawa ng malakas, dahil sakanilang tatlo pansamantalang nawala sa isip ko yung nga problemang kinasasangkutan ko
napatigil kami sa pagtatawanan ng may pamilyar na babaeng humahangos papunta samin at huminto sa tapat ko
"Hera?" gulat at hindi makapaniwalang sabay na saad ni Carmen at Veronica nang tuluyang makilala ang babae, hindi lang ito pinansin ni Hera at nanatiling nakatingin saakin
"E-empress h-help me!" naiiyak nitong turan at lumuhod sa harapan ko kaya't mabilis akong napatayo at hinatak siya papatayo
"Are you out of your mind Hera!?! bakit ka lumuluhod!? ano bang nangyari?!" Galit kong turan, lalo namang lumakas ang hikbi nito at niyakap ako ng mahigpit
"I...I d-don't know w-what to do a-anymore, hindi ko alam k-kung saan ako hihingi ng tulong, please Empress help me!" she said begging me at nararamdaman ko na rin ang pamamasa ng balikat ko dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ni Hera
bakit ba siya umiiyak? anong matinding rason para lumuhod at magmakaawa sa harap ko ang Reyna ng Clover, ang pinakamataas sa ranking ng apat na organisasyon?
"Tell me what's wrong? paano kita matutulungan kung wala akong idea kung anong tulong ang kailangan mo?" mahinahon kong saad habang tinatapik-tapik ko ang likod ni Hera para pakalmahin ito
"what's happening?" I heard Sian's Voice kaya't napalingon ako sa pwesto nilang tatlo, they all looked at me as if asking me what the hell is happening
kahit ako wala ring idea!
"S-si Christian..." nabalik ang atensyon ko kay Hera ng banggitin niya ang pangalan ng Hari ng Clover, biglang may bumundol na kaba sa dibdib ko
"W-what happened to Christian?" kinakabahan kong tanong, lumayo naman siya sa pagkakayakap sakin at hinarap saakin ang basang-basa niyang pisngi dulot ng pag-iyak
"The King Ordered to Kill Christian" nanlaki ang mata ko ng dahil doon
What the F*ck?!
K-kill Christian?!
"H-help me Empress!" hinawakan ko naman ang kamay niya at tinitigan siya sa mga mata
"Bring me to him" I seriously said, tumango naman ito at hinatak ako sa kung saan
naramdaman kong sumunod ang tatlo saamin ni Hera na pinagsawalang bahala ko nalang.
Christian is a nice person, kahit kahapon lang kami nagkakilala ay alam kong mabait siyang tao, Anong matinding kasalanan nito para ipag-utos ng hari na patayin ito?
nang huminto si Hera ay mabilis niyang binitawan ang kamay ko at napaluhod sa kakaiyak, dinala niya kami sa field ng university, marami ang nanunuod at nagkukumpulan upang makita ang kaganapan ngunit walang nagtatangkang tulungan si Christian
there right in-front of us is a guy fighting for his life pero halatang pagod na siya at puno na ng galos ang katawan
10 heavily armed man vs an ordinary athletic guy
I heard gasped at my back na sigurado akong galing iyon sa tatlong nakasunod saamin ni Hera
napakuyom nalang ang kamao ko, anong karapatan niyang gawin ito!? if he wants to kill someone, hindi na dapat niya pinabugbog ito, he should've kill him on the spot but instead they're torturing him, kitang kita ko yung baril sa holster ng sampung lalaki and yet hindi nila iyon ginagamit, balak nila itong patayin sa bugbog
"Send these students away" I seriously said at alam kong narinig iyon nila Veronica
"Students of Royal University!" Veronica said trying to get their attention at nagawa niya nga dahil napatingin sa pwesto namin ang lahat ng estudyanteng nandito
bigla namang nagsiyukuan ang mga ito pagkakita sa mga kasama ko
humakbang paabante si Sian at pumunta sa harapan naming apat, he put his hands on his pocket before he coldly look at all the present audiences of the show from the King of all kings himself
"Leave" he said coldly kaya't kumaripas ng takbo ang lahat ng estudyante at kami nalang ang natira dito
lalo akong nagngitngit sa galit ng nakita kong natumba si Christian dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa mukha nito
this is not fair! 10 vs 1? that King really knows how to make me mad.
kaya't hindi ko na napigilan pa, mabilis akong tumakbo palapit kay Christian
balak pa sana akong pigilan ng tatlo (Sian, Veronica at Carmen) but sorry to say, Tatay ko nga hindi ako mapigilan sa gusto ko, sila pa kaya?
mabilis na sinugod ko ang isa sa sampung lalaki na balak sanang apakan si Christian sa sikmura, I climbed and sit on his shoulder, pinulupot ko ang hita ko sa leeg nito bago binagsak ang sarili patalikod, I used my hands as a support at buong lakas na nagbackflip at hinatak ito gamit ang hita kong nakapulupot sa leeg nito kaya't pagkabagsak nito sa lupa ay agad itong nawalan ng malay, nakangisi akong tumayo mula sa pagkakaupo sa dibdib ng pinabagsak ko saka inayos ang tumabinging salamin ko
Too bad I can't kill him, masyadong maraming audience, I can't afford to blew my cover.
napahinto sa pambubugbog ang natitirang siyam, maski si Christian ay napahinto at gulat na napatingin saakin
"E-empress?" hindi makapaniwala nitong tawag sa pangalan ko
"The one and only" I said then smirked bago sinugod ang natitirang siyam
sabay-sabay din namang sumugod sila sakin at iniwan na si Christian
Malakas ang pinakawalang suntok ng isa na nailagan ko, at mabilis na sinuntok ito sa tiyan, natumba naman siya at namilipit sa sakit
inilagan ko lang ang sunod sunod na tira ng mga natitira, paminsan minsan ay gumaganti ako ng suntok, I'm planning to exhaust them. ngunit napakunot ang noo ko ng ilabas ng isa ang baril nito at tinutok sakin, kaya't mabilis pa sa alas-cinco na sinipa ko ito pataas atsaka sinalo, I shot all the remaining armed men in their either left or right foot and two shoulders pagkasalong-pagkasalo ko
for sure hindi na makakalaban pa itong mga binaril ko kaya't itinuon ko ang atensyon ko sa sinikmuraan kong lalaki na hanggang ngayon ay namimilipit parin sa sakit
lumapit ako sakanya at sinampal siya gamit ang likuran ng palad ko na may hawak ng baril
"Tell this to your Emperor, kapag ginawa niya ulit ito! ako ang makakalaban niya" I said through gritted teeth, mabilis naman itong tumango habang hawak hawak ang pisnging sinampal ko, walang emosyong tinalikuran ko siya at pumunta sa tapat ni Hera, I kneel my right foot upang magkatapat kami saka ko siya nginitian bago ginulo ang buhok nito
"You did the right decision on asking me for help, now bring Christian to the clinic and mend his wounds, sayo ko na siya iiwan ha? pagod na ako eh" sabi ko at tumayo
binato ko naman kay Carmen ang hawak kong baril kaya't natataranta nitong sinalo iyon
"I'm going home, wala na akong ganang pumasok, tell my professors on my next class na may sakit ako, kayo na bahala ah?" kinindatan ko silang tatlo saka ko sila linagpasan at hindi na nilingon pa
Pinapainit talaga ng Haring iyon ang ulo ko!