Yui's P.O.V
hawak hawak ko ng mahigpit ang strap ng shoulder bag ko habang papasok sa malaking gate ng Royal University.
nagsilingunan ang lahat na animo'y parang may isang hindi pangkaraniwang nilalang ang tumapak sa teritoryo nila
nandidiri nila akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa na pinagpasyahan kong balewalain na lamang
maski naman ako ay kasalukuyang nandidiri sa suot ko kaya naiintindihan ko sila.
hindi ko talaga mapigilang mainis kapag naaalala ko yung naging pag-uusap namin ni daddy, ano bang pumasok sa kukote ko at pumasok ako sa ganitong set up
Flashback >>
"You've gotta be kidding me" I saw how daddy smirked at me kaya't pinandilatan ko siya ng mata
Dad knows how much I wanted to study at a university, at isa ang Royal University sa pinagpipilian ko, lumaki ako na puro home study lang ang naganap at hindi ko kailan man naranasan mag-aral sa school dahil narin siguro hindi ko pa kayang depensahan ang sarili ko nun laban sa mga may tangkang sirain ang pamilya Takeshima.
"Anong kapalit nito?" pinangunahan ko na si daddy, I know him too well, hindi niya gagawin yung gusto ko ng walang kapalit
"Dress as a nerd, act ordinary, be plain and simple and don't do anything stupid. that's all I wanted you to do, it's all for your own good, kaya sumunod ka nalang sakin" napaisip naman ako dun
that's too simple, I'm not an assassin for nothing, hindi pwedeng hindi marunong umarte ang mga assassin, cause they will be easily get caught after killing, that's why acting is nothing but a piece of cake.
nakalakihan ko nang laging umarte, bakit hindi ko pa gagawin ngayon? atleast now I am acting without killing anyone?
humarap ako kay Daddy at nginitian siya "It's a deal" I said and offered my hand na tinanggap naman nito
Flashback Ends
napahampas nalang ako sa noo ko, hindi ko naman naisip na ganitong itsura ang kahihinatnan ko eh.
Sobrang habang skirt ✔
Napakalaking Eyeglass ✔
Old Fashioned Shoulder bag ✔
Retainer ✔
Oversized Blouse ✔
Ang resulta...."Baduy na Nerd"
napatingin ako sa paligid ko, nakita ko kung paano nagpapaiksian ng skirt ang mga babae dito kaya't hindi na talaga ako magtataka kung tignan nila ako ng may halong pandidiri
dumiretso na ako sa Dean's Office at kinuha yung schedule ko, pagkabanggit ko palang ng pangalan ni Daddy ay sobra kung asikasuhin nila ako, tss mga hypocrite, mabait lang sila sa mga may kapit pero kapag wala dinaig pa ang basura kung tratuhin.
Binago ni Daddy ang pangalan ko, he made my name into Empress Yui Lee, A scholar of a charity that he built. sanay naman na ako na magpabago bago ng Identity kaya hindi na ito bago sakin tsaka apelyido ko lang naman yung binago niya at dinagdagan niya lang ako ng first name.
mabagal na tinahak ko ang daan papunta sa classroom na nakasaad sa schedule na binigay sakin.
nang marating ko iyon ay halo-halong emosyon ang naramdaman ko, nervous, excited, happy...ewan ko ba nababaliw na yata ako
bumuntong hininga muna ako bago ako kumatok at dahan dahang binuksan ang pinto
bumungad sakin ang isang prof na kasalukuyang napatigil sa pagtuturo at hinarap ako
"You must be the transferee student, I'm Mrs.Park the Adviser of this class" I just smiled at her at dirediretsong pumasok sa loob ng classroom at huminto sa tapat ng gurong bumati sakin, ramdam ko ang mga mapanghusgang mga mata na nakatingin sakin ngayon, psh akala mo naman kung sinong mga naggagandahang nilalang
"Please introduce yourself" I faced the students which are now my classmates who will be with me this entire school year who are currently looking at me with complete disgust may mangilan ngilan naman na mukhang walang pakialam
I smiled fakely and introduced myself
"Good Morning everyone, My name is Empress Yui Lee, please take good care of me" I said then bow down to everybody
pinaupo nalang ako ni Mrs. Park sa bakanteng upuan sa likod at pinagpatuloy na ang pagdidiscuss
natapos ang napakaboring na klase, halos hindi na nga ako nakinig sa mga sinasabi ni Mrs. Park at nagfocus sa pag-iisip ng paraan sa kung paano ako makakatulog ng hindi niya mapapansin. sa sobrang bored ko ay inantok talaga ako.
napahikab nalang ako at nag-inat bago sinukbit yung bag sa balikat ko
paglabas ko ng room ay sobrang tahimik ng paligid, may mga estudyante naman ngunit hindi sila nagsasalita at nanatiling nakayuko ang mga ulo ng mga ito pero ang mas nakakapagtaka at labis na nakapagpataas ng kilay ko is the fact na walang estudyante ni-isa ang nasa gitna, pawang lahat ng estudyante ay nakatabi sa gilid ng hallway na tipong may daraang dugong bughaw or something like Reyna or Hari
"Move out of my way b***h" rinig kong bulyaw ng kung sino galing sa likod ko kaya't napalingon ako dito
I scanned her whole body from head to foot bago salubungin ang nagbabaga niyang mga mata at tinaasan siya ng kilay
"Why would I?" I asked innocently, I heard gasped from around us pero hindi ko iyon pinansin at nanatiling nakatuon ang atensyon sa babaeng kaharap
"You filthy nerd! how dare you disobeying my order!? Move or else ako mismo ang hahatak sa buhok mo para gumilid ka at bigyan ako ng daan, wag mo nang painitin pa lalo ang ulo ko at masama ang gising ko!" sigaw nito magsasalita pa sana ako nang biglang may humatak sakin at dinala ako sa likuran niya bago yumuko at nagsalita
"Pasensya na po Miss Sofia, bago lang po kasi siya dito kaya't hindi niya alam ang patakaran ng eskwelahan, intindihin niyo nalang po sana" sabi nito, nakita ko namang napairap nalang yung tinawag nitong Miss Sofia bago muli akong samaan ng tingin
"Then tell this Nerd to know her place at huwag na muling haharang-harang sa daraanan ko" sabi nito but instead of looking at the girl na hindi parin nag-aangat ng tingin at nanatiling nakayuko ay nakatingin ito sakin using her death glares
nagsimula na itong umalis at sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko
"You must be Miss Empress Yui Lee, I'm Carmen De Leon, napag-utusan ako ng Dean na hanapin ka at itour sa campus" nakangiting pagpapakilala nito at inabot ang kanyang kanang kamay ngunit imbes na tanggapin ay muli kong nilingon ang daang tinahak nung babae kanina na tinawag niyang Miss Sofia
"Who is she?" nagtataka kong tanong dahil binabagabag parin ako sa kung paano siya tratuhin ng lahat, it's as if everyone is afraid of her
may hindi ba ako nalalaman sa territoryong tinatapakan ko?
"Ah! The girl awhile ago is Miss Sofia Andrea Montecarlos, The Princess of Royal University" marahas na napalingon ako sakanya sa sobrang gulat
"A Princess!?!" hindi makapaniwala kong saad
May Royalty sa Eskwelahang ito