"Babeeeeee namiss kita huhuhu" pagdadrama ni Draven sa tabi ko
I can't help but to roll my eyes, ang lakas ng amor niyang magdrama dyan,
aalis-alis siya tas babalik lang kung kailan niya gusto? aba hanep naman siya, ni-hindi ko nga alam saan siya nagpunta, hindi man lang nagsabi para sana aware ako sa whereabouts niya at hindi ako napagod kakaisip kung ano nang nangyari sakanya!
teka nga! ano bang pakialam ko kung saan siya nagpunta at kung bakit ilang araw siyang hindi nagpakita? ano niya ba ako para kailanganin niya pang magpaalam sakin?
if I ever said na namimiss ko siya, pwes binabawi ko na, hindi na dapat siya bumalik, tama na yung dalawang lagi umaaligid sakin at laging nagbabangayan, wag nang dumagdag pa
nandito ako ngayon sa Cafeteria ng school at kung nagtataka kayo kung bakit si Draven lang ang nag-iingay sa tabi ko at wala yung dalawang laging nagbabangayan? well nandito talaga sila, sadyang hindi sila makapag-salita at nastarstruck dito sa lalaking katabi ko ngayon.
pinagpasyahan ko nalang na hindi pansinin si Draven at ituon nalang ang pansin sa hawak kong libro
"Sweetheart grabe ka naman, hindi mo ba ako namiss? pansinin mo naman ako baby!" kunyari'y nagtatampo nitong saad, hindi ko parin siya pinansin at kinagatan ko lang yung hawak-hawak kong sandwich habang hindi parin inaalis ang tingin sa libro
"diba si Draven yan?" rinig kong bulong ni Chelsea kay Rodolfo kaya't napalingon ako sakanila
mukha silang timang sa pwesto nila ngayon, nakayuko silang dalawa habang nagbubulungan at pasimpleng tumitingin-tingin sa pwesto namin, samantalang nasa tapat ko lang naman sila, tapos yung bulong nila, rinig na rinig ko naman
"Oo girl, sibat na tayo para may moment sila hihihihi" malanding saad ni Rodolfo that made me mentally facepalm
"A-andromeda, maiwan na muna namin kayo, may p-pinag-uutos lang si Sir Cruz samin, dyan ka na! kita nalang tayo sa next class" paalam ni Chelsea sabay takbo at hatak kay Rodolfo
napailing-iling nalang ako habang tinitignan silang tumatakbo at hindi magkandaugaga kung saan sila pupunta
"Kaibigan mo?" Draven ask, umiling naman ako bilang tugon
"then bakit kasama mo sila?" tanong niya ulit kaya't binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin
"hindi naman kailangan kaibigan mo kapag kasakasama mo diba?" I said saka inirapan ito
bakit siya? hindi ko naman siya kaibigan pero lagi siyang umaaligid sakin diba?
"Nagtatampo ka ba sakin? galit ka ba kasi hindi ako nagpaalam sayo? Sorry na kasi, biglaan kasi akong inutusan ni Papa na puntahan yung Branch ng Zenzus sa Palawan eh, hindi ako makaalis dun hangga't hindi naaayos yung aberya kaya ilang araw akong nawala, wag ka nang magalit, promise hindi na mauulit" pangangako ni Draven at tinaas pa ang kanang kamay
hindi ko parin siya pinansin, nilipat ko na sa nextpage yung librong binabasa ko at kumagat ulit sa sandwich na hawak ko
"Babe wag ka na kasing magalit" pangungulit nito at may paghatak-hatak na siya sa braso ko
"Ano ba! bitawan mo nga ako! tsaka sino bang nagsabing galit ako?" sabi ko dito at pilit na inaalis ang kamay niyang nakahawak sakin
bakit ba hilig akong hatak-hatakin ng mga tao sa braso? kotongan ko kaya sila? akala ba nila hindi masakit?
"Eh bakit hindi mo ako pinapansin?" nakapout pa nitong tanong kaya't napabuntong hininga nalang ako
para talaga siyang bata
"bakit may bago ba? hindi naman talaga kita kinakausap dati pa eh" I said with a matter of fact tone at binalik ang tuon sa librong binabasa
"So hindi ka galit?" umiling nalang ako sa tanong niya
hindi naman talaga ako galit, wala kasi akong karapatang magalit
he's nothing to me as well as I am just a no one for him, isa lang naman kasi ako sa mga babaeng nilalandi niya, I may look like a Meek prey for him for now but sooner or later magsasawa na yan kakahabol niya sakin kaya I should definitely avoid him bago pa lumala yung nararamdaman ko, kailangan ko na siyang iwasan hangga't kaya ko pa, bago pa mahuli ang lahat
"Alam kong gwapo ako but why are you looking at me like that?" nakataas ang kilay niyang tanong kaya't agad akong nag-iwas ng tingin sakanya
F*cksh*t hindi ko man lang namalayang nakatulala na pala ako sakanya
"G*go hindi Gwapo" sabi ko nalang para pagtakpan ang kahihiyang ginawa ko
tumayo na ako at nagsimula nang maglakad ng marinig ko na ang bell na hudyat na magsisimula na ang next class
"Hatid na kita sa next class mo" anyaya nito sakin, I need to finish this once and for all, huminto ako sa paglalakad at hinarap siya kaya't agad na napahinto rin siya
I was about to open my mouth at sabihin sakanyang lubayan na niya ako but then suddenly a woman appear out of nowhere at lumingkis sa braso niya
"Honey? I missed you, where have you been? ang tagal na nating hindi nagkikita ah?" nakita ko rin ang gulat sa mukha ni Draven, nag-aalinlangan itong tumingin sakin saka umiling-iling na parang sinasabing wala siyang alam sa nangyayari
tinalikuran ko nalang siya at nagsimula nang maglakad, ang pangit ng view eh, balak nilang maglandian sa harap ko pa
I heard someone cried kaya't nacurious ako at nilingon ko iyon, I saw Draven shooting death glares at the woman, while the woman cried and beg at him
why would anyone beg for someone's love?
napailing nalang ako sa tanong ko sa sarili
ako pa talaga ang may lakas ng loob na magtanong niyan samantalang naexperience ko nang magmakaawa just to make a person stay
nakita kong lumingon sa pwesto ko si Draven bago ito tumakbo upang masundan ako kaya't nagsimula na akong maglakad ulit
"Wait up! Andromeda!" Woah hindi na niya ako tinatawag sa kung ano-anong callsign niya, anong nakain niya?
naramdaman kong may humawak sa mga braso ko kaya't napahinto ako at hinarap siya
"I promise you, wala lang iyon, it's just one of my flings before matagal nang....."
tinaas ko ang kaliwang kamay ko at tinapat iyon sa harap ng mukha niya to stop him from talking
"Draven ano ba tayo?" I seriously asked
nagulat naman siya at halatang hindi ineexpect na magtatanong ako ng ganoon
"You uhmm....I am uhhh" paputol-putol niyang saad, I finally get it
wala nga talaga akong parte sa buhay niya na sa simpleng tanong hindi niya masagot sagot, he can tell me na kaibigan ko siya or what but he can't answer because I am just nothing for him, para sakanya isa lang ako sa mga babaeng balak niyang isama sa koleksyon niya
"You don't need to explain things to me, wala kang obligasyong gawin iyon, I am not your friend not even your girlfriend" seryoso ko pa ring saad at hindi pinuputol ang mga tinging pinupukol ko sakanya
"If you think na purkit nalaman mo na ang istorya ko ay may parte ka na sa buhay ko, Im sorry to say but you got it wrong Mr.Zenzus....you are just someone who suddenly appear out of nowhere para guluhin ang buhay ko, at kung wala ka nang ibang role sa buhay ko, please, just please. nakikiusap na ako sayo just stay away from me" sabi ko bago siya tinalikuran at nagsimula nang maglakad papalayo
While walking, napahawak ako sa dibdib ng bigla akong mahirapan sa paghinga, nasundan pa iyon ng biglaang pagsakit ng dibdib ko
F*ck not now, wag ngayon please
pinagpatuloy ko parin ang paglalakad at pasakit ng pasakit ng pasakit yung puso ko, parang pinipiga ito sa sakit
bigla akong napahinto ng biglang humarang sa harap ko si Draven
balak ko na sana siyang lagpasan ngunit hinarangan niya lang ulit ang dadaanan ko
kaya't pinukulan ko siya ng masamang tingin
"W-what?" I asked trying to sound okay
but little by little mas lalo akong nahihirapang huminga
"What are you so afraid of?" he asked, hindi ko siya pinansin at binalak muling lagpasan siya
I need to get out of here ngunit pinigilan niya lang ang braso ko at mahigpit niyang hinawakan iyon
"A-aray nasasaktan ako!" reklamo ko dito ngunit napakagat ako sa labi ng kumirot lalo yung dibdib dahil sa pagsigaw
"I said what are you so afraid of?" he asked again through his gritted teeth
unti-unti na akong nanghihina, hindi ko na kaya, nauubusan na ako ng hininga, sobrang sakit narin ng dibdib ko
nanghihina ko siyang tinitigan sa mga mata, nanlalabo na ang mga paningin ko, nabibingi narin ako
"Y-you" I finally said with my weak voice bago unti-unting nagdilim ang paningin ko